Introduction

2.4K 122 7
                                    

May kakaibang saya ang makapulot ng pera sa lansangan. Lalo na't kung perang papel. Isandaang piso o kung susuwertihin, five hundred pesos. Dahil na rin sa kasabihang Finder's Keepers, ang swerte mo ay kamalasan ng iba. Well, ganyan ang buhay, 'di ba? Kung mabait ka, eh 'di isoli mo, o kaya'y ibigay sa namamalimos o sa simbahan. Pero, sa kalaunan ay mapupunta lang ito sa bulsa mo.

Paano naman kung barya? Piso o limang piso? Oo, pupulutin mo ito kapag wala namang masyadong tao sa paligid. Ito'y sa paniniwala na hindi ka makakabuo ng isandaan kung wala kang piso, hindi ba? Kundi ka tag-hirap, iisnabin mo naman ang biente singko, since phased out na din naman ang mga pulang public telephone booths.

Ang istorya ng Ang Pera ay lumalarawan sa karanasang ito. Istorya ng labing-isang taong gulang na batang si Boyet, na may kakaibang suwerte na madalas makapulot ng barya sa kalsada. Tungkol ito sa kanyang buhay, na sa mura niyang isip, siya'y dumaranas ng problema ng matatanda. Ito'y istorya ng pagkakaibigan, paghihiganti, karma at mga bagay na pagkakakuhanan ng mga aral.

*****

Copyright © 2018 All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.


Ang PeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon