Chapter 23: Rapamune

328 23 3
                                    

Vocabulary!!!

Rapamune - Generic name: Sirolimus. Immunosuppresant. Pinapainom to sa mga pasyenteng magu-undergo or nag undergo ng organ transplant. Para hindi ireject ng immune system yung organ na ginamit for transplant.

Trivia!: Utak ang umiibig, hindi ang puso. Kaya tumitibok ang puso natin kapag naiinlove ay dahil sa hormones na nilalabas ng ating utak na nagsasanhi ng pagbilis ng pagtibok ng ating puso. Malalaman niyo mamaya kung bakit ako naglagay ng trivia.

●●●
💊💉

Nag dinner muna kami kasama ang buong crew. Kasama na din namin ang coach ng athletics team ng school. At mukhang kasama na din dito ang inuman.

"Nagpapasalamat ako sa inyong lahat kasi, nabigyan muli ng karangalan ang school natin! Let's have fun tonight! Kumain muna tayo at maginuman na mamaya!" masayang bati ni Coach Peewee. Naghiyawan kaming lahat sa tuwa at nagsimula na kaming kumain.

Maya maya ay may nagdatingan ding mga dancers mula sa ibang crew. Sila siguro yung mga nanalo. Sa katabing long table sila umupo at tahimik kami nang dumating sila.

"Hi! Ang lakas niyo pong sumayaw kanina." bati ng isang lalaki kay Beam. Katabi ko naman si Beam kaya nasa likuran namin yung lalaki.

"Nice one Beam!" kantyaw ng isang kagrupo ni Beam. Sumunod din naman yung iba sa pangangantyaw.

"Ako nga pala si Dexter." Pakilala nung lalaki sabay abot ng kamay for shake hands. Siyempre dahil bida bida ako, ako yung nakipagkamay.

"Ako naman si Forth pare. Ako ang boyfriend ni Beam." Mukhang nabigla yung lalaki sa sinabi ko. Hahahahaha! Dami pa kasing umeepal eh! Kung pwede lang na lagyan ng karatula itong si Beam na may nakasulat na "May nagmamay-ari na sa taong to"

Hindi na siya nakipagkamay sa akin. Sabi ko na nga ba gusto niyang pormahan si Beam. Hindi kayo magtatagumpay mga ungas!

Nagpatuloy kami sa pagkain. Maya maya naman ay napansin kong panay ang tingin ni Beam sa kabilang table. Sa table kung saan nakaupo yung kabilang grupo. Doon din nakaupo yung ungas na nagbabalak na pormahan ang pagmamay-ari ko.

"Likot ng mata mo mahal ah." bati ko. May halong sarcasm ang pagkakasabi ko kaya halata naman na medyo naiinis na ako. Gigil na si ako.

"Ha? Hindi naman ah?" sagot niya.

"Sige. Sabi mo eh."

Maya maya ay ganun parin ang nangyayari. Panay parin ang pasimpleng tingin niya sa kabilang table. Ano ba ha?!

"Ganda ba ng view?" tanong ko kay Beam.

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo?" akala niya talaga hindi ko alam kung ano bang ginagawa niya. Sige lang Beam. Ginagalit mo ko ah.

Hindi na ako nagsalita ulit. Halata naman na siguro sa itsura ko na badtrip ako. Feeling ko kasi mananapak na ako sa hitsura ko.

Natapos na kaming kumain at inuman naman ang sumunod. Lumipat na kami ng lugar para uminom. Napunta kami sa pinakamalapit na bar mula sa pinagkainan namin.

May banda din na kumakanta dito at malawak. Mala beer house ang dating. Naglatag na ng mga alak si Coach Peewee. Nagorder na din kami ng pulutan. Hindi kami magkandaumayaw sa mga nagdadatingan na mga order. Sisig dito, calamares doon, inihaw sa ilalim, kinilaw sa ibabaw.

"Okay guys! Please, enjoy this night! Sagot ko lahat ng oorderin ninyo!" anunsyo ni Beam. Ano pa nga ba ang mahihiling mo kay Beam? Ako kasi yung virginity niya. Hahahaha! Tigil! Galit parin ako.

Napupuno ang table namin ng mga bucket ng yelo at mga beer. Nagpatuloy ang lahat sa paginom ng alak at pagkain ng pulutan. Ito na siguro ang pinaka masarap na gabi sa taon na ito.

[A/N: Napaghahalataan na akong manginginom nito. Yawqna! Hahahaha!]

Kinalabit ako ni Beam at bumulong.

"Wag kang magpapakalasing. Hindi ko alam kung paano kita ihahandle pag lasing ka."

At dahil nga galit ako, binale wala ko lang yung sinabi niya at nagpatuloy parin ako sa paginom. Mataas ang tolerance ko sa alcohol kaya masasabi kong hindi ako malalasing tonight.

Nagiinom din si Beam. Mabilis siyang mamula pero sa tingin ko ay hindi pa naman siya lasing. Iba din talaga tong mahal ko. Pag ito nalasing mamaya, pagsasamantalahan ko na talaga to!

Naghiyawan ang iba. Patuloy parin ang paginom ng alak. Tinignan ko ang orasan, alas onse na ng gabi. Hindi naman issue kung gabing gabi na kami makauwi, yung iba din kasi ay naguuwian na.

Nagpatuloy kami sa paginom. Naramdaman ko na yung tama ng alak sa akin. Naramdaman ko na yung hilo at init ng katawan ko. Sunod sunod na din ang pagdighay ko. Lasing na ako pero kaya ko naman ang sarili ko.

"Mahal? Baka lasing ka na ah?" si Beam. Mukhang napansin niya na din yung kalasingan ko. Tumingin ako sa kanya. Bumabagal na ang takbo ng utak ko pero malinaw sa akin na si Beam ang kausap ko.

"Alam mo bang mahal na mahal kita?" sabi ko kay Beam.

"Lasing ka na nga talaga. Wag ka na uminom ha?" sabi ni Beam. Inilayo niya naman yung bucket ng beer na nasa harap ko.

"Lasing na kung lasing. Hindi nga kita maintindihan kung bakit ka pa tumitingin sa iba."

"Lasing ka na nga talaga."

Iniiwasan niya yung mga sinasabi ko. Lasing ako pero alam ko yung ginagawa at sinasabi ko. Kinuha ko ulit yung iniinom kong beer kanina. Straight kong ininom yung beer. Nagbukas pa ulit ako ng isa pang bote at straight kong ininom yun.

"Mahal tama na yan. Umuwi na tayo tatawagan ko na yung driver." sabi ni Beam.

"Bakit ba kasi sa iba ka pa tumitingin? Kung ganyan lang naman pala, magpapa-brain transplant na lang ako. Para hindi na ikaw yung mahalin ko. Iinom na ako mamaya ng Rapamune mamaya." sabi ko habang may paghikbi. Naiiyak na ako. Iba naman talaga ang epekto ng alak.

[A/N: Imposible po ang brain transplant. Wala pang nakakagawa niyan! Lasing lang po talaga si Forth]

"Wag ka na umiyak mahal. Mahal na mahal kaya kita! Uuwi na tayo ah?"

"Sige. Kung mahal mo talaga ako, bakit hindi pa tayo nagsesex?"

"Heto nanaman tayooo ♪" pakanta niyang sabi.

"Lagi mo nalang pinapatigas pero hindi mo naman pinananagutan."

"Sorry na mahal ha? Soon gagawin din natin yun."

"Sir Beam. Nasa baba na po yung driver ninyo." sabi ng isang staff dito sa bar. Mukhang kilala din si Beam sa bar na ito.

"Sige susunod na kami." sagot ni Beam.

"Guys! Tuloy lang sa paginom kung gusto niyo pa ha? Sabihin niyo lang sa waiter. Lasing na din to. Uuwi na kami." paalam ni Beam. Kumuha pa ako ng dalawang bote para inumin sa sasakyan. Gumagalaw na ang paligid ko. Lasing na nga talaga ako. Nababangga ko na din ang pader.

Inalalayan ako ng driver na makasakay. Sumunod na ding sumakay si Beam. Maya maya din ay umandar na ang sasakyan. Ininom ko na din yung dalawang beer na dinala ko. Straight kong ininom at tuluyan na talaga akong nahilo. Napasandal na ako kay Beam at nakatulog na.

I Am Addicted (ForthBeam FanFiction-Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon