|| Chapter 3 ||

3.4K 40 1
                                    

[ a/n - Paalala lang po. FAN FICTION ONLY!! Some details may or may not be true. Kung di po kayo familiar sa mga names na makikita niyo it means gawa gawa ko lang po yun. ]

Den's POV

Nawala yung mga ngiti ko ng maalala ko na hindi ko man lang naitanong kung anong number niya. Ughh! Oh?! Akala niyo kung ano na no? Unexpected much na yun lang pala yung inuungol ko. It may seem nothing to you readers but for me it is ⅛ of my everything. HAHAHA nakakalungkot lang. Buti sana nakausap ko pa siya ngayon gabi, edi kilig kepkep ako.

*beep beep* pagkatunog ng phone ko na sanhi ng pagkagulat ko

"Anak ng tipaklong naman oo! Nagmomoment ako eh. Sino nanaman ba to? Malamang GM lang to." pagrereklamo ko

Bubuksan ko na sana yung message ng makita ko yung pangalan ng sender.

Si Renz nagtext. Laking gulat ko naman at nagtext 'tong shokoy na 'to. Bihira lang naman magtext 'to sakin eh. Tsaka alam ko nahihiya na din 'to sakin kasi binusted ko nung nanligaw siya. Huahaha! Haba ng hair ko eh. CHAR!

Pagkabukas ko ng message plug lang pala..

[ a/n - Guys alam niyo ba yung plug sa text? Yun yung parang ish'shoutout mo yung number ng nagpaplug sayo. Kuha niyo? ]

..pero ikinagulat ko yung pinlug niya.

From Renz:

"- PLUG -

Alyssa Caymo Valdez

09123456789

Do text her!! Respect her pls!! =))" text niya

Eto na yung moment na inuungol ko. Agad ko naman nireplyan si Renz.

To Renz:

"Kilala mo si Valdez?!! =)"

From Renz:

"Oo, bakit? Kababata ko kasi siya. :)"

Sa sobrang saya ko na pinagpala ako agad na makuha ang number ni Aly ayun kung ano na natext ko kay Renz.

To Renz:

"Ayy oh?! Jusko!! Salamat! Pagpalain ka ng Diyos sa kabutihan mo!! :D"

Makalipas ang ilang minuto di na nagreply si Renz. Siguro naweirdan sa reply ko.

Sobrang nadala lang talaga ko ng emotion. I had to let it go. Let it go! Cause I can't hold it back anymore!

Naisipan ko naman itext si Aly. Gising pa kaya yun? Hmmm, I wonder.

"Hi!!" isesend ko na sana kaso binura ko kasi parang mashadong ano kapag ano tapos ano. Basta ano, yun!! HAHA

"Valdez, uhh thank you nga pala." hmmm bura bura ulit. Parang ang pangit eh. Isip muna ako ng itetext ko.

Think. Think. Think.

Memories of a Beautiful Disaster (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon