C H A P T E R 18

2.8K 95 6
                                    

Mga Sanggol

NANG mas lumalim pa ang gabi ay ang mga bata naman ang nakipag-kuwentuhan kay Senyorita Maria samantalang ang mga nakakatanda naman ay nakinig lang sa pagsagot ng dalaga sa mga tanong na ibinabato sa kanya.

"Ako, gusto kong manggamot pero ayaw kong magsuot ng mga dahon sa ulo at mga balahibo ng manok..." ani ng isang bata babae na si Esang, nagtawanan ang lahat.

Ngumiti si Senyorita Maria, "Darating ang araw na hindi na magsusuot ang mga manggamot ng mga dahon at balahibo ng manok at tanging puti at walang kasing linis na uniporme ang susuotin nila."

"Eh paano po ako? Gusto ko pong lumipad pero ayaw ko pong tumalon sa puno?"

"Hmm. Darating ang araw na may magsisilparan sa ere na mga sasakyan na puwedeng sakyan ng mga tao..."

"Talaga po? Ang galing naman!"

"Ako po Senyorita! Gusto ko pong maging manunulat kagaya ni Makatang Pluma!"

"Wag kang mag-alala dodong, darating ang araw na hindi mo na kailangang magtiis sa pluma at sa mga tuyong dahon para makagapsulat. Darating ang araw na madali ka ng makakapgsulat kahit pa wala ka pang pluma o papel. At sa panahong iyon ay mas marami na rin ang makakapagbasa ng mga gawa mo."

"Paano naman 'yun?"

"Wattpad..."

"Ha?"

Hindi na sinagot ni Senyorita Maria ang tanong ng bata nang kulitin na siya ni Manang Isme na kailangan na nilang umuwi sapagkat malalim na ang gabi.

Magiliw na nagpaalam si Senyorita Maria ngunit bago pa siya makasakay sa kalesa ay nilapitan siya ni Lolo Gancio at inabutan ng munting aklat at kumpol ng mga perlas.

"Lolo Gancio? Ano ang mga ito?" Nakangiting tanong ng Senyorita sa matanda.

"Ang munting aklat na iyan ang sinulat ni Makatang Pluma para sa kalayaan ng Pueblo Maharlika. Nakapaloob diyan ang kuwento ng isang binibining magiging daan upang makatman ang kalaayan ng pueblo." Binuklat-bukat ng Senyotita ang munting libro kung saan may pamagat na; "Amor Est Vitae Essentia" (Love is the essence of life.)

"Maraming salamat po rito Lolo Gancio. Ako'y may labis na hilig sa libro ngunit para saan ang kayraming perlas na ito?" Sa isip ni Catherine ay alam niyang bihira lamang makakuha ng mga perlas kagaya ng mga nasa kamay niya. Kadalasan sa mga perlas na ito ay nasa kinailaliman ng dagat at mahirap itong kunin lalo na kapag malalakas ang alon.

"Ang mga perlas na iyan ay ganti ko sa iyong kabutihang loob Senyorita," nakangiting ani ni Lolo Gancio. "Kaya tanggapin mo sana't kung hindi ay labis akong malulungkot."

Tumawa si Catherine dahil sa labis na kakulitan ni Lolo Gancio. "Sige po. Marami hong salamat rito."

"Huwag kang mag-alala Senyorita sapagkat kami'y may sako-sako pang perlas na tinatago."

Napasinghap si Catherine. Tumango-tango naman si Lolo Gancio.

"Lolo Gancio, bilang kayo ay may sako-sakong perlas, gusto kong ipaalam sa inyo na darating ang araw na tataas ng sobra ang halaga ng perlas ninyo. Sabihin niyo sa mga apo niyo at sa mga magiging apo nila na itago lamang ang mga perlas na iyon at huwag basta-bastang isuko sa mga kastila. Kapag dumating ang araw na malaya na ang Pueblo, sabihin niyo sa kanilang gamitin ang halaga ng mga perlas para magtayo ng mga matitibay na bahay para sa mga mangingisda sa Puenlo."

"Masusunod ang inyong utos Senyorita. Nawa'y matuloy ang pag-iibigan ninyo ni Thomas at magsilang kayo ng magagandang sanggol."

"Mangyayari lamang iyan Lolo Gancio kapag malaya na ang Pueblo," nagtawanan lang silang dalawa at si Thomas naman na nasa gilid lang ni Catherine ay hindi mapigilang hindi mapangiti dahil sa sinabi ng matanda at sa sinagot ni Catherine.

"Pag-iigihan ko pong makamit ng Pueblo ang kalayaan nito ng sagayo'y magsilang kami ni Senyorita Maria nang kayraming sanggol," nakangising ani Thomas na naging dahilan upang sikuhin siya ng Senyorita.

*  *  *

  

Memento Mori: A Love Story from 1804Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon