Sign.

119 6 10
                                    

"Jake, asan ba dito ang power bank mo? Dead batt na 'ko oh," pagrereklamo ko naman sa kanya. Eto kasing si Jake, sabi niya magro-roadtrip kami kasama ni Rio, pero talkshit ang loko kaya kaming dalawa na lang.

"Oh, eto na lang yung phone ko," dabi ni Jake sabay tapon sng phone niya sakin, buti na lang talaga at nasalo ko. Rich kid talaga 'tong kasama ko, tinatapon-tapon na lang ang iPhone, hahaha. "Yan na lang muna yung gamitin mo," sabi pa niya habang busy sa pagda-drive.

"Teka, stop over muna tayo ah," biglang sabi ni Jake sabay parada sa isang convenience store. Bumaba naman kami agad at bumili na ng ibang kailangan pa namin, bumalik rin kami agad sa sasakyan niya. Sabi niya tutungo raw kami sa lugar na masarap raw tambayan tuwing gabi, mga 7 o'clock na kase ngayon.

At hindi nga ako binigo ni Jake, parang isang over the edge na lugar tapos kitang-kita mo ang magagandang ilaw ng syudad. Nakaupo kami ngayon sa trunk ng sasakyan niya at tanaw na tanaw ang isang napakagandang view habang kumakain ng cup noodles na nabili namin noong nag-stop over kami.

"Sabi ko noon sa sarili ko, dadalhin lang kita rito kapag tatanungin na kita kung pwede ba kitang maging girlfriend," biglang sabi niya habang natatawa pa tsaka naiiling. Kaya nga natawa na lang rin ako. "Pero malabi na atang mangyari pa 'yun, hahaha!", sabi pa niya kaya napatanong naman ako, "Oh, bakit naman?".

"Una, dahil nandito na tayo. Pangalawa, sa tingin ko, mas kuntento na 'ko na ganito tayong dalawa, atleast sa ganito, forever na tayo. Takot ko lang na mawala ka ano, hahaha!", pagda-drama niya.

"In fairness ah, minsan ka lang magdrama ng ganyan. Pero salamat ah?", sabi ko sa kanya tsaka napa-hug na rin ako ng konti. "Sus, eh kay lakas-lakas mo sakin eh, nahiya ka pa talaga ah," sabi pa niya sabay gulo ng buhok ko kaya pektus ang nakuha niya sakin, hahaha.

"Teka, kunin ko muna yung laptop," sabi niya at kinuha na ang laptop niya na nasa loob ng sasakyan. At naka-plug pala doon ang power bank, kaya pala, nire-reserve naman pala eh, haha. "Manonood tayo ng In Time, ayos lang ba?", biglang tanong niya tapos umupo na sa tabi ko. "Sige ba," pag-sang-ayon ko naman sa kanya.

At naalala ko, parang kelan lang pala noong sinabi ko sa kanya na panoorin niya ang In Time kase maganda habang nagcha-chat kami sa facebook. Hay, ang bilis dumaan ng panahon. Akala ko ang labo nang mangyari 'to, yung ganito lang kami ka-okay. Ang rami rin kaya ng pinagdaanan namin bago namin naabot ang ganitong estado.

Si Jake kase, siya yung tipong seryoso, kung gusto ka talaga niya, 'di ka niya tatantanan. Pero alam mo kung ano yung nakakamangha sa kanya? Alam na alam niya kase kung saan siya lulugar at kung ano ang mga limitasyon niya.

Minahal ko rin naman ata siya, kasi everything happens for a reason. May mga times noon na kapag hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, kung magho-hold back pa rin ba 'ko o gagawa ako ng paraan para ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko, humihingi talaga ako ng guidance at sign mula kay God.

Hindi ko alam kung tadhana lang ba yun, o pinakinggan lang talaga ni God ang panalangin ko, pero iisa lang talaga ang resulta na binibigay sa'kin. Nagkakaroon ng rason upang mapaghiwalay kami at taos-puso ko naman itong tinatanggap.

At na-realize ko naman, maaaring natapo na nga ang isang parte ng buhay naming dalawa pero hindi naman ibig-sabihin nun eh hanggang doon na lang talaga 'yon. We still got a lot of years to live at marami pang maaaring mangyari. Ending a chapter just means you are heading to a new beginning in your life. Pero alam niyo, sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko yung quote na basa ko.

In the end, we only regret the chances you didn't take. -Unknown

And that regret's going to hunt me for a lifetime, pero ayos lang, I know I deserve it for taking granted the people in my life.

~Dedicated to sleepysanity. Hello Maisen! Hihi, wala lang, gusto ko lang talaga i-dedicate 'to sa'yo, salamat sa lahat! :*

Dreams.Where stories live. Discover now