C H A P T E R 3

5.3K 149 21
                                    

Pabor

"SENYORITA, sisindihan ko lang po ang inyong kandila." Kumurap ng tatlong beses si Catherine nang ang kaninang waiter na nasa harapan niya para sindihan ang kandilang nakapatong sa kaniyang mesa ay nasama rin sa pagbalik sa nakaraan. Pero ang kakaiba lang ay parang wala lang sa waiter na iyon na hindi na ito ang kasalukuyang panahon o baka naman hindi talaga nasama ang waiter kundi ang nasa harapan niya lang ngayon ay nakaraang bersiyon ng waiter na iyon?

Nilingon niya ang paligid. The overall ambiance of the whole place was not 90's. It was earlier than that sapagkat ang taon ngayon ay 1804, ikalabing walong araw ng Agosto.

Namimilog ang mga mata ni Catherine nang sindihan ng waiter ang kanyang kandila. Yumuko ito sa kaniyang harapan, nagpasalamat at tsaka umalis.

Kanya pa sanang tatawagin  pabalik ng waiter kaso hindi nagawa sapagkat masyado siyang nalunod sa kasagsagang pagkatulala kaya't hindi niya ito agad natawag.

Naiwan siya sa kaniyang upuan nang may pagtataka. Ang kaninang dining area na may kulay puting mga ilaw at may mga turistang kumakain ay tila naging isang dining hall nang mararanyang tao sa panahon kung nasaan siya ngayon.

The lights are in incandescent form giving a bright yet yellowish light for the whole dining hall. Ang mga tao ay nakasuot ng mararangyang damit. Ang mga lalaki ay nakabarong at may mga suot na sapatos ay kumkintab sa sahig. Ang mga babae naman ay naka-baro't saya na ang pares ng suot na bakya pampaa ay nagbibigay ng kakaibang tunog sa sahig nh dining hall kapag ginagawang panlakad.

Kanina pa palakad-lakad ang mga taong nasa paligid niya. Some are holding wine glass habang nakikpag-usap at nakikipag-tawanan.

May isa rin siyang napansin, the windows are widely open at sa mga gilid ay nakatayo ang mga makikisig na sundalong Kastila, at ang isa sa mga iyon ay si Thomas Clemente Cordova; ang lalaking sundalong palaging nasa panag-inip niya na kaninang umaga lang ay nakita niyang nagmamartsa kasama ang pito pang sundalo sa tapat ng main building ng headquarters.

Kumurap si Catherine nang makita niya ang sundalong iyon na nasa gilid ng pintuan, nakatitig sa kawalan at tila ang angas tignan.

Akmang tatayo na sana siya para lapitan ang sundalong iyon nang biglang may lumapit sa kanyang babaeng nasa kuwarenta na ang edad, "Senyorita? Saan ka pupunta? Maya't-maya'y darating na ang bagong kasal. Batid ko'y huwag ka na sanang umalis sa iyong kinauupan sapagkat kapag nalaman ng inyong ama na ikaw ay nawawala ay tiyak na ako ang hahamakin niya."

Natulala si Catherine sa sinabi ng ginang, "S-sino ka?" Iyon ang una niyang naibigkas.

Tumawa ang ginang, "Palagi niyo na lang nakakalimutan ang pangalan ko. Ako si Manang Isme, alipin ng inyong pamilya." Yumuko ito sa harap niya matapos itong magpakilala.

"Alipin?" Takang-takang tanong niya. Maya-maya pa, ay nahinuha na niya ang lahat.

"Okay, get's ko na! Isa sa akong anak ng maharlika sa panahong ito!" aniya sa kaniyang isipan. Nginitian niya si Manang Isme, "Ahh este, alipin po ako ng tiyan ko. Sumakit kasi, kailangan kong pumunta sa kubeta."

"Ganun ba?" Buong pag-alalang tanong ni Aleng Isme sa kaniya. "Halika senyorita at ihahatid kita sa kubeta."

"Ay, Manang Isme, ako na lang. Ituro mo na lang sa akin." Nginitian ni Catherine ang ginang na alalang-alalng sa kaniya at dahil sa kaniyang pamimilit ay binigay na sa kaniya ng ginang ang direksyon ng kubeta.

Nasa may gawing kaliwa iyon ng dining hall kung saan may pintuan--- "Papasok ka roon at maglalakad pakanan," dagdag ni Manang isme.

Nang makarating siya roon ay mabilis niyang pinagkakatok ang dalawang kubeta.

Memento Mori: A Love Story from 1804Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon