C H A P T E R 43

2.5K 68 13
                                    

Maari kaya?

IT HAS BEEN two days since Flora had left kasama si Ezamuel. Magaling na rin si Catherine at nakabalik na rin siya sa Pueblo Maharlika kasama si Josh. Her department head agreed that she will he absent for two days at babalik siya sa miyerkules. Laking pasalamat niya nang hindi siya sinibak sa trabaho. Kung ibang publishing company iyon paniguradong nasibak na siya.

"Maganda nga rito," nakangiting proklama ni Josh habang nakatanaw sa kabuan ng Plaza Royal. Nakaupo si Catherine katabi ni Josh dito sa isang bench sa loob ng Plaza Royal. Ang mismong bench kung saan niya unang nakita ng malapitan si Thomas.

"Maaliwalas at presko," dagdag ni Josh at ngumiti lang si Catherine habang tinatanaw ang sinag ng bukang liwayway.

"Sa loob ng pitong araw na natili ako rito Josh, alam mo ba na marami-rami na rin ang nasagot sa katanungan ko? Na dati, e isa pala akong senyorita na anak ng dalawang maharlika na palihim na umibig sa isang sundalo na katulad ko ay may kapareho ring layunin at iyon ang palayain ang Pueblo Maharlika," mahabang pagpapaliwanag si Catherine. She smiles sadly habang nakatanaw si Josh sa kanya. She's afraid right now dahil dalawang araw na lang ang ilalagi niya rito at kahit na marami na ang nasagot sa kaniyang mga katanungan ay may mangilan-ngilan pa ring tanong na hindi nasasagot. Kagaya na lang ng tanong na ano na ang nangyari kina Thomas pagkatapos ng gabing iyon kung saan ay pinagsaluhan nila ang labis na pagmamahal? How does their love story ended? Nagtagumpay ba talaga sila? Nagkaroon ba sila ng happy ending?

Simula noong na-ospital siya noong sabado at nabalik siya sa nakaraan ay hindi na siya muling hinatak pabalik sa 1804. It was already more than 24 hours na hindi siya nakakabalik at natatakot siyang baka hindi na talaga maulit ang pagbalik niya sa nakaraan. How about her questions? Will it be remained unanswered?

"Sa kinuwento mo sa akin Cath, all I can say is that you are very lucky," nakangiting sabi ni Josh.

"At paano mo naman nasabi?" tanong ni Cath.

"Because you are given a chance to see your past. Hindi lahat ng tao nabibigyan ng ganoong pagkakataon. You are exceptional."

"Hindi rin..." malumanay na pagsalungat ni Cath. "Kasi kung ako ang papiliin, ayaw ko ng makita kung ano man ang naging buhay ko sa nakaraan. Gusto kong mabuhay na lang sa kasalukuyan at 'yung tanging aalahin ko lang eh 'yung bukas," dagdag niya.

"Pero kung hindi mo rin naman nakikita ang nakaraan, hindi mo rin naman makikila si Thomas," Josh said with energy. Natawa siya nang tila namula si Catherine.

"Huwag mo nga akong tuksuhin. Nag-promise ka sa akin na hindi mo na ibi-bring up iyong nakita mo sa ward 'di ba?" inis na ani Cath, tinutukoy iyong oras na nabalik siya nakaraan at may ginawa silang dalawa ni Thomas sa kama at noong natapos sila ay bigla siyang nabalik sa kasalukuyan at nasa ganoong posisyon pa rin siya, naka-dog style position siya nang pumasok si Josh sa ward.

"Fine! Fine!" natatawang pagsuko ni Josh. "At saka huwag ka na ring mahiya Cath. I've seen a lot of woman having no clothes infront of me. Hindi na bago sa'kin 'yon."

"Ahh talaga? Eh kung sakalin kita?" Nagtawanan lang sila dalawa. They're bestfriends at kahit magharutan sila ay walang malisya roon. Kay Cath, wala pero kay Josh...

"Kung ako ang papipiliin, gusto kong makita ang sarili ko sa past ko. Sa tingin mo Cath? Ano kaya ako? Magkakilala rin kaya ako?" tanong ni Josh noong naglalakad sila pabalik sa Casa.

Suddenly, biglang kinabahan si Catherine out of no reason. Nang tinanong iyon ni Josh ay bigla na lang siyang nakaramdam ng matinding kaba.

"Alam mo Josh! Be careful what you wish for. Baka magaya ka kay Flora na hiling ng hiling na makabalik sa nakaraan at----" natigilan si Catherine. Bakit niya iyon sinabi kay Josh!

"Ibig mong sabihin nakabalik din si Flora sa nakaraan?" Seryosong tanong ni Josh.

Takot na napatitig si Catherine sa mga mata ni Josh na punong-puno ng kyuryusidad. She doesn't like it! Ayaw niyang may isa na namang malapit na kaibigan ang madamay sa mga nangyayari sa kanya.

"Kailan ka uuwi? Hindi ba sabi mo, kailangan mong makabalik sa barko agad?" ani Catherine, pasimpleng hindi sinagot ang tanong ni Josh.

Tumango si Josh, "Bukas ng umaga. At malaki rin ang chance na hindi na ako makakabalik sa Pilipinas at hindi na kita makikita ulit kasi nasa kontrata ko na na sa Europe na route lang ang lilibutin ng barkong ida-drive ko. Naka-contract iyon until mag-retire ako. Nandoon na rin sila Mama at Papa sa Italy at baka roon na rin ako mag-asawa unless kung...." ngumiti ng palihim si Josh.

"Unless kung?" tanong ni Cath.

"Unless kung sasama ka sa akin," diretsahang ani Josh.

"Josh naman. Akala ko ba napag-usapan natin 'to?" And Catherine confirmed it. May nararamdaman pa rin si Josh sa kanya hanggang ngayon.

"I know. Nagjo-joke lang naman eh. Ito naman oh. Hindi mabiro!" ani Josh tapos mahinang sinuntok si Catherine sa palad nito like his usual hobby noong college pa sila Catherine.

"Mabuti naman kasi ako, ayaw ko talagang masaktan ka. Sinabi ko na sa'yo dati na----" natigilan si Catherine nang magsalita si Josh.

"Na hanggang kaibigan lang ang turing mo sa akin."

"Joshy!" sita ni Cath nang magdrama na naman si Josh harapan niya.

"I admit Cath. It took me years bago ako maka-move on sa'yo. But this time I assured you na naka-move on na ako. Gusto lang kitang makita ulit kasi gusto kong paalalahanan ang sarili ko na I am capable of loving someone like you."

"Josh, kung magmamahal ka, I hope hindi mo mamahalin ang taong iyon kasi katulad ko siya. Mahalin mo ang taong iyon kasi mahal mo siya at hindi dahil sa may nakikita kang similarities ko sa kanya," Catherine reminded Josh.

"I will Cath." At nagawang ngumiti ni Josh sa harap ni Catherine nang hindi na nakakaramdam ng sakit.

They spend the whole day enjoying the whole Pueblo Maharlika. Noong dumating ang tanghalian ang nag-lunch sila sa beach at naligo rin doon. At noong dumating naman ang hapon ay umakyat sila sila da Mount Puntik. Isang maliit na bundok na may tayog na 80 feet. Madali lang iyong akyatin kasi mayroon namang maayos na hagdanan.

At noong nakarating nga sila roon, they both watch the sunset kasama ang ibang turista.

"Kasing ganda mo ang sunset Cath..." ani Josh at natawa lang si Catherine.

"Sira!" tumawa siya sabay tampal sa braso ni Josh. Nang manggigili siya sa ka-cute-tan ni Josh ay akmang pipisilin niya na sana ang pisngi nito pero natigilan siya nang biglang inikutan ng malakas na hangin ang buong bundok.

At noong kumurap nga si Catherine ay natagpuan niyang kinukurot na niya ang pisngi ni Thomas.

"Masakit Maria. Tanggalin mo ang kamay mo," anito at napasinghap na lang sa pagkagulat si Catherine.

Biglang gumulo ang isipan niya!

Maari kayang si Josh at Thomas ay iiasa?

Pero bakit ganoon! Bakit magkaiba ang mukha nila?

* * *

(7 Chapters left. :D )

Memento Mori: A Love Story from 1804Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon