PAHINA 14※

2.3K 66 35
                                    


ARRANGE MARRIAGE?

JIMIN'S POV

Nang lumabas ako ng Palikuran ay hindi ko na nadatnan si Harsha.

Bakit nga ba hindi ko magawang ituloy yung  plano ko? Tao lang naman siya at kaya ko nga siya binili ay para sa bagay na iyon at syempre dahil na rin sa kanyang dugo.

Hindi ko rin inasahan na bigla akong tatawagan ni Lord Anton, sa kalagitnaan pa ng ginagawa namin ni Harsha. 

Napailing nalang ako nang maalala ko yung kagabi. Yung malambot niyang labi at mainit na balat. Isama mo pa yung mabango niyang dugo at ang malambing niyang ungol.

Dinampot ko ang aking cellphone mula sa aking side table at mayro'n na pala akong natanggap na tatlong mensahe.

"We're on our way"

"I hope everything is well prepared there already"

"10 minutes"

Napabuntong hininga ako at agad na lumapit sa aking closet upang kumuha ng isusuot.

Matapos akong magbihis ay agad akong tumungo sa silid ni Yoongi. Kumatok muna ako nguni't hindi siya sumagot. Malamang ay tulog pa ito kaya napagpasyahan kong buksan na ang pinto. At tama nga ang hinala ko. Nakabaluktot pa siya sa ilalim ng kumot.

Nilapitan ko siya at humiga ako sa kama. Ginawa kong unan ang kanyang tiyan na naging dahilan upang maistorbo ko ang tulog niya.

"What the hell, J? Get out of my room!"

Hindi ako umalis sa pagkakaunan sa kanya. Itinutulak niya ang ulo ko palayo nguni't nagmatigas ako.

"Fatima is coming"

"The fuck I care!"

Bigla niyang sigaw at malakas na itinulak ang aking ulo at nagawa niyang tanggalin ang pagkakaunan ko sa kanyang tiyan. Wala na akong nagawa kaya bumangon na ako at naupo sa gilid ng kama niya. Nakatalukbong na siya ngayon ng kumot.

"She is with Lord Anton"

Biglaan siyang bumangon na animo'y nakarinig siya ng malakas na pagsabog. Nanlaki ang maliit niyang mga mata at napasabunot siya sa magulo pa niyang buhok.

"Bakit di mo sinabi agad? Damn it!"

Mabilis siyang umalis sa kama nang hindi manlang ako binabati. Sinundan ko siya ng tingin habang nagmamadali siyang papasok sana sa banyo.

"Wear your best. They are coming in 10 minutes. See you at the dining area"

Nilingon lang niya ako ng madali, tumalikod na muli at pumasok na sa banyo. Ganito talaga siya, undenial. Pero halata namang patay na patay kay Fatima.

Lumabas na ako ng silid ni Yoongi at naglakad naman patungo sa kwarto sana ni Hobi nang makita kong naglalakad Si Jin at sa likod niya ay si Harsha. Nakita kong huminto si Jin at may sinabi kay Harsha kaya ito ay yumuko.

Nakakatawa at alam kong nonsense dahil in time soon ay makikita niya rin how I looks like. Gusto ko lang ng adventure since She's innocent.

Lumapit ako sa kanila at sinulyapan ko muna ang nakayukong si Harsha bago ako nagsalita.

"The head of Tipolo Clan and His daughter are heading here. I already give orders to the kitchen servants but I want you to be there as our assistant"

"Yes, Lord J"

Tatalikod na sana ako nang maalala ko si Harsha. Hindi aware si Lord Anton na mayroon akong bagong alaga.

"One more thing. Keep her inside the room. I don't like to have any hitch later"

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon