Epilogue Pt.1

1.7K 45 16
                                    

                                   💜💜

"Mistress!! Mistress!!"

Narinig kong sigaw ng isang babae sa aking likuran. Nilingon ko ito agad. Kumunot ang noo ko nang makita kong hingal na hingal siya.

"Bakit? May problema ba?" Kunot-noo kong tanong.

"Di ba ikaw ang owner ni Jungkook? May isang Master kasi---" Hindi ko na siya pinatapos at agad akong tumakbo na parang kidlat. Ni hindi ko manlang tinanong kung nasaan siya.

"Nasa Hardin sila Mistress Sefira. Dalian niyo." Sabi niya sakin habang pilit akong hinahabol. Dahil sa pagiging half breed ko ay di hamak na mas mabilis akong tumakbo kesa sa normal na bampira.

"Thank you Lady. Mauna na ako." Hindi ko alam ang pangalan niya ngunit hindi naman masama kung magpapasalamat ko.

Ang mundo namin ay ganoon pa rin. Siguro nga ay hindi ganun kadali na mabago ang nakagawian na ng sangbampira. Ngunit, may batas na inilathala si Lord Jin na bawal ng itrato na parang hayop ang mga tao. Oo alipin pa rin sila pero bawal na ang pagmamaltrato o pagsipsip ng dugo nila ng labag sa kanilang loob. Si Lord Jin na ngayon ang pinuno ng Comptroller at ibinaba ang rango ng pamilya Jiya bilang normal na mga Bampira na lamang. Asawa na rin niya ngayon si Mistress Althea at hinihintay na ipanganak ang kanilang unang supling.

Ilang sandali pa ay narating ko ang hardin ng aming paaralan. Nag-aaral pa rin ako at masasabi kong mas masaya ang mag-aral sa labas kaysa sa mansyon lamang.

"Bitawan mo siya!" Matapang na sigaw ko sa lalakeng nakatalikod sa akin. Nakaluhod si Jungkook sa kanyang harap at nakatingala sa lalakeng bampira.

Mabilis na napalingon naman sakin si Jungkook at mabilis akong nakaramdam ng inis nang makita ko ang maliit na dugo sa gilid ng labi nito. Nararamdaman ko ang pag-init ng aking mga laman pero pinili kong kumalma at mabilis na nilapitan  si Jungkook at hinila palayo.

"Anong ginawa sayo ng lapastangan na yon?" Tanong ko agad habang sinisipat ko ang dugo sa gilid ng kanyang labi. Kay bango ng dugo niya pero hindi ko kailangan non. Kaya kong mabuhay kahit pagkain lang ng mga tao.

"Pangaralan mo ang alipin mo na wag hahara-harang sa daanan ng mga Master. Oo at may kakarampot na silang karapatan pero tao parin siya! Mababang uri!" Nangiinsultong reklamo niya.

"Kung tunay kang Master at kagalang-galang di ba dapat ikaw ang unang sumusunod sa batas para pamarisan ng iba? Mas mababang uri pa sa tao ang ugali mo kung ganun, Master."

Diniinan ko ang salitang Master. Nakita ko ang pagigting ng panga niya at akmang hahakbang siyang palapit sa akin.

"Mistress Sefira. Ayos lang ako. Wag mo nalang po siyang bigyan ng atensyon. May mali rin ako." Nakayukong sabi ni Jungkook. Naawa ako sa kanya. Pero nangako ako sa sarili ko na habang nasa poder ko siya ay magkakaron siya ng maayos na buhay, pagkain at hindi masasaktan nino man.

Nilingon ko ulit ang lalake at nakita ko kung paano siya napahinto.

"Se-sefira? Ha-half breed?" Nauutal niyang sabi. Dapat lang na matakot siya. Hindi ako mapagpatol na na bampira pero di ko hahayaan na may manakit pang kalahi ko sa mga tao. Lalo na sa mga mabubuting kalooban.

"Ako nga. Hintayin mo ang liham ni Lord Jin. Siguradong magkikita tayo sa Comptroller bukas o makalawa." Pagbabanta ko at napangiti ako nang makita ko ang pagbagsak ng balikat niya. Walang sinoman ang kumalaban sa Coron lalo na sa Comptroller. Kumbaga sa kagubatan ang packs namin ang kinabibilangan ng mababangis na leon.

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon