C H A P T E R 4

4.8K 165 39
                                    

Memento Mori

"MAGALING ka palang sumayaw..." ani Catherine at masaya silang nagsayaw ni Samuel at maya-maya pa ay si Esmael naman ang isinayaw niya. Nang sa palagay ni Catherine ay sapat na ang pagsayaw nilang dalawa ay mabilis siyang nagtungo sa papunta sa Kubeta.

Kanina kasi, noong hindi pa nagsisimula ang sayawan sa dining hall at nagpunta siya sa kubeta, may nakita siyang malaking bintana sa gilid nito na maaring maging daan para makalabas siya sa lumang hotel.

Dahil nasa ikalawang palapag ang dining hall ay kinakabahang itinaas ni Catherine ang kaniyang binti palabas ng bintana na sinundan naman ng pagtaas ng isa pang binti palabas.

'Kung wala lang sana talagang guwardiyang nakabantay sa pintuan ng dining hall, hindi ko ito gagawin!" sigaw niya sa isipan niya habang ingat na ingat na naglakad sa gilid ng labasan ng bintana kung saan may tapakan papunta sa isang mas mababang bubong na kung saan ay kapag nakarating siya roon ay puwede na siyang tumalon sa lupa.

"May binibini! May binibini!"

Sa kalagitnaan ng kaniyang mukhang tukong posisyon ay may biglang nagsigawan sa ibaba. Biglang nagulo ang mga sundalong kanina ay palingon-lingon lang sa paligid nang makita siya sa puwestong iyon.

"Huwag kayong tumingin!" sigaw ng isang lalaking sundalo nang maramdaman niyang hinahangin ang kaniyang palda. Sabay-sabay na nagtakip ng mga mata ang walong sundalong nasa ibaba.

Nahiya si Catherine at nag-init ang pisngi dahil naramdaman niya ang lamig ng simoy ng hangin sa kanyang hiyas---na nasa pagitan ng kanyang hita na natatakpan ng saya.

'Hindi ba nagsasalawal ang mga babae sa panahon na ito?' mangiyak-ngiyak niyang ani sa isipan. Dali-dali siyang nagpunta sa bubong at habang pihit-pihit ang palda ay parang palaka siyang tumalon.

"Hublin niyo! Maaring isa siyang espiya!" sigaw ng mga sundalo at maya-maya pa ay hinabol nila si Catherine.

Habang palingon-lingon sa pinaggalingan ay halos maiyak si Catherine lalo pa nang narinig niyang pinapaputukan na siya ng mahahabang baril.

Minsan na siyang naka-attend ng seminar tungkol sa hold-up awreness para sa mga babae kung saan ay isa sa mga natutunan niya ay kung paano ilagan ang bala kapag babarilin ka na ng hold-upper.

Nakakatawa man pero nagamit niya ang natutunan sa puntong ito.

Paano nga ba ilagan ang bala? Simple lang, tumakbo ka sa pagzig-zag na paraan. Sa paraang iyon malaki ang chance na makailag ka o kahit tamaan ka ay hindi vital organs mo ang mapupuntirya.

Sa kanang gilid ng Casa de Hotel a may sekretong labasan na nandoon kaya nagpunta si Catherine roon. Alam niyang may sekretong lagusan roon sa kadahilanang ang lugar na ito ay minsan na ring napadpad sa panaginip niya. At sa totoo nga ay may mapa pa siyang ginuhit mula sa mga panaginip niya. Ang mapa ng buong Pueblo Mahalika.

Mula sa entrance nito, sa headquarters ng mga Kastila, sa munisipyong nasa tapat nito kung saan sa likod naman ay narooon ang malakawak na Plaza, lahat ay ginuhit niya. All the details of the Pueblo Maharlika, alam niya. Maliban na lang kay Thomas Clemente Cordova.

Ang layunin ni Catherine na masundan at mahanap ang sundalong iyon ay nabura bigla sa kaniyang prayoridad sa puntong ito. Ang prayoridad niya ngayon ay ang makatakas sa mga sundalong hinahabol at binabaril siya.

"Nasaan na ang binibini?"

Tinakpan ni Catherine ang bibig matapos niyang itulak ang brick wall at magtago sa tapat nito. Ang brick wall kung saan nakalapat ang pagod na likuran ni Catherine ay ang movable brick wall na malinaw niyang napapanaginipan. At ang nagturo sa kanya sa sekretong lagusan na ito ay ang sundalong kanina niya pa hinahanap.

Memento Mori: A Love Story from 1804Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon