C H A P T E R 40

2.8K 65 9
                                    

Mini Cooper

KASALUKUYANG PANAHON
"WALA si Catherine dito eh. Nag-leave siya ng pitong araw. Pero ngayong lunes, babalik na siya..." August 19, 2017. Sabado. Ala una y media ng hapon. Mainit sa labas. Tirik na tirik ang araw. Tenemenet 7. Ikawalang Palapag. Nasa harap ng pintuan si Josh, kausap niya ang border ng kuwarto na katabi ng kuwarto ng inuupuhang ng bestfriend niyang si Catherine.

Ngumiti ang 23 year old na binatang si Josh. Kasabay ng ngiting iyon, lumalim ang dimple ng binata. Saglit na tumingin sa sahig tsaka nagsalita, "Alam mo na kung saan siya ngayon?" tanong ni Josh.

"Hindi eh. Teka? Sino ka nga ulit? Tapos kaanu-ano ka nga rin ni Cath?" tanong ni Jamaica.

Ngumiti ulit si Josh sabay lahad ng kamay kay Jamaica, "Josh T' Guibilin. Bestfriend ni Cath noong college."

"Ahh, sige. Kapag nakarating na si Catherine, sasabihin ko agad sa kanya na pumunta ka rito."

Bumaba na si Josh sa Tenement 7. At gamit ang kanyang mini-cooper ay niratsada niya ang kahabaan ng national highway.

Nakangiti lang si Josh habang nagmamaneho. He misses Cath so much. 2nd year college pa lang sila noong nagkahiwalay ang landas nila nang lumipat ng tirahan ang pamilya ni Josh. Catherine was Josh first love. Kay Catherine niya unang naramdaman ang kakaibang pagtibok ng kaniyang puso. They were bestfriends since first year college at noong huling semester nga ng unang taon nila sa college, narealize niyang may paghanga pala siya kay Catherine.

Summer pagkatapos ng academic year ng unang taon nila sa college, nag-confess si Josh kay Catherine. He said she likes he more than just a friend. Yet Catherine rejected his feelings, ang dahilan....

"Thomas Clemente Cordova..." natatawang binigkas ni Josh ang mga salitang iyon sa ere habang nagmamaneho. Ang pangalang lang namang iyon ang kaagaw niya sa puso ni Cath. A soldier from the past who's nonexistent at all. Alam ni Josh iyon sapagkat noong summer pagkatapos niyang mag-confess, naiwan ni Cath ang sa classroom nila ang isang notebook na naglalaman ng mga naka-listang bagay sa weirdong panag-inip ni Cath.

The first 7 pages of the book was all about a soldier who keeps on appearing on Catherine's dream and the remaining pages were all about the details on place where Cath's dreams occurred.

Ni-research lahat ni Josh ang description at details na inilagay ni Cath sa notebook. Josh found out the the soldier's name was Thomas Clemente Cordova---isang sundalong na parte ng hukbo ng mga kastilang mananakop sa isang Pueblo noong 1804.

Sa description din Catherine sa lalaking iyon, alam ni Josh na may gusto ang bestfriend niya sa sunadalong napapanaginipan. It hurts Josh ego so much na ang karibal niya sa puso ni Cath ay ang sundalong matagal ng patay...

"Pueblo Maharlika is just 4 hours away from where you are right now," ani Bixby---isang bot ng isang smartphone na kayang magbigay ng direction.

"Show me the direction," ani Josh and in just a snap ay binigay na ni Bixby ang direction patungo sa Pueblo Maharlika.

Walang pagdadalawang isip na rumatsada si Josh papunta sa direksyong ibinigay ni Bixby. Bagama't nagdadalawang isip ay malaki ang hinala ni Josh na naroon si Cath sa Pueblong iyon.

It has been almost six years. At kung hindi niya makikita si Catherine hanggang bukas ay baka hindi na niya makita ito habang buhay.

"See you Cath," maamong sabi ni Josh habang mapait na nakangiti habang nakatingin lang sa binabaybay na daan.

* * *
AUGUST 19, 1804
"NARITO ang aking pinangakong handog amiga." Ngumiti si Donya Lorna at maya-maya pa ay lumipad ang kaniyang paningin sa may pintuan ng Casa. Kasabay ng paglipad ng kanyang tingin ay pumasok na ang kanyang dalawang guwardiya na pinagtutulungang buhatin ang isang mabigat na baul papasok.

Nang nailapag na sa harapan ni Donya Cecilia ang baul ay napahalakhak siya malakas.

"Magaling kang kausap Lorna," ani Donya Cecilia sa kalagitnaan ng paghalakhak.

Nang akmang bubuksan na sana ni Donya Cecilia ang baul ay natigilan siya nang magsalita si Donya Lorna na nakatayo lang sa gilid niya...

"Papalayain mo na ba ang aking asawa?" mahinang tanong nito.

Ngumisi si Donya Cecilia, "Pagka-uwi niyo sa Pueblo Itrinta ng iyong anak ay makikita niyo na siya."

Nakahinga ng malalim si Donya Lorna at kita ng dalawang mga mata niya kung paanong humalakhak muli si Donya Cecilia nang makita ang bare-baretang ginto sa loob ng baul. Nagtangis ang kaniyang mga ngipin. Hindi niya mawari sa kaniyang isipan kung paanong may isang taong katulad ni Donya Cecilia. Taong kayang ipain ang buhay ng kanyang asawa kapalit ng mga ginto.

Habang tinatanaw niya si Donya Cecilia na tinatamasa ang hindi mapagsidlang ang saya ay nagdasal siya sa kanyang isipan... "Sana'y huwag akong traydorin ng hudas na babaeng ito..."

"Donya Lorna, nasa loob na po ng kalesa si Senyorita Floresa." Napalingon siya sa may pintuan.

"Susundo ako."

Nauna na siyang umalis at iniwan na si Donya Cecelia na wiling-wili pa rin sa mga ginto.
* * *
"HINDI ko malilimutan ang iyong kabaitan Maria. Ipangako mo sa aking palagi mo akong susulatan," ani Senyorita Floresa na ngayon ay nasa loob na ng kalesa kasama si Senyorita Maria at ang nagbabantay sa kanilang si Esamuel at Samuel.

"Walang problema Floresa." Niyakap ni Senyorita Maria si Floresa at maya-maya pa ay tumakbo na ang kalesang sinasakyan nila.

Habang tinatahak ng daan palabas ng Pueblo ay napansin ni Senyorita Maria na tila malungkot si Esmael at Samuel na nasa harapan nilang dalawa ni Senyorita Floresa.

"Esmael? Samuel? May problema ba?" may pag-alalang tanong ni Senyorita Maria sa kambal na parehong nakayuko.

"Senyorita Maria, kami'y nalulungkot sa pag-alis ni Senyorita Floresa," pag-amin ni Esmael.

"Uy sira!" sita naman ni Samuel sa kambal niya.

Natawa lang si Senyorita Maria.

Maya-maya pa ay nagsalita naman si Senyorita Floresa. "Balang araw, magkikita rin tayong tatlo."

"Talaga po?" tanong nang papaiyak na na si Samuel. Tumango-tango si Senyorita Floresa bilang sagot.

"Teka," pag-alma ni Senyorita Maria, "Floresa, hindi naman yata tamang dalawa ang lalaking aasawahin mo," dagdag nito at maya-maya pa ay tumigil na ang kalesang sinasakyan sa labasan ng Pueblo Maharlika.

Sa pagbaba ng kalesa, sinagot ni Senyorita Floresa ang sangguni ni Senyorita Maria...

"Hihilingin ko sa bathala na sa susunond na pagtatagpo naming tatlo ay pag-iisahin na lang sa iisang katawan si Esmael at Samuel. At gusto kong maging pangalan nila, hmmm..." nag-isip ito saglit. "Esamuel at Samuel. Tama! Ezamuel!" pabirong sabi ni Senyorita Floresa.

"Floresa, hali ka na..." ani Donya Lorna at sabay nang tumawid ang mag-ina sa daan kasama ang dalawang guwardiya at isang alalay.

Marahang niyuko ni Esmael at Samuel ang mga ulo para hindi matanaw ni Senyorita Maria ang pag-iyak nila.

"Paalam Lorna!" sigaw naman ni Donya Cecilia na kakababa lang ng kalesa kasama si Thomas.

Nang makarating sa waiting shed si Senyorita Floresa ay nakita ni Senyorita Maria na kinawayan siya nito at maya-maya pa ay biglang naghalu-halo ang mga kulay sa paligid na parang tinunaw na mga krayola nang ang kaninang 1804 na taon ay naging 2017 na.

"Cath!" Napasinghap si Flora sa kabilang dako ng kalsada matapos maranasan ang lagpas bente kuwatro oras na paglalakabay sa nakaraan.

"F-Flor, diyan ka lang. Pupuntahan kita," ani Catherine. Parang isang segundo lang ang lumipas sa mundong ginagalawan nila pero ang ginawang pagbalik sa nakaraan ay inabot ng lagpas isang araw.

"Catherine!" Napasigaw bigla si Flora nang biglang tumawid si Catherine at nabangga ng isang kulay blue na mini-cooper.

"Flor!" Sa labasan ng Casa ay naroon si Ezamuel na mabilis na nilapitan si Flora na papatakbo palapit kay Catherine na nakahandusay na sa daan. Duguan.

"Cath!" Lumabas ang driver ng mini-cooper. It was Josh.

* * *

Memento Mori: A Love Story from 1804Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon