PAHINA 32※

1.8K 56 45
                                    


※※※※※※

Reveal.

Nagising ako ng may nararamdamang kaunting hilo. Subali't tila ako'y binuhusan ng nagyeyelong tubig nang ma-realize kong narito ako ngayon sa silid ni Lord J.

Dinala ba niya ako dito habang ako'y mahimbing na natutulog?

Bumangon ako at hinimas ang aking sentido upang mapagaan ang aking pakiramdam. Pinilit kong bumangon at tumungo ako sa palikuran na kanugnog ng kanyang silid.

Napangiti ako nang makita ko ang aking Sepilyo, shampoo, sabon sa loob. Nakita ko ring nakasampay ang aking roba sa likod ng pintuan ng palikuran.

Parang mag-asawa na kami kung titingnan.

Mabilis akong nagsepilyo at naligo. Matapos niyon ay sinuot ko ang aking roba at lumabas ng palikuran. Halos mapatalon ako mula sa aking kinatatayuan nang makita ko si Hobi na may inilalatag na bestida sa King size bed. Agad kong hinimas ang aking tiyan, nagulat kasi ako at ang una kong inalala ay ang batang nasa sinapupunan ko.

"Oh! Good morning!"

Masayang bati niya sa'kin habang siya'y nakangiti nang maluwag. Marahan ko siyang nilapitan at dinampot ang bestida.

"Good morning din. Teka, magbibihis lang ako"

Mabilis akong tumalikod dala ang damit at pumasok muli sa palikuran. Matapos kong magbihis ay lumabas akong muli at nakita kong nakabukas na ang malaking pintuan ng Veranda at doon ay nakita kong may nakahandang dalawang Kopita ng  Dugo at may kasama ding pagkain.

Nakaramdam ako ng gutom kaya madali akong lumapit sa kanya. At napa "wow" ako nang makita kong hindi prito ang nakahain sa maliit na lamesa sa aking harapan.

"Kain kana. Masarap kumain habang nakatanaw sa magandang tanawin"

Ipinaghila niya ako ng upuan at naupo naman ako. Mabilis akong sumubo ng kanin at ulam, Adobo yata iyon. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nakatikim ng Adobo. Matapos kong sumubo ng isa ay lumagok din ako ng dugo.

Heaven.

Yan ang pakiramdam ko. Patuloy lang ako sa pag-nguya nang mapansin kong nakatanaw lang sa akin si Hobi.

"Oh, bakit nakatayo ka lang dyan? Saluhan mo ako"

Sabi ko habang nakangiti. Tila nabigla siya sa aking sinabi at napakamot siya sa kanyang batok. Hindi niya rin ako matitigan ng deretso.

"May problema ba?" Tanong ko.

"Huh? A-ano kasi, g-gusto ko sana, kung pwede? H-hawakan yung tiyan mo upang madama ko ang pintig ng puso ng aking kauna-unahang pamangkin?"

Natawa naman ako nguni't pinigilan ko rin agad, ang cute niya kasi. Para siyang batang nakakita ng magandang stuff toy tapos nahihiyang magpabili.

"O-okay!"

Tumayo ako at hinawakan ko ang kanyang kamay at maingat na ipinatong sa aking puson ang kanyang palad.

"Oh! Woah! Wow!"

Masayang reaksyon niya nang maramdaman niya siguro ang pintig nito. Lumabas ang mga biloy na malapit sa kanyang mga labi at ang cute-cute nito. Wala sa sariling sinundot ko iyon ng aking hintuturo.

Nagulat naman siya at biglang napatitig sa akin.

"Bakit?" Tanong niya.

"Sana mamana ito ng baby ko! Ang cute ng dimples mo!"

Masayang sabi ko at inalis na niya ang kanyang kamay mula sa aking puson. Kinuha na niya ang kopita at akmang iinom nang magsalita siyang muli.

"Dimples lang ba? Mas magandang lalake kaya ako kay Lord J"

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon