Better off as Friends.

124 7 6
                                    

"Dark, seriously, forever fan ka talaga ng Diary ng Panget, ano?", tanong ko sa kanya. Pa'no ba naman kase, nagyaya siyang mag-reading marathon daw kami sa favorite reading place ko, dito sa cliff na 'to na may isang mapakalaking puno. Na-discover ko lang 'to noong nagpalaboy-laboy ako sa kalsada isang hapon.

Parang meant to be nga kami ng lugar na 'to eh. Parang ginawa talaga siya ni God para ma-discover ko, ganon yung feeling ko. Tapos sa puno na 'to, may isang malaking hole, parang yung sa mga tirahan ng owl. Kaya noon, napagpasyahan kong maglagay rito ng kaunting libro para kahit papaano eh kung pupuntahan ko, may babasahin akong libro.

Eh ang nakakabadtrip eh itong si Dark, sabi niya kasi may ipagmamalaki raw siyang apat na libro na sobrang favorite niya. Hulaan niyo kung ano? Diray ng Panget 1, 2, 3, 4 lang naman. Hayyy, sarap pektusan. Kala ko pa naman kung ano na talaga. Over-acting kasi ang isang 'to. -_-

Eto pa-smile smile pa ang mokong habang nasa page 50 na ng book 1. Tapos ako naman ay forever stucked sa page 15 kase hindi ako maka-concentrate magbasa. Pa'no ba naman, konting ano ay tatawa agad na parang kinikilig, sinong 'di madi-distract diyan? Tss. Sobra pa nga sa babae eh, hahaha.

"Teka," biglang sabi niya. "Anna, kunin mo nga yung bag ko, may mga pagkain pala akong dinala diyan tsaka mga inumin.", sabi pa niya. "Hallelujah!", sabi ko naman sabay taas ng dalawa kamay. Sana naman eh 'di na 'to palpak ano? Pero hay, nabigo ako, puro junk foods at canned softdrinks ang mga dala niya.

"Dark naman eh, wala ka bang totoong pagkain diyan na tinatago?", tanong ko sa kanya. "Bakit? Hindi ba 'to totoong pagkain? Sorry naman Miss Chef at yan alng ang dala ko. Kung sana eh nagluto ka na lang at dinala mo eh mas mabuti.", sabi pa niya habang pairap-irap pa. "Eh sino ba ang nagyaya dito?!", pasigaw kong tanong sa kanya. "Oh, oo na, sorry na. Ito naman, 'di ka pa rin nagbabago, ang high blood mo pa rin, haynako!", pagrereklamo pa niya sakin. Tss, sira talaga 'to.

"Ewan ko sa'yo.", yan na lang ang nasabi ko at bumalik na sa pagbabasa. Habang siya naman ay sinimulan nang lantakan ang isang pack ng Clovers. "Oh, gusto mo?", pag-aalok niya sakin at kumuha rin ako. Bihira kaya 'tong mag-alok, hahaha.

"Alam mo, kung hindi lang talaga tayo nag-college at nawalan ng connection sa isa't-isa, pakiramdam ko hindi pa talaga ako makakaget-over sa'yo, hahaha.", sabi niya. Ano 'to, bring back the past, ganon? "At nagyon mo pa talaga sinabi 'yan ah?", sabi ko naman habang sinara na ang librong binabasa ko.

"Oo, eh ano naman? 'Wag mong sabihing nao-awkward ka?", tanong naman niya na parang ang lakas ng loob. "Ulol, asa ka Dark, hahahaha! Para ka ngang bakla noon na nagpaparinig sakin sa facebook, wag ka! Hahahaha!", tukso ko pa sa kanya at nagtago naman ang sira sa likod ng puno.

"Parang bata. Ikaw kaya yung nanguna tapos ganyan ka ngayon?", sabi ko sa kanya ng naiiling habang binubuksan uli ang libro ko. "Ewan ko na sa'yo.", sabi naman niya habang nagdadabog effect pa. Hahahaha, parang gago.

Alam niya, nagka-feelings rin ako sa mokong na 'to noong high school kami, 'di ko nga lang alam kung infatuation lang ba 'yun o like o love. Tapos parang skinny love pa ang peg namin nun. Pero mas pinili kong hindi mag-take risk. There are just people who's better off as friends than lovers. Ang hirap i-risk ng friendship for the sake of your uncertain feelings. Ang hirap masira ng isang pagkakaibigan na sobrang pinapahalagahan mo. Friendship is like a mirror, once it's broken, it will never be the same as it was.

Losing a close friend is way worse than losing a lover. -Unknown

~Dedicated to sexykayaako. Hoy Daniiiiiii, langya ka! Hahahahahha, labyu! ♥

Dreams.Where stories live. Discover now