Mind over Matter.

150 7 9
                                    

"Rio! Malayo pa ba?", tanong ko kay Rio. Si Rio, siya yung taong madalas kong pag-confess-an. Yung mga sikreto ko noong high school kami hanggang ngayon? Nako, sa kanya ko inilalabas lahat, bulgar kung bulgar. Hahaha. Pero syempre, may mga sikreto rin tayo na tinatago lamang sa sarili natin. Kaya ang mas mabuti, alamin mo talaga muna nang lubusan kung mapapagkatiwalaan mo talaga yung sasabihan mo.

'Di bale. Nandito kami ngayon sa isang malubak at mapunong lugar at kanina pa talaga kami naglalakad. Eto kasing si Rio, sabi niya fresh breeze of air raw, si ako naman ay naniwala, kaya on the go naman ako agad-agad, pero mukhang malabo 'tong pinagsasabi ng mokong eh. "Konting-konti na lang talaga, Anna, malapit na tayo.", sabi pa niya, ulit.

Haynako, ang sakit na talaga ng paa ko, mukhang 100 steps ata ang hagdan na malubak na dinadaanan namin eh. "Oh, eto na.", sabi niya kaya napatingin naman ako sa paligid. At shetness, fresh breeze of air nga, ngayon ko lang na-realize kase tumitingin lang ako parati sa daanan eh, hay.

At sa 'di kalayuan ay may natatanaw akong isang bahay, parang milumaan na ng panahon at may di-gaanong kantandaan na babae't lalake sa labas. "Ang ganda ng tanawin, 'di ba?", tanong pa ni Rio sabay akbay sakin at napatango naman ako. Maganda nga, parang nasa itaas ng bukid ang bahay pero parang hindi naman. Tapos parang kita mo pa ang proper na pinagmulan namin.

Ito talagang si Rio, naaalala ko na, ipinangako niya sakin 'to noong high school pa kami na pupunta kami rito noong niyaya ko siyang mag-escape-from-everything. "Pinangako mo sakin 'to noon, 'di ba?", sabi ko nang nakangiti. "Oo, naaalala mo pa pala.", sabi niya sabay gulo ng buhok ko, ano ba naman yan.

Nagmano naman siya sa mga naghihintay samin kaya nagmano na rin ako. "Feel at home ka dito, iha ah?", sabi ng babae sakin at nag-smile naman ako sa kanya pabalik. Umalis naman sila agad pagkarating namin. "Kukuha lang sila ng mga ka-kailangin sa bayan.", sabi naman ni Rio sakin. "Tara.", pag-aaya niya at nauna nang pumasok ng bahay.

Lingid sa inyong kaalaman, napamangha ako sa loob ng bahay. Parang pinagsamang modern at vintage ang interior nito at sobrang organisado pa. "Silang dalawa ang mga caretaker ng bahay.", sabi ni Rio at napatango naman ako bilang sagot. "Bahay ito ng Lola ni Mama at palagi akong nagbabakasyon dito noon.", pagpapatuloy pa niya.

"Tara na, may ipapakita pa ako sa'yo sa labas na tiyak ay magugustuhan mo.", sabi niya sakin kaya sumunod naman ako. At napa-nganga talaga ako sa ipinakita niya. Dati kase, ini-explain ko lang sa kanya ang ganitong klase na lugar. Isang mataas na lupa kung saan sa tingin mo eh napakalayo mo na sa kabihasnan. Hayyyy, napakaganda, nakakagaan sa loob.

Napa-upo ako sa damuhan at ganoon rin siya. "Dati, iniimagine ko lang 'to eh, ngayon, narito na ako mismo. Ang sarap sa feeling. Salamat ah?", sabi ko sa kanya at napahiga naman siya sa kandungan ko. "Wala 'yon, ikaw pa eh ang lakas mo sakin eh, hahahaha. Oh, kamusta na pala kayo ng mga kalalakihan mo?", sabi pa niya at tumawa pa talaga.

"Gagu, hahahaha! Parang pinagmukha mo namang ang landi ko, leche. Ayon, kahit anong taboy ko going smoothly pa rin tulad ng dati. Hay, 'di ko na nga alam kung anong gagawin ko sa mga 'yon. Eh kayo ng mga kababaihan mo?", backfire ko naman sa kanya.

"Parang ginawa mo naman akong chickboy niyan.", sabi niya na parang ginaya ako habang natatawa pa rin. "Bakit? Hindi ba? Hahahaha!", sagot ko naman sa kanya. "Ayon, habol pa rin sila ng habol sakin. Wala eh, pogi eh.", sabi pa niya with super-seryoso-face, parang gago. Kahit kailan, wala talagang patutunguhan 'tong pinag-uusapan namin eh, hahahaha!

Alam niyo, ang lalaking 'to, sobrang landi. Mula talaga noon, hanggang ngayon. Sa ka-sweetan nga nito eh nahulog ako noon eh, pero 'di nag-level up, sobrang talino kasi namin eh, hahahaha. Sobrang magka-parehas kami pagdating sa pag-handle ng pag-ibig na 'yan kaya nag-contradict ang mga actions namin sa isa't-isa kaya walang naging next level. Pero marami rin kaming pagkakaiba at 'yon ang mas nagpaganda ng friendship namin.

May mga klase talaga ng pag-ibig na hindi na kailangang i-next level. If you think that it's not the friendship worth to risk for, then be it. Mahirap nang masira ang isang friendship na sobrang importante sa'yo dahil lang sa naging kayo. Magre-regret ka nga lang sooner or later pero in the end, maiintindihan mo rin na tama rin pala ang naging desisyon mo.

Life consists not in holding good cards but in playing those you hold well. -Josh Billings

And by that quote, we both know how to play those we hold well. We did brilliant and good decisions and that makes wiser than we already are. Sometimes, holding back is just okay. It's just fine. And okay, okay?

~Dedicated to veanya. Theresaaaaa! Hahahah, labyuuuu! Thank you for everythingggg! See you soon ♥

Dreams.Where stories live. Discover now