New Love.

122 5 8
  • Dedicado a my ♥
                                    

"Keep up, Gian!", sabi ko sa kanya habang binilisan ko pa ang pag-pedal ng bisekleta. 'Tong si Gian kase, nagulat na lang ako nang tawagin ako ng kasambahay namin. Sinabing may naghihintay raw na lalake sakin sa labas na naka-bisekleta, si Gian pala.

"Race to the port pala yung gusto mo ah?", sabi niya habang natatawa pa. At laking gulat ko na lang at naunahan niya na ako, tss, 'di talaga nagpapatalo ang isang 'to. Kainis, kala ko pa naman eh papaunahin niya 'ko, psh. -_-

Tamang-tama lang pala yung dating namin, unting-unti nang nakikita ang sunset. Ipinarada muna namin ang mga bike saka naupo sa gilid kung saan kaharap namin ang sunset. Napakaganda pang tingnan, lalo pa't nagsi-sihloutte na ang mga punong niyog.

"Hay! Nakakapagod yun ah," biglang sabi ni Gian. "Sinong may kasalanan? 'Wag mong sabihing ako?", pagjo-joke ko sa kanya. "Ikaw naman talaga Anna. May pa-race race ka pa kasing nalalalaman," sabi niya sabay pabirong sakal sakin gamit ang braso niya na parang naging akbay na, sira talaga 'to. "Aba Gian, sino ba namang nagyayang mag-bike?", balik ko naman sa kanya at napailing naman siya.

" 'Ba naman yan, nakakagutom," biglang reklamo ko. "Kahit kelan talaga ang takaw mo, eh 'di ka naman tumataba," sabi niya sabay pisil sa braso ko na napakasakit, for sure, sinadya talaga ng kumag na 'to. "Kahiya naman sa fats mo, ano," pagbibiro ko naman sa kanya na payat naman talaga. Mas payat pa nga ata 'to sakin eh, kung babae lang talaga 'to, tss.

" 'Lam mo An, palagi kitang nami-miss," biglang sabi niya sabay pangiti pa na hindi ko nman kinagulat, palagi na niyang sinasabi 'to sakin eh, at for sure, pinagti-tripan lang ako ne'to. "Ewan ko sa'yo. Yan ka na naman. Sanay na 'ko, Gi. Hahahaha," sagot ko naman sa kanya at inirapan lang ako, parang bakla. "Yan lang rin naman yung nakukuha kong sagot sa'yo eh. Kahit sa mga chat ko sa'yo sa facebook, 'yan lang rin. Wala man lang ba misyu too o ano?", pangungulit naman niya sakin.

"Gagu," sabi ko na lang at lumipas ang isang napakahabang katahimikan, awkward. Nakatingin lang kami sa sunset at wala ni-isang may umimik, mga 3 minutes rin ata siguro. "Nami-miss rin kita," biglang sabi ko na lang out of the blue and I'm like, wtfffff. Napa-smile naman ang mokong, tss.

"At syempre, nami-miss ko rin yung mga ka-klase natin noong high school," sabi ko pa nang natatawa. At mas natawa ako nung pinagha-hampas hampas niya 'ko, sadista lang eh no? Hahahaha. "Panira ka talaga kahit kailan," sabi pa niya habang nagtatampo. "Ayon na sana eh. Buo na sana araw ko eh," sabi pa ulit ni Gian with singhot effects. "Kung sino 'yung nakabuo, 'yun rin ang nakasira, tss," dagdag pa ng mokong.

"Pa-tampo tampo ka pa diyan," sabi ko sa kanya sabay lagay ng ulo ko sa balikat niya. " 'Di mo rin naman ako matitiis," sabi ko pa nang naka-ngiti. "Sadista," sagot naman niya sabay lagay rin ng ulo niya sa nakapatong na ulo ko sa balikat niya.

"Mahal mo naman," balik ko naman sa kanya, letse, anyare na sakin? Hahaha. "Ewan ko sa'yo," sagot naman niya sa'kin. Wala na, na-pikon na. Mahal mo naman. Lalalala~ walang sinasabi ang konsensiya ko, hahaha. At nagpatuloy na ang panonood namin ng paglubog ng araw kasama ang pagkakatiwala ko ng puso ko sa kanya.

'Di dahil nasaktan ka eh isasarado mo na ang  puso mo sa iba. Pa'no naman 'yung mga taong mahal ka at wala nang ibang hiling kundi hayaan mo na lang siyang mahalin ka? Hindi mo nga siya mahal ngayon, eh pa'no bukas? Sa makalawa o sa susunod na mga buwan? Hindi naman kasi minamadali ang love eh.

Minsan, kailangan rin nating magpa-pasok ng mga tao sa puso natin. Malay mo kung anong saya ang maidulot niya sa'yo? Masasaktan at masasaktan ka, pero matututo ka at may mga solusyon ang lahat ng bagay, 'di ba?

No one can go back and make a brand new start, however anyone can start from now and make a brand new ending. -Unknown

Just always keep the love flowing and you'll be forever happy.

~Dedicated to my ♥. Walang lungs, huehue.

Dreams.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora