|| Chapter 2 ||

3.7K 44 0
                                    

Den's POV

Nilapitan ko ang babaeng nakaupong magisa at kinalabit.

"Uhh miss pwedeng maki-upo?" tanong ko.

Pagkatingala niya sakin ay laking gulat ko na bakit malungkot ang isang napakagandang binibini. Wooh! ANG DEEP NAMAN!

"Uhh ehh.. P-pwede.." sagot niya.

Agad naman akong nagpakilala. "Ako nga pala si Denisse Michelle Garcia Lazaro. Denden or Den na lang for short."

"Alyssa Caymo Valdez, Aly or Ly for short." ang ikli naman niya magpakilala pftt

"So friends?" sabay abot ng aking kamay

Napansin ko lang na ang lutang ni Aly. Siguro mabigat yung dinadamdam niya.

"Friends it is!" *shake hands*

Pagkatapos naming magshake hands para bang may anghel na dumaan at natahimik kaming dalawa kaya pinutol ko na ang katahimikan. "Uhh Aly?"

"Hmm?" ang tamlay niya

"Okay ka lang?"

"Oo naman. Bakit mo naman natanong aber?"

"Kasi nung nakita kitang magisa kanina ang lungkot lungkot mo. Para kang inagawan ng candy. HAHA joke lang peace! *smile*" buti naman at napangiti ko siya sa simpleng paraan

"Cute mo Den. Alam mo yun?" nararamdaman ko ng namumula na ako sa sinabi niya

"Ayy ehh hihi salamat.." hala na mesmerized ako dun ah. Nagch'change topic siya. Naku! "..Teka teka! Ang change topic mo Aly! *pout*"

She pinched my cheeks! Siguro nacute-an to sakin. "Aray naman Aly!" sabay himas sa cheeks ko

"Sorry sorry!! Eh ang cute cute mo lang kasi talaga eh. Sorry talaga!" namumula nanaman ba ko? Nakakatulala naman tong moment na 'to. "Oy ketchup!"

And I was snapped back to reality "Huh?! Anong ketchup?"

"WALA! *smile*"

"So ano na nga? Bakit ang kungkot mo kanina? May problema ka ba? Care to share? If not, it's fine with me. It's you decision." saad ko na baka makumbinsi ko siya na sabihin niya kaso plan failed ako. Yumuko na lang siya na para bang walang narinig. Bakit ko pa ginawa yun? Ughh! Ang ganda ganda na ng mga ngiti niya kanina eh. Di ko aakalaing ako din pala magiging dahil nang pagkawala ng mga ngiti niya. Hmm, kailangan kong umaksyon!

Aly's POV

Hay eto nanaman yung silence. Nakakabingi lang talaga.

Inakbayan ako ni Den. Gulat na gulat ako. Kasabay ng pagwide ng mga mata ko ay napanganga ako sa ginawa niya.

Humalakhak ang bruha nang makita ang reaksyon ko at sinara pa niya ang nakanganga kong bibig.

"Did it hurt?" tanong niya.

Ang puzzled na siguro ng mukha sa tanong niya. "Hurt what?"

"When you fell from heaven?"

"..." yung mukha ko sobrang nagtataka na at nakakunot na ang noo ko

"Cause you're like an angel." sabay kurot sa ilong ko.

OMG! Totoo ba to??! Oh panaginip lang? Daig ko pa ata ang tomato sauce sa pula ng mukha ko. Grabe! Ngayon ko lang naranasan itong gantong kilig. Den bakit? Bakit mo ko pinapakilig nang ganto? PampaGV ka talaga Den!

"Yiih! Kamatis!" she playfully punched my face softly

Natawa na lang kaming dalawa sa pangyayari.

"Salamat ah."

"Salamat? Huh? Para saan?"

"Salamat dahil nakilala kita." niyakap ko siya pagtapos ko magpasalamat

"Wala yun. Kay tadhana ka magpasalamat dahil pinagtagpo niya tayo." hinug niya ako pabalik. Den, why you make kilig to me????!

Den's POV

Nagpasundo na ako kay mama galing school. Pagkadating sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko at lumagapak sa kama sa pagod. Gosh! This day is full of kilig. Waaaah! I just wanna feel this moment!!

Tapos ngayon may tawagan na kami. Everything is happening so fast. Slow down please! I want to cherrish every moment.

Clumsy nga pala tawagan namin ni Aly. Nagtataka ba kayo kung bakit, pano at saan namin nahagilap ang tawagang iyon?

• flashback •

Nung matapos siyang magpasalamat sakin ay inaya niya na ako. "Tara na." bigla siyang tumayo

"Saan?"

"Sa canteen. Kain tayo."

"Libre mo ko. *pout* puhleease?"

"Matitiis ko pa ba yang cuteness mo? Oo na. Sige na. Tara na."

Habang naglalakad kami papuntang canteen ay natapilok si Aly. Agad ko namang tinakpan ang bibig ko dahil ako ay nagpipigil ng tawa. Tinignan niya ako ng masama at ayun di ko na natiis. HAHAHAHAHAHAHAHA gusto ko na gumulong sa tawa.

Hindi pa din siya umaalis sa kinatatayuan niya. "Tara na clumsy!" dumiretso na ako sa pag lalakad

Sa di inaasahang pagkakataon, wet yung floor!! Kaya nadulas ako! Akala ko magh'head bang ako sa sahig kaso laking gulat ko ng nasalo ako ni Aly!! Nakatitig lang siya sakin at nakangiti. Best moment ever!!

"Oh? Ano? Bilis ng karma no? Clumsy clumsy ka jan! Pasalamat ka nasalo kita." kinindatan niya ko bago niya ako itinayo

Jusko! Ibaon niyo na ko sa lupa!

"Ahh uhh uhmm s-s-salamat." habang kinakamot ng dahan dahan ang ulo ko

"Wala yun CLUMSY. Tara na." inakbayan niya ako. Halata ata sakin na gulat na gulat ako sa pangyayari at ayan ako naman ang nakanganga ngayon. Tinawanan niya ako katulad nung ginawa ko sakanya kanina and it was her turn para isara yung bibig ko. "Clumsy, close your mouth baka kung ano pang insekto ang malamon mo eh. HAHAHAHA" after niyang sabihin yun, i gave her a death stare.

• end of flashback •

Galing diba? Ang clumsy lang namin pareho. HAHAHAHA

Nakahiga ako habang nakatitig sa kisame. Mukha akong timang sa kakangiti at kakatawa sa tuwing naaalala ko yung mga nangyari kanina.

Nawala yung mga ngiti ko ng maalala ko ang isang bagay........

[end of chapter]

Memories of a Beautiful Disaster (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon