Chapter 17: Amoxil

346 22 4
                                    

"Hindi mo gagawin yan Jaime. Hindi mo gagawin yan sa anak ko." isang boses mula sa likod namin ni Beam. Lumingon kami para alamin kung sino iyon. Si papa at si Tito Albert. Parehas silang naka suit and tie. Parehas pa silang gwapo sa kasuotan nilang dalawa. Naalala ko yung sinabi ni mama na nagkaroon daw ng boyfriend si papa noon. Hindi naman siguro si Tito Albert yun diba?

"Jaime. Sobra na yan. Hindi mo pwedeng gawin yan kay Forth." sabi naman ni Tito Albert.

"Kilala niyo tong walang kwentang lalaking ito?! At anak mo pa talaga to Danny?" nagtatakang tanong ni Sir Jaime.

Danny ang pangalan ni papa. Si mama naman ay Louisa. Lumipat na ng company si papa. Sa company ni Tito Albert. May group of companies din kasi si Tito Albert pati na din hospital. Si Tita Gwen ang may hawak ng shipping line company nila and si Tito Albert naman ay sa hospital since isa din siyang doktor. Si papa naman ang naging Vice President ng hospital ni tito. Mga 10 years na din si papa sa serbisyo.

"Subukan mo lang na gawin yan Jaime, mawawalan ng partner ang kumpanya mo." banta ni Tito Albert.

"Hindi niyo alam kung anong gulo ang pinasok nitong lalaking ito! Kailangan niyang panagutan ang anak ko buntis man o hindi!"

"May patunay ka ba na siya talaga ang ama? Hindi kaya nagsisinungaling lang anak mo para makuha ang gusto niya? Hindi man katulad ng insidente noon, naulit parin ngayon." sabi ni Tito Albert. Nagulat ako sa sinabi ni tito. Ibig sabihin, may nangyari na noon na pinasinungalingan din ni Jamilla para makuha ang gusto niya. Tumingin ako kay Beam. Kalmado parin ang mukha niya. Mukhang kampante siya sa kabila ng mga nangyayari.

"Pero nasa ICU ang anak ko! Dinugo na siya kanina dahil sa stress! Yan ang sabi ng doktor!" bulyaw ni Sir Jaime.

"Mawalang galang na po. Kanina ko pa po kasi gustong magsalita. Kung nakita niyo lang po yung dugo, nasa puwitan po iyon ni Jamilla. Kung magkakaroon ng bleeding, dapat hindi po nasa puwitan ni Jamilla ang dugo. Unless, may napkin siya. Malamang dapat nakaramdam na siya ng matinding sakit kanina palang."

"Imposible din naman po na duguin siya dahil ang sabi niya, Friday daw po nangyari ang lahat. Walang bleeding na mangyayari kung tatlong araw palang ang lumipas." paliwanag ko.

"Hindi totoo yan! Panagutan mo ang anak ko!"

[A/N: Maski ako naiinis sa magamang Caseda na to! Naiinis ako sa sarili kong gawa! Hahahaha!]

"We should do a DNA Screening aftrr 7 months. Get 5 doctors from your hospital, 5 doctors from my hospital, and 5 doctors from US and UK." mapanghamon na sabi ni Tito Albert. Mukhang willing si tito na protektahan ako. Umakbay sa akin si papa at inaalo ako.

"Hindi na po kailangan. Pasensya na po sa ginawa ko. Pasensya na kung masyado po akong naging mapag-angkin. Sorry po." si Jamilla. Umiiyak na siya nang pumasok siya sa office.

"Mag apologize ka kay Beam at kay Forth." utos ng babaeng nasa likuran ni Jamilla. Sa tingin ko siya ang mommy ni Jamilla. "Tell them the truth." dagdag pa niya.

"I'm sorry Beam and Forth. Insecure kasi ako. Gusto ko na talaga si Forth dati pa kaso hindi kayo mapaghiwalay. Kaya noong nakahanap ako ng chance, ginawa ko na ang alam kong gawin. Hindi rin totoo na buntis ako. Kabuwanan ko ngayon kaya may dugo ako kanina. Pasensya na sa abalang ginawa ko." sabi ni Jamilla. Nakahinga na ako nang maluwag. Hindi ko na inintindi yung galit na nararamdaman ko kay Jamilla. Nag apologize na siya and that's enough.

"Tara na. Bukas na ang flight mo." sabi nung mommy niya.

"Teka? Hindi pwede! Dito lang si Jamilla!" angal ni Sir Jaime.

"Hindi ko pwedeng pabayaan ang anak ko sayo! Sinakyan mo pa talaga ang gusto ng anak mo! Palibhasa noong mabuntis mo ako, hindi mo kayang panindigan! Labag sa loob mo! Hindi mo kayang iwan si Danny! Kaya hindi rin pwede na pabayaan ko ang anak ko sayo!" sigaw ng mommy ni Jamilla. Nagulat ako sa narinig ko. Internal gulat lang dahil sa kaloob looban ko lang naman ako nagulat. Ibig sabihin, si Sir Jaime ang ex ni papa. Napatingin ako kay papa. Nakayuko lang siya at hindi mabasa ang mukha.

Umalis na si Jamilla pati ang mommy niya. Pinabalik na kami sa school ilang saglit lang. Nanatili si papa at si Tito Albert sa opisina ni Sir Jaime.

●●●

Buti nalang tapos na yung issue na nakabuntis ako. Wala na yung post ni Jamilla pero patuloy pa din yung mga tao na minemessage kami ni Beam.

Nagpost na din ako tungkol sa totoong nangyari. Tumulong yung mga kaibigan ko sa dati kong school na ishare yung post ko. Kalaunan din ay tumigil na yung mga nag message sa amin. Ang laki din ng naging tulong ni Arcell dito. Yung kaibigan ko din sa dati kong school. Siya yung nagreport sa mga FB users na hinaras, hinusgahan, at pinagmumura kami sa social media. Bahala silang maghagilap ng account nila. Parang mga bacteria sila. Panay infestation lang ang ginagawa. Amoxil lang naman katapat nila.

Hindi muna matutulog si Beam dito sa bahay. Mukhang kailangan din muna namin magpalamig. Bumaba ako ng kwarto para sana kumuha ng midnight snack.

Sakto naman ang pagdating ni papa. Pinagbuksan siya ng gate ni mama. Kumuha na ako ng nachos at cheese dip. Nanatili ako sa sala para salubungin si papa.

"Oh? Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ni papa.

"Katatapos ko lang po magreview." sagot ko.

Umupo si papa sa sofa malapit sa akin. Sumunod naman si mama sa tabi niya.

"Papa, totoo po ba yung kanina?" tanong ko kay papa. Mukhang alam naman niya ang tinutukoy ko pero hindi siya sumagot.

"Bakit di mo pa sabihin kay Raiko?" sabat ni mama.

"Oo. Siya yung tinutukoy ni mama mo na naging boyfriend ko dati." sagot ni papa.

"Ano po bang nangyari papa?"

"Nakabuntis si Jaime. Hindi niya kayang panindigan. Ayaw niya kaming maghiwalay pero ako na yung nakipaghiwalay para lang panagutan niya yung ginawa niya. Totoong anak niya si Jamilla. Hindi katulad nung kaso mo. May nangyari talaga sa kanila ni Carmina. Pero mahal ko ang mama mo ah! Baka kung ano iniisip mo." depensa ni papa. Nakikinig lang ako habang kumakain ng nachos.

Sabay kaming tumawa ni mama. Bakit ba defensive si papa? Hahahaha!

"Suweeeg!"

Si mama. Out of nowhere nalang nag 'Suweeeeeg!' si mama. Nilamon na ng kdrama. Napatingin kami ni papa. Parang puno ng pagkadismaya yung itsura namin ni papa.

"Suweeeeeeeg~!"

Inulit pa ni mama! Tumayo na kami ni papa. Bitbit ko yung kinakain ko. Umakyat na kami ni papa.

"Hoy! Bakit?" tinanong pa talaga ni mama.

●●●

Vocabulary!!!

Amoxil - Generic name: Amoxicillin. Antibacterial.

I Am Addicted (ForthBeam FanFiction-Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon