PAHINA 13※

2.3K 67 30
                                    


Basement.

Harsha's POV

Pagkasundo sa akin ni Jin ay may dala na siyang malapad na panyo at itinali ito sa aking leeg.  Inihatid niya ako sa aking kwarto, naligo, nagbihis at pagkatapos niyon ay nagpunta kami sa servant's kitchen para kumain. Kagaya noong una ay hindi ko nakagisnan si Lord J sa tabi nang magising.

Tahimik kaming kumakain nang may dumating na hindi ko kilalang Bampira.

"Butler Jin, ihahatid na po ba namin ang pagkain sa basement?"

"Sige, tatapusin ko lang ito at sasama ako sa iyo"

Basement? Di kaya nandoon ang mga kalahi ko?

Pero hindi ko isinatinig ang tanong ko. Nang may naramdaman akong naupo sa tabi ko. Walang iba kundi si Maya.

"Good morning Harsha! Kumusta kagabi? "

Nakangiti sya sa akin at taas baba ang kanyang nakakurbang kilay.

"Wala namang nangyari"

Shit! Malungkot na naman ang tono ko. Umayos ka Harsha!

"Talaga lang ha?"

Bigla niya akong hinila at sinilip yung nasa loob ng panyo na nakatali sa leeg ko. Tangina po kasi, ang lakas niya. Muntik pa akong malaglag sa kinauupuan ko.

"Oh, Goodness! Those are hickeys, right? Bakit mo sasabihing wala? obvious namang meron!"

Bigla naman niyang hinablot ang aking kamay at dinama ng daliri ang aking pulsuhan. Bigla siyang napasimangot.

"Ay, oo nga wala. Birhen ka pa rin"

Binitawan na niya ang kamay ko at tumutok na siya sa iniinom niyang dugo. Once a day lang naman silang uminon tyaka kaunti lang. Parang nagtrip lang, ganun! Nakakayamot.

"Paano nyo ba nalalaman kung birhen sa pamamagitan ng pagdama sa pulso lang?"

"Hmmm, mahirap i-explain eh, basta may kakaibang ritmo kaming nararamdaman kapag birhen pa ang isang babae. Ganun din sa aming mga bampira, sa pulso lang ay malalaman mo na kung birhen"

Napatango ako. Sila na talaga ang maraming ability.

"Mauna na ako "

Biglang tumayo si Jin kaya tiningala ko siya.

"Saan ka pupunta Butler Jin?"

Hindi niya ako sinagot ngunit binulungan ako ni Maya.

"Pupunta yan sa basement. Magpapakain lang"

Napakunot ang noo ko. So, baka nandun nga ang mga kalahi ko? Sinundan ko ng tingin si Jin habang naglalakad siya palayo nang tawagin ko siya.

"Butler Jin!"

Lumingon siya sa akin suot ang seryoso niyang mukha at idinilat ang mga mata. Senyales na nagtatanong siya sa akin.

"Pwede ba akong sumama?"

"Walang problema. Pero hindi ko alam kung magugustuhan mo ang makikita mo sa baba"

Kinabahan ako bigla. Pero, gusto ko talagang makita at malaman kung tama ang aking hinala. Tumayo na ako bagama't hindi pa man ako tapos kumain.

Nagumpisang maglakad si Jin at may sumunod sa aming tatlong Bampira na may dalang mga maliliit na karton. Parang lagayan ng pagkain. Lumabas kami ng mansyon. Gabi na naman, mabuti na lamang at sana'y na ako sa ganitong schedule nila.

Naglakad kami ng medyo matagal hanggang sa marating namin ang isang bakal na pinto. Hindi ito typical na basement na nasa ilalim ng lupa. Nakatago lang kasi ito sa likod ng mansyon at ang tangkad ng lugar ay sakto lang sa  nakatayong tao.

Unang pumasok si Jin at may pinindot na switch sa may gilid at bumukas ang pulang ilaw.

Ang una kong natunghayan ay ang pagyayakapan ng mga tao, oo mga tao sa loob. Nakakulong sila sa selda. Kagaya ng selda na pinanggalingan ko kina Panginoong Namjoon.

Nagpunta sila sa mga sulok ng selda at halatang takot na takot. Pumasok yung tatlong Bampira at inilusot sa bawat selda ang mga dala nilang karton.

Napatakip ako sa bibig ko nang mabilang ko kung ilan sila. Mayroon silang bihag na benteng tao. Kada isang selda ay apat ang nakakulong.

Kinalampag nung isang bampira yung selda at lalo silang natakot at nagsiksikan. Naglakad si Jin sa bandang gitna at nakita ko kung paanong kumislap ang kanyang pulang mga mata dahil na rin sa ilaw nitong kulungan.

"Kumain na kayo habang mabait pa ako. Hindi nyo nanaising magalit ako, hindi ba?"

Bigla akong kinilabutan. Siya ba talaga yung Jin na kasama ko sa loob ng mansyon?

"Halimaw, mga halimaw! Patayin nyo na lang ako kaysa maging pagkain nyo"

Napalingon ako sa babaeng hindi ko mahulaan kung anong edad na.  Wasted na wasted na kasi ang itsura nya at mapayat.  Yakap-yakap niya ang mga kasama niya sa loob ng selda.

Tumango si Jin sa isa sa mga Bampirang kasama namin at  agad naman itong kumilos at binuksan ang selda. Matapos niyon ay kinaladkad niya palabas yung lapastangang babae. Naaawa ako pero wala naman akong maitutulong sa kanya.

"Kung gusto mo ng mamatay, walang problema. Ibibigay ko ang gusto mo"

Pumilit kumawala nung babae nguni't wala ring silbi dahil di hamak na mas malalakas ang bampira kaysa sa tao. Napalingon siya sa akin at ngumisi.

"Nakikita mo ba ito? Ganito rin ang gagawin nila sa iyo! Maganda ka lang kaya hindi ka ginawang katasan ng dugo! Pero papatayin ka rin nila! Papatay---"

Hindi ko na nagawang pumikit nang biglang sagpangin ni Jin ang leeg niya. Nakita kong pinilit niyang maitulak si Jin ngunit napakalakas nito. Tumirik ang kanyang mata at paunti-unting nanghina hanggang sa lumaylay na ang kanyang mga kamay. Senyales na patay na siya.

Pinahid ni Jin amg dugo sa kanyag labi sa pamamagitan ng sleeve ng kanyang damit at tiningnan niya ako. Nakaramdam ako ng takot. Sinubukan niyang humakbang pero humakbang ako paatras.

Halimaw silang lahat. Kahit gaano kabait, halimaw pa rin.

Agad nagsikilos ang mga nakakulong at kinuha ang pagkain na dala-dala namin. Nagsimula silang kumain sa sulok. Nakakahabag talaga sila, pero pare-pareho lang kaming alipin at nakakulong dito.

"Sige na, kayo ng bahala dyan. Hindi naman mapapakinabangan ang dugo ng patay na"

Malamig niyang tugon sa mga kasama niya. Akala ko ay itatapon nila ito,susunugin o ililibing. Nagkamali ako, bagkus ay pinagsaluhan nilang tatlo ang katawan nung babae. Kanya-kanya silang kagat. Napa-pikit na ako this time.

May narinig akong yabag papalapit sa akin at niyakap ko ang aking sarili. Nanginginig ako sa takot.

"Sabi ko na sa'yo kanina na baka hindi mo magustuhan ang makikita mo dito,Harsha"

Mahinang sabi ni Jin at naglakad na palayo sa akin.

"Bumalik na tayo sa loob. May ipapagawa ako sa'yo"

Hindi ako kumibo at naglakad kasunod niya. Nguni't nilingon ko muna sila sa huling sandali. Hayok na hayok ang mga Bampira na animo'y sasairin ang dugo nung patay na babae.

Mga halimaw.

※※※※※※

Vote and comment po

Salamat

BLIND FOLD || P.JM || R18Where stories live. Discover now