|| Chapter 6 ||

2.8K 43 3
                                    

Den's POV

"Clumsy, wake up na. Aalis tayo. Kakain daw tayo sa labas." wala pa akong kamuang muang sa nangyayari kaya bumangon na lang ako at nginitian siya.

Nagbihis na ako ng pangalis. "San daw pupunta?" tanong ko habang nagkukusot ng mata

"Hindi ko alam eh. Basta nung natutulog tayo bigla na lang ako nagising kasi binuksan ni A yung pinto tapos.." napatigil siya at tumingin sakin "IKAW AH!!" nakangisi siya saakin

WEIRDO!

"ANO?!" gulat na gulat naman ako

"Bakit ka nakayakap saakin habang natutulog tayo? Gusto mo ko no? Ayiiiiiiiiiiiiiih! Nanching ka Den ah." habang sinusundot niya yung bewang ko na nagt'trigger naman sa pagkakiliti ko. Feel ko ang pula pula ko na.

• flash back •

Basang basa si Aly kaya pinagpalit ko na siya. Grabe na rin talaga ang ginagawa ng veterans saamin.

Habang nagbibihis si Aly, naisipan ko na lang na ayusin ang ginawang kalat ng mga veterans kasi sure ako na hindi nila aayusin yun.

Natapos na ako sa pagaayos at sakto tapos na si Aly magbihis.

"Den grabe. Ang linis." ako naman naflatter kasi may nakakaappreciate pa pala ng mga ganung bagay

Napagod ako sa pagaayos at alam kong pagod na sa stress si Aly kaya inaya ko na siyang magpahinga. "Pahinga ka na Aly."

Humiga na si Aly sa kama at umiglip na. At dahil iisa lang ang kama, magkatabi kami matutulog everytime.

Ain't I lucky or what?

Humiga na ako sa tabi ni Aly. Magkaharap kaming nakahiga. Titig na titig ako sa mukha niya. Grabe!

GANDANG DILAG!

Hinaplos ko yung pisngi niya. Ngiting wagi naman ako!

Nawala naman ang ngiti ko nang marealize ko na mali ang ginagawa ko. Kaya nagpasiya na lang ako na magpahinga na lang.

• end of flashback •

"Den? Ano na? I'm still waiting for an explanation!"

"Aly, wala akong maalala na niyakap kita. Siguro magulo lang talaga ako matulog kaya ganun." clueless ako sa ginawa ko. Wala talaga ako maalala na ginawa ko yun.

Swerte ko naman at nangyari yun! Kaso nga lang tulog ako nun. Di ko man lang nafeel yung moment. Waaah! Huhu

"Hmm, playing safe ka ah. Tara na nga sa baba." sabay pisil sa ilong ko.

Aly, can we stay like this forever?

Pagbaba namin, napansin ko bihis ang lahat ng pangalis maliban lang kay Fille at Gretch.

"Bat 'di po kayo nakabihis?" tanong ni Mae. Napansin din pala niya yun.

"Ahh. Maglalampungan lang yung dalawa dito." sagot ni A na binatukan naman ni Dzi.

"Gago ka Nacachi! Kase mga tyro may gagawin pa sila para sa class nila bukas." pageexplain ni Dzi

Grabe! Ganto ba maglambingan tong mga to? Ang br'brutal! Hmm, hayaan na nga lang. Masasanay din kami. Matagal tagal pa naman ang pagsasamahan namin kaya kapit bisig na muna sa ngayon.

Pagkalabas namin ng dorm, napansin namin na may van na nakapark sa harap ng dorm.

"Mga tyro, pasok na sa limousine ko." sabi ni Dzi

Memories of a Beautiful Disaster (AlyDen)Where stories live. Discover now