PAHINA 28※

1.9K 53 23
                                    


Althea

Matagal kong pinagmasdan si Althea. Magkamukha nga sila. Nguni't, nagtatalo ang aking isipan.

Imposibleng sila ay iisa, lalo't isang hamak na TAO lamang si Rosalia at 50 years ago nang huli ko siyang nakita. Siguradong namatay na siya sa kamay nila dekada pang nakalipas.

They took and made her a BREEDER.

Noong araw na kinuha sya ng Comptrollers sa aking pangangalaga. Wala akong nagawa, isa akong Lord nguni't pinanood ko lamang na kunin siya. Dahil mahina ako at takot akong mahatulan ng batas naming mga Bampira at isa pa, paano na ang mga kapatid ko kung mawawala ako ng dahil sa kanya?

Naikuyom ko ng madiin ang aking mga palad at nahila ako pabalik sa realidad nang magsalita ang lalaking Comptroller, si Baekhyun.

"We need to start checking, may bibistahin pa kaming isang Familia after this. Nasa'n ang mga food source nyo? "

Narinig kong sumagot si Jin na nakatayo lamang sa gilid.

"Nasa basement sila. Please, follow me. We have 19 humans there. Is it only you that will check on them?"

Magalang na paanyaya sa kanya ni Jin. Napalingon ulit ako kay Althea nang magsalita siya.

"Go on take Jisoo with you. I will probe this fragile woman here"

Tumango lamang ang dalawa at umalis na sa pangunguna ni Jin.

Narinig kong bumuntong hininga si Althea at si Harsha naman ay nanatiling nakayuko. Siguradong takot na takot na siya pero naniniwala akong makakayanan niya ito. Dahil kung hindi, ay hindi sya tatagal ng dalawang linggo sa aking mansyon.

Althea grabbed her wrist and feel it. Afte that she turned to me with a smile.

"You did her? "

Tinitigan ko siya ng blangko. Hindi siya si Rosalia. Hindi ko kailangan maging mabuti sa kanya at isa pa, isa akong Lord. Malayo na ako sa Jimin na mahina.

"Of course! I bought her for it. What do you expect?"

Ngumiti siya sa akin ng matamis. Kumislot ang aking puso nguni't hindi dahil sa may naramdaman akong kilig o pagkakagusto sa kanya. Kundi dahil may kutob akong hindi maganda.

Ibinalik niya ang atensyon niya kay Harsha at sunod namang ininspekyon ang kanyang mga kagat.

Narinig ko siyang dumaing nang pisilin nito ang sariwa niyang sugat kung saan kinagatan siya ni Taehyung kanina lamang.

"Oh, I'm sorry.  I didn't meant to pressure the wound that hard"

Sarkastikong wika ni Althea. Nanatiling nakayuko si Harsha nguni't pansin ko ang panginginig ng kanyang kamay.

"Are you done with her? Hindi ko akalaing ilalabas ko siya sa kulungan ng ganito katagal dahil lang sa inyo"

Namulsa ako. Pag-aari ko si Harsha, at kaya ko nga pinakiusapan si Taehyung ay para hindi siya makuha ng mga ito. I won't repeat my mistake fifty years ago.

"Yes, I am done. Yet, I noticed some of her bite wounds weren't healed. Is she sick or something?"

Napa-ismid ako. Sa tono niya ay nakahimig ako ng pag-aalala. Bakit naman magkakaroon ng malasakit ang isang Comptroller sa isang Tao? Malamang ay isa siyang baguhan.

"Why do you care? Let her go now. She needs to serve me later"

Sa wakas ay binitawan na din niya si Harsha at nakahinga ako ng maluwag. Maya-maya lang ay nakarinig ako ng yabag na papalapit sa amin at hindi na ako nabigla nang makita kong nanlaki din ang mga mata niya.

BLIND FOLD || P.JM || R18Where stories live. Discover now