|| Chapter 1 ||

5.5K 49 0
                                    

Hi there! I'm Denisse Michelle Garcia Lazaro. Denden or Den na lang for short para hindi maubos laway niyo sa pagbanggit ng pangalan ko. Hihi

Bagong lipat lang ako sa Ateneo De Manila University. Oh kabog kayo buong buo. Hahaha ngayon ay ang akin 1st day sa ADMU as a freshman. Hindi ko pa naiisip kung ano mangyayari sakin ngayon so let it be.

1st day in campus

Hinatid ako ni mama sa school sa unang araw ko.

"Ma, wag mo ko iwan. Baka kainin ako ng lupa dito." pagb'baby talk ko kay mama na para bang pre-school

"Anak, para ka namang bata jan. Malaki ka na. Napapagdaanan talaga natin yang mga ganyan.." paluha na siya ".. Pagbutihan mo ah!!" sabay yakap sakin

Kumalas ako bigla sa yakap niya. "Ma naman eh! Sige na nga magpapakatatag na ako para sayo. Wag ka na po maluha. Pagbubutihan ko po para sayo, para matupad pangarap natin at para balang araw magiging doctor ako. Lahat ng 'to gagawin ko para sayo ma! I LOVE YOU MA!! Penge nga ng isang superduperultramegapower hug!"

Naluha na siya ng tuluyan. Kumalas na kaming dalawa sa yakap at pinunasan ko naman ang mga pisngi niyang nalunod sa luha. Tears of joy kumbaga.

"Oshasha anak, mauna ka na at baka malate ka pa sa unang araw mo. Text ka na lang mamaya pag magpapasundo ka na.." ngiting wagi si maduuur ".. Proud na proud ako sayo nak!"

Lumabas na ako ng kotse at nagflying kiss ako sakanya. Eto na ang main event!! Huminga muna ako ng malalim bago magsimula ng aking paglalakad.

Nakakaba kaya kapag first day. Lalo na kapag bago kang lipat, wala kang friends. Pero alam ko namang friendly mga tao dito eh. Sana lang makahanap agad ako ng kaibigan.

Napakalaki talaga ng school na 'to at ang ganda pa tignan. No wonder andaming gustong magenroll dito.

Habang naglalakad ako tinignan ko ang aking schedule. Wala pa naman pa lang classes ngayon eh. Eh bakit ako minamadali ni mama sa pagpasok? Wala naman ata siyang gagawing importante. Haist! Naku naman ma! Pasalamat ka at mahal na mahal kita. Yiih kung naririnig to ni mama siguro kinikilig na yun. HAHA okay enough

Naglibot libot na lang ako kung saan saan. Habang naglilibot ako may nadatnan akong board ng mga activities and events. May try-outs bukas sa BEG.

* Volleyball try-outs for women at BEG (on the 2nd day of school - 1 pm) *

Magttry-out ako bukas! Sana naman makuha ako. Gagalingan ko talaga para makapasok sa team!

Habang naglalakad ako nadatnan ko ang isang napakagandang garden. Naisipan ko munang magpatay ng oras dito sa magandang tanawin na ito. In other words.. CHILL!!

Memories of a Beautiful Disaster (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon