|| Chapter 4 ||

3.2K 37 3
                                    

Den's POV

Kahit di ako napili tatanggapin ko na lang. Alam ko naman na may mas angat talaga sakin. Tatanggapi...

Argh! Who am I kidding? Ang bigat sa loob kapag 'di ka tanggap sa team. Yung ginawa ko naman makakaya ko ang kaso nga lang may mas angat talaga sakin. Sakit sa loob. Hurt Hurt!!

Si Kiana. Si Kiana yung tanggap, siya din yung 4 lang ang mali. Siya pala yun. WAAAAAAAAAH!

THAT SHOULD BE ME!! THAT SHOULD BE ME!!

Kaso ano pa nga bang magagawa ko? Hindi naman ako yung coach. Kailangan ko na lang talaga iaccept and irespect ang decision ni coach. Pero ang sakit talaga sa kaloob looban ko. Dart na dart na dart na dart na dart na dart na dart na dart na dart na dart na dart na dart na dart sa...

PWET!! HAHAHAHA akala niyo sa heart?

Sa sobrang depress ko, umalis na ako agad sa BEG at umuwi na. Di ko na nacongratulate si Aly kasi kinausap ulit sila ni coach. I can't even bear to look. Why? Why? Why cruel faith? Why?

Ano na lang isasagot ko kay mama pag tinanong niya kung nakapasok ako sa team?

A lot of tots are running thru my mind. I can't even think straight.

Eto na ako sa tapat ng bahay. Hinga muna ako ng malalim bago bumaba. Woooooh! Pagkatapat sa gate.. Hinga ulit malalim. Pagkadating ko sa main door.. Hinga ulit malalim. Pagkabukas ko ng pinto.. Hinga ulit ng malalim? HAHA charot.

Pagbukas ko ng pinto..

"My goodness gracious!" bumungad ang isang napakagandang nilalang na halatang inaabangan ako sa pagpasok ko sa pinto. She was smiling widely while staring at me and it was starting to creep me out. "Ma!"

Nawala naman ang mga ngiti niya sa sinabi ko. "Aba aba aba. Sinisigawan mo na ang nanay mo?"

"Huh?! Hindi po. Akala ko po kasi nakatulala na kayo sa kagandahan ko."

After I said those words, she stared at me like she wanted to vomit or something. "Sige lang anak. Push mo yan. *with push effect*" taray ni maduur. May nalalaman ng 'Push mo yan.'

"HAHAHA!" sabay kaming natawa sa sinabi niya. "Sige ma, ipupush ko 'to. Akyat na po ako ah."

"Uhh teka teka teka teka teka.." sabay hawak sa braso ko

Agad naman ako nagsalita. "Ma, ilang 'teka' ba yang sasabihin mo? HAHA"

Gosh! She's serious at the moment. Creepy! Real creepy! "Nakapasa ka ba sa try-out kanina?" she said that with wide smile.

Ayy, oonga pala. Di nga pala ako pasok sa team, nakalimutan ko agad. Nakakadepress lang na mukhang nageexpect siya na makakapasa ako sa team.

Sumimangot na lang ako at niyakap ko siya ng mahigpit na sanhi ng pagkapatak ng luha ko. "Ma, s-sorry. D-di po ako nakapasa. G-ginawa ko naman po yung makakaya ko. P-practice ako ng practice kaso wala po talaga." nauutal kong sagot

Memories of a Beautiful Disaster (AlyDen)Место, где живут истории. Откройте их для себя