C H A P T E R 32

2.4K 86 19
                                    

Mahahabang Pilikmata

"NAHIHIBANG na ho ba kayo Donya Lorna? Ipapakasal ninyo si Floresa sa isang katulad ni Thomas?" sigaw ni Senyorita Maria. Hindi niya intensiyong laitin ang mga mestizong sundalo gaya ni Oppa Thomas ngunit ang layunin niya lamang ay ang tibagin ang paninindigan ni Donya Lorna na ipakasal si Senyorita Floresa sa isang sundalong kastila lalo pa't mukhang mainit talaga sa mga mata nito si Thomas.

"Maaring ako'y nahihibang nga Maria pero ako'y nag-aalala lang na---" hindi naituloy ni Donya Lorna ang mga salita nito nang magsalita si Senyorita Floresa.

"Nag-aalala ang aking ina Maria na baka makapangasawa ako ng purong Pilipino't baka magmukhang tsonggo iyong anak namin," ani Senyorita Floresa na sinabi lang iyon para pababain ang tensiyon sa hapag.

"Ngunit hindi naman mukhang tsonngo ang mga Pilipino ah? Ang aking ama ay purong Pilipino ngunit hindi naman mukhang tsonggo," ani Senyorita Maria na walang kasing bilis na lumpad ang paningin sa kaniyang amang si Don Tiago. "Hindi gaanong mukhang tsonggo," pagtatama ni Senyorita Maria matapos makita ang ama.

"Ang aking amang si Don Tiago ay mas guwapo pa sa mga mestizong sundalo kaya't mas maiging magmahal ka ng magsasaka at hindi lang palay ang aanihin mo kundi dalisay na pagmahahal," ani Senyorita Maria at si Thomas, ang dalawang guwardiya ni Donya Lorna at ang alipin ni Senyorita Floresa ay sabay na nagpigil na tumawa.

Kabaliktaran naman ang naging ekspresyon ng mukha ni Donya Cecilia at Donya Lorna.

"Eh kung ikaw ang ipangasawa ko sa magsasaka!" hiyaw ni Donya Cecilia kay Senyorita Maria.

"Bakit hindi? Kung mamahalin ako ng lubos ng magsasakang iyon higit pa sa kanyang kalabaw ay bakit hindi?" ani Senyorita Maria that boosted Thomas confidence na hindi siya nagkamali ng babaeng pinili. Senyorita Maria is a stong, brave and a smart woman. Mahinhin, mayumi, ngunit kayang depensahan at ipaglaban ang sarili. Nakagat ni Thomas ang ibabang labi dahil sa tuwang naramdaman at kahit ganoon ang namumutawi sa kanyang puso sa puntong iyon ay nanatili siya sa kanyang tindig sa may pintuan.

"Kahit kailan talaga Maria ay hindi ka pratikal sa pagpili ng lalaki kaya't kailan ay hindi kita pagkakatiwalaan na ikaw mismo ang pumili ng iyong mapapangasawa," taas noong ani Donya Cecilia. Huminga ito ng malalim habang nakataas ang kilay ang tila nandidiri.

"Mama, mas pipillin kong hindi maging praktikal pero mahal ako ng lalaking iibigin ko. Kaysa naman naging pratikal ako pero hindi ako mahal ng lalaking pipiliin ko at aabusuhin lang ako. Pero huwag kang mag-alala Mama, sabay akong magiging praktikal at magiging matalino sa pagpili ng mapapangasawa ko. Tipong kaya akong pakainin, ipaglaban, hindi lolokohin at mamahalin ng lubos," sentemenyo ni Senyorita Maria sabay lagay ng kamay niya sa likuran para ipakita ang isang malaking thumbs up kay Thomas.

Hindi naman napigilang sumibol sa mukha ni Thomas ang matamis na ngiti nang maring ang sinabi ng kaniyang iniirog at nang makita ang thumbs up nito. He made a manly chuckle that makes his adams' apple protrude for a momentum.

"Tama si Senyorita Maria Mama, Don Tiago at Donya Cecilia," ani Senyorita Floresa, "Dapat sinasabay ang puso at utak kapag nagmamahal. Hindi 'yong puro utak lang o puro puso lang," dagdag nito.

Napa-ismid si Donya Cecilia at napailing-iling na lang sa kinauupuan.

"Ganoon ba? Eh kay Thomas? Ayaw mo ba sa kanya?" ani Don Tiago na pinapatungkulan si Senyorita Floresa.

Natulala si Senyorita Maria sa kaniyang narinig. Akala niya lusot na siyang hindi na mapili si Thomas bilang mapapangasawa ni Senyorita Floresa pero nagkamali siya.

"Hmm," tunawa si Senyorita Floresa sabay pukol ng tingin kay Thomas. Hindi nagustuhan ni Senyorita Maria ang galaw na iyon ni Senyorita Floresa ngunit sa pagkakataong ito ay ubos na ang kaniyang alas. Wala na siyang ibang maidahilan para hindi mapili si Thomas bilang mapapangasawa ni Senyorita Floresa maliban na lang kung sasabihin niya ang totoong mahal niya ito at handa siyang magsimula ng digmaan maipaglaban lang si Thomas.

"Thomas, lumapit ka nga rito..." utos ni Don Tiago at makisig namang naglakad si Thomas patungo sa gilid nito. Namutawi sa buong hapag ang kakisigan ni Thomas. Ang takad at ang pulidong hulma ng bawat parte ng katawan nito ay panandaliang nagpatahimik sa parehong mga Donta at Senyorita.

"Titigan mong maigi Floresa ang makisig na sundalong ito. Matangkad, makisig, may hitsura..." dagdag ni Don Tiago.

"Papa, hindi magandang pakinggan mula sa inyo na lalaki na isalarawan ang mga katangian ng kapwa ninyo lalaki," ani Senyorita Maria. Hindi kumibo at seryoso pa rin ang mukha ni Thomas.

Natawa naman si Donya Cecilia.

Diyos ko! Anong ibig sabihin nito? Don Tiago? Ikaw ha! Bet? So makiki-love square ka rin sa love triangle nina Maria X Thomas x Cecilia? #LoveWins

"Floresa..." Umubo si Don Tiago.

"Don Tiago, para sa akin, ang sundalong si Thomas ay masyadong..."
tinanaw ni Floresa si ang kabuoan ni Thomas... "Masyadong guwapo at baka ma-mroblema lang ako pagdating ng araw. Baka marami akong mapaslang na babae dahil mukha siyang lapitin ng mga ito at pati na rin ng mga matrona..." pinukulan ni Senyorita Floresa si Donya Cecilia nang banggitin ang huling salitang binitawan: Matrona. Matrona raw si Donya Cecilia.

Natawa si Senyorita Maria. Mukhang nasa panig niya si Senyorita Floresa. Sa katunayan ay nag-apir pa nga sila sa ilalim ng table. #BadAssSenyoritas

"Masyadong guwapo si Thomas na para bang hindi na totoo. Ayoko ko ng ganiyan. Mas gusto ko iyong mas makayumanggi pa kay Thomas. Si Thomas kasi ay may kaputian ng kaonti. Mas gusto ko iyong kahit mainitan ng araw ay hindi mamumula. Mas gusto ko iyong may dumi sa mukha. Hindi ko po tipo si Thomas," diretsahang ani Senyorita Floresa.

Ngiting tagumpay ang tumatak sa mukha ni Senyorita Maria. Nakita niyang pinanlisikan ni Donya Lorna si Senyorita Floresa na ngumiti lamang sa kabila ng panlilisik ng mga mata ng sariling ina.

"Ikaw Mama? Anong tingin mo kay Thomas?" tanong ni Senyorita Maria kay Donya Cecilia na nagpanginig ng mahababang pilik-mata nang kaniyang ina.

Panandalian itong hindi makasagot, sabay lumok at uminum ng bino sa kopita.

* * *
#MementoMoriALS1804

Memento Mori: A Love Story from 1804Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon