Her First.

238 8 7
                                    

Lahat ng tao ay may sikreto sa kanya-kanyang buhay. Maaaring malaki man ito o maliit, tayo pa rin ang nagdedesisyon kung kanino natin ito ipagkakatiwala. Pero minsan, may mga bagay talaga na kailangang ilihim natin ng mabuti, mga sikretong hindi dapat malaman ng iba, lalo na ng mga magulang natin, alam niyo ba yun? At panigurado, kapag nalaman nila eh tigok ka talagang bata ka, hahahaha.

"Hoy Anna, nakatulala ka na naman diyan!", sigaw ni Mike sa akin sabay pektus. Bwisit talaga 'to, panira ng pagmumuni-muni eh. "Nakaready na 'ko sa Tetris oh, tamo, tagal mo.", pagmamaktol pa niya sakin.

"Yung frappe ko kasi, tagal dumating, sana nag-black coffee na lang ako tulad mo.", sabi ko saka nag-ready na sa Tetris at nagsimula na ang labanan namin. Tumawa naman siya at sinabing, "Once you go black, you're gonna need a wheelchair.", tsaka tumawa pa ulit ng pagkalakas-lakas kaya yung ibang tao dito sa coffee shop ay napalingon sa direksyon namin, kahiya.

"Anong konek dun Mike?"

"Wala, naalala ko lang yung sa White Chicks."

"Parang gago, hahahaha!"

"Anong gago? Ha?? Tingnan natin kung  magpapatalo pa ako sa'yo ngayon, hahaha-- *pop* -- Uggghhh!!"

Yes! Hahaha, natalo ko na naman siya. Pa'no ba naman kase, biglang nagpop-up ang chatbox nila ni Jenny na girlfriend niya, kaya ayon, talo siya. Kawawa naman, nasa akin pa rin pala ang huling halakhak, hahahah! "Girlfriend lang naman pala yung katapat mo eh, teka alam ba niyan na magkasama tayo? Baka magselos 'yan ah? Leche, pektus talaga yung aabutin mo saken.", lintanya ko naman sa kanya, mahirap na baka mapa-away ako nito ng wala sa oras.

"Kahit kailan talaga, bratata ng bratata yang bibig mo, prang rifle. Alam niya 'to, okay?", pagsisigurado naman niya sakin, at buti na lang talaga. Pa'no ba naman, bigla-biglang nagyaya, ewan ko lang kung ano 'yung pumasok sa kukote nito.

"Miss, eto na po yung frappe niyo.", at tinganggap ko naman ito, sa pagkatagal-tagal rin naman eh no. At habang iniinom ko 'tong frappe  ko eh nagpalinga-linga ako. Baka kase kung may mga kakilala pala kami rito, hirap nang mapagkamalan. Been there, done that.

"Anna, ano ba 'yang itsura mo, parang katulad noon, hahahah!", at tumawa pa siya talaga habang tinutukso ako. "Ano na naman, Mike?!", pang-gagalaiti ko sa kanya. Itinigil nga niya yung tawa niya pero na-uubo pa, bwiset, hahaha. "Naaalala mo pa ba noong mga praning days mo na takot na takot kang mahuli ng mga magulang mo? Priceless talaga palagi yung expressions mo noon eh.", sabi pa niya at tumawa pa ulit ng pagkalakas-lakas.

'Di ko na lang siya pinansin, lakat ng tama ng mokong eh. At kung nagtataka kayo, ex-boyfriend ko 'tong si Mike kaso hindi nga lang kami legal. Yan nga ang isa sa mga rason kung bakit natapos ang relasyon namin. Pero past is past, yun na yun. Natagalan talaga bago kami nakarating sa stage na 'to na friends-friends withought awkwardness. Head over heels kase ang gagong 'to sakin noon, hahaha, shhh.

Pero alam niyo, kahit ganito na kaming dalawa, nagkaroon rin kami ng punto sa buhay namin na minahal namin ang isa't-isa. Kaso, ang pagmamahal na 'yon ay hindi naging sapat  na pundasyon sa relasyon namin para maging matatag kami para sa isa't-isa.

Nakakalungkot mang isipin noong una, pero kailangan na lang tanggapin eh. Hinding-hindi mo maloloko ang sarili mo na may nararamdaman ka pa para sa kanya. Maaaring maging masakit sa una, pero kapag nilawakan niyo ang inyong pag-iintindi sa bagay-bagay, at mare-realize niyo ang inyong sitwasyon niyo ng mabuti, unti-unting mawawala ang sakit. At  ang mangingibabaw na lang ay ang mabuting hangad niyo para sa isa't-isang kaligayahan sa buhay.

The first time you fall in love, it changes you forever and no matter how hard you try, that feeling just never goes away. -Nicholas Sparks

The first one will always have a special place in your heart. Not all first love has good memories, some were as awful as bad luck., but just thank your first love for making you stronger than you were before.

~Dedicated to PrincessInJeans. Kamilleeeeee! Mithyu, hahahah. Thank you for always encouraging me to write again, kahit nung mga times na sobrang labo na talaga. Basta, salamat talaga sa lahat lahat. Labyuuuu, hart hart. ♥

Dreams.Where stories live. Discover now