|| Chapter 8 ||

2.3K 39 6
                                    

Den's POV

Tama si A masakit yung itulak ka ng taong gusto mo. Lalo na't bumagsak ka sa kama at una pwet mo.

Tuwing gabi nasa labas ako ng room namin nakaupo sa may pinto. Gabi gabi ko siyang naririnig umiiyak at gabi gabi din naman niyang paulit ulit sinasabi ang mga salitang 'Clumsy?' 'No, please!' 'Don't!' 'Stop!' 'I just can't!' ayun ang mga katagang sinabi niya noon nung nananaginip siya.

Habang gabi gabi ko yun naririnig, gabi gabi na rin ako naiiyak simula nung pangyayari.

Gabi gabi na lang ba? Gabi gabi na lang ba ako iiyak sa kakaisip ng dahilan kung bakit niya ginawa yun?

Ako na tong nagdudusa, ako pa tong nagaalala sakanya tuwing gabi. Haay.

As usual andito nanaman ako nakaupo sa may pinto. Para akong pulube sa pinaggagawa kong ito.

Minsan na lang din ako makapasok sa room NAMIN kaso nga lang f na f niya ng solohin kaya hinahayaan ko na lang. Nakakapasok lang ako ng room namin kapag wala siya. Kanila Dzi na din ako naliligo. Hiyang hiya na nga ako sa binibigay nilang tulong eh.

Hindi ba naisip ni Aly na kausapin ako? Minsan trying hard na akong magreach out sakanya kaso siya naman tong layo ng layo sakin pero pag training kala mo walang nangyari.

Ayan na naririnig ko nanaman ang pagiyak niya. "Clumsy?" "No, please!" "Don't!" "Stop!" "I just can't!"

Di ko maiwasang di matandaan ang mga nangyari. Kaya eto naiiyak nanaman ako. Ayoko na din kasing naririnig siyang umiyak. Ang bigat bigat sa kalooban.

Pagtapos kong marinig yun bumababa na ako sa sala at dun ako sa sofa natutulog. Ayaw ko namang matulog sa room namin baka kasi palayasin ulit ako at baka tulakin ulit ako.

Kawawa naman pwet ko baka di kayanin yung pressure.

Ang pagiyak ko tuwing gabi ay ang dahilan kung bakit nakakatulog ako tuwing gabi.

× fast forward ×

Isang napakalungkot na umaga nanaman. At may nagkumot nanaman saakin. Di ko na pinagtataka kung sino dahil alam kong si Dzi iyon. Isang beses kasi nahuli ko siya.

• flash back •

Iyak ako ng iyak na para bang wala nang bukas. Hanggang sa nahimasmasan ako, dinalaw na ako ng antok at patulog na sana ng maramdaman kong may nagkumot saakin.

Dinilat ko ng kaunti yung mata ko at nakita ko na si Dzi pala. Si Dzi na nagmamalasakit na gawin yun gabi gabi.

Pagkakita ko naman sakanya ay agad ko siyang niyakap at naiyak nanaman ako.

"Oh Den. Tama na. Gabi gabi ka na lang ba iiyak?" di na ako umimik at umiyak lang ng umiyak "Tahan na Den. Alam mo bang nasasaktan ako gabi gabi pag nakikita kitang ganyan?"

"..."

"Palagi pa kita naabutang umiiyak. Tama na."

• end of flashback •

Hindi na din nagtataka ang iba naming teammates kapag naaabutan nila akong natutulog sa sofa dahil naikwento ni Dzi ang lahat ng nangyari at hanggang sa nalaman na din nilang may gusto ako kay Aly.

Saturday ngayon at walang training.

Aly's POV

Gabi gabi ko na lang napapanaginipan ang bangungot na iyon. Naaawa na ako kay Den dahil madalas ko siyang naaabutan na natutulog sa sofa.

Sa tuwing nakikita ko siyang ganun, umaakyat na lang ako sa kwarto at nagluluksa ng kaunti.

Kung di ko siya pinaalis edi sana katabi ko siya at di ko siya nakikitang ganyan. Sadyang natakot lang talaga ako nung panahong nangyari yun.

Memories of a Beautiful Disaster (AlyDen)Where stories live. Discover now