PAHINA 16※

2.4K 64 77
                                    


Invited?

Jimin's POV

Limang araw makalipas nang huling pumarito si Fatima at ang kanyang Ama upang pag-usapan ang tungkol sa arrangement nila ni Yoongi at bukas nang gabi ay engagement party na ng magkapareha.

At katulad nang huling pahayag ni Lord Anton ay tinupad niyang sa pagitan lamang ng telepono namin pag-uusapan ang detalye ng engrandeng engagement party at ito ay gaganapin sa kanilang mansyon.

Bawat isa ay siguradong magdadala ng bawat nilang alipin. Ito rin kasi ang pag-kakataon kung saan maaaring makahanap ang mga nagmamay-ari ng makakapereha ng kanilang alaga. Upang maging mag-asawa at mag-produce ng salin' lahi.

Nagdadalawang-isip ako kung dadalhin ko si Harsha sa okasyong iyon. Nguni't, kung hindi ay lalong magtataka si Fatima at lalo niyang iisipin na nagbibigay ako ng importansya sa isang alipin.

Naglalakad ako ngayon sa pasilyo patungo sa Quarters ni Jin. Katulad nang nakagawian ay naabutan ko siyang nagbabasa ng libro ng mga tao. Siya ang may dahilan kung bakit ako nakapagbasa ng mga libro noon ng palihim. Ngayon, malaya na akong magbasa nguni't wala naman akong panahon.

"What are you reading, Jin?"

Nilingon niya ako at inayos ang kanyang hugis bilog na salamin na kanyang suot.

"Nothing special. A random romance book"

Naupo ako sa kanyang kama na katabi lang ng kanyang study table. Itinuon niyang muli ang atensyon sa pagbabasa.

"Romance? Why? Do you like someone? "

"Yeah."

Maikli niyang sagot at patuloy lang sa pagbabasa. Ni hindi manlang ako nilingon. Ganito kami kapag dalawa lang. Hindi ako si Lord J at Hindi siya si Butler Jin, kami ay magkaibigan na may pantay na turingan.

"Anyway, J. Have you fell in love for real?"

Napaisip ako sa tanong niya. Nahiga ako sa kanyang kama at niyakap ang isa niyang malambot na unan.

"Not in my 300 years of life Jin. Love is for weak creatures"

Nakita kong tumango lamang siya at nakatutok parin sa kanyang binabasa. Hindi pa naman talaga ako nai-in love. Ang nangyari sa pagitan namin ni Fatima ay isa lamang payak na tawag ng laman, especially at my part. Higit pa doon ay mayroon akong mas malalim na dahilan at batid din iyon ni Jin.

"Kung sasabihin ko bang gusto ko si Harsha, pakakawalan mo siya at ibibigay sa akin?"

Natigilan ako sa tanong niya at bigla akong nakaramdam ng pagka-inis. Hindi ko alam kung bakit at isa pa, ito ang kauna-unahang beses na nakita kong nagka-interes si Jin sa babae. Kaso, bakit sa tao? Hindi pwede.

"Are you crazy, Jin? Harsha is a Human and we Vampires can't love them. You might die asshole"

Oo, bawal kaming mag-asawa ng isang tao. Kamatayan ang kapalit. Uusigin kami ng aming mga kalahi at wala silang paki-alam kung nasa mataas kang posisyon. Papatayin ka habang nanunuod ang iyong mga kalahi kasama ang taong kinabaliwan mo. At hindi ko makita ang halaga ng pag-ibig kung ikakamatay lang naman ito.

"Don't dare do that crazy idea, Jin. Besides, I bought her for my satisfaction. Hindi ko siya ibibigay sa'yo ng dahil lang sa malapit tayo sa isa't-isa"

"Is that so?"

Sa wakas ay nilingon na ako ni Jin at nakangiti siya sa akin. Isinara na niya ang libro at tuluyan akong hinarap.

"Ano talagang pakay mo J? Alam ko namang sasadyain mo lang ako dito pag may ipapakiusap ka."

Bumangon na ako sa kama at umayos ng upo sa gilid. Yakap ko pa rin ang kanyang unan at nginitian ko siya ng malapad.

"Tomorrow night are Yoongi and Fatima's engagement party at Lord Anton's residence. I need to take Harsha there"

"And?"

"And, I like you to look for a gown for her. I won't take her there looking like a trash or naked. I can count on you with this right?"

Nawala ang ngiti sa labi ni Jin at inalis ang salamin na kanyang suot. Marahan niya itong inilapag sa kahoy na lamesa.

"Are you sure that you'll going to take her there? You haven't put a m--"

"I know Jin. I am planing to do it tomorrow. Don't worry"

Nakaramdam na naman ako ng inis. Hindi niya itinago ang pag-aalalang mayroon siya para kay Harsha. Sobra ba niya itong gusto? Mahal na ba niya ito?

"Okay. Then I'll take her out tonight to Mrs. Olive's gown shop"

Tumayo na si Jin sa kanyang kinauupuan at nag-umpisang maglakad patungo sa pintuan nguni't isang mapait na tanong ang namutawi mula sa aking labi na pilit kong pinigilan ngunit hindi ko napagtagumpayan.

"Do you really like her that much?"

Nilingon lang ako ni Jin at hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon. Matapos iyon ay lumabas na siya ng tuluyan. Ako naman ay naiwang mag-isa at tulala hanggang sa napag-desisyunan ko na ding tumayo at umalis ngunit sinulyapan ko muna ang librong binabasa niya.

"Married to a Vampire?"

※※※※※※

( meanwhile sa silid ni Harsha.)

Harsha's POv

Nagulat ako nang dumating si Jin sa aking silid. Napakalapad ng ngiti niya. Malayong-malayo sa Jin na nakita ko sa Basement noong nakaraang mga  ilang araw.

Nagtataka nga ako at ilang gabi na rin akong hindi pinapatawag ni Lord J. Baka hindi na niya ako kailangan tutal naman ay ikakasal na siya kay Fatima. Syempre kailangan niyang maging loyal. Hihintayin ko na lang siguro yung time na kakailanganin niya ang dugo ko.

"Bakit naparito ka, Jin?"

''Maghanda ka at may pupuntahan tayo"

"Saan?"

Tanong ko habang pinapanuod ko siyang naghahanap ng damit na isusuot ko mula sa kabinet.

"We need to look for a gown"

"A gown? Para saan?"

"Para sa engagement party bukas ng gabi"

Natahimik ako. Hindi ba pwedeng maiwan nalang ako dito sa mansyon? Hindi ko yata kayang makitang ma-engage si Lord J sa ibang babae. Nguni't, naisip ko ding chance ko na to para finaly makita ko na rin ang mukha niya.

Pero masakit talaga eh. Parang may pumipiga sa puso ko. Pwede palang magmahal ka sa taong never mo pang nakita. What? Mahal? Ang alam ko ay crush ko lang siya dahil mabango siya.

"Bilisan mo, kilos na. Pag ako nainip ako magpapaligo sa'yo"

Bigla naman akong nataranta ng dahil sa sinabi niya. Kinilabutan ako kahit alam kong biro lamang niya iyon. Inilapag niya ang napili niyang puting bestida sa kama at naupo na rin siya katabi nito. Tinitigan niya ako ng mataman tapos ay nginitian. Dahil doon ay nagmadali na akong kumilos at akmang papasok na ako sa palikuran nang magsalita siya.

"Harsha"

Nilingon ko siya ng may halong pagtataka sa aking mukha.

"Bakit?"

Tumayo siya at naglakad papalapit sa akin.

"Do you like Lord J?"

※※※※※※

An update.!

Maraming salamat po sa mga nagbabasa !!

Mahal ko kayo!

BLIND FOLD || P.JM || R18Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang