Chapter 2: Ang Squatter

1.3K 95 9
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Boyet! Huy!"

Gustong niya sanang huwag na lamang pansinin ang tumatawag at kunwa'y hindi niya narinig, at paspasan ang lakad nguni't kung bakit pa kasi siya lumingon at tuloy ay nagkatinginan sila. Huminto sa paglalakad si Boyet at inantay na makalapit ang lalaking sinigaw ang pangalan niya.

Pauwi sa kanilang bahay ay wala siyang magagawa kundi mapadaan sa talyer kung saan nagtratrabaho ang nakatatanda niyang kapatid na si Pol. Limang taon ang agwat nila ng sinundan niyang kapatid. Diyes-sais anyos si Pol at tumigil sa pag-aaral para magmekaniko.

May kalakihan ang talyer dahil nakatirik ito sa bakanteng lote kung saan sa loob, nakaparada ang maraming mga sasakyan, karamihan ay lumang modelong oto. Ang iba'y tila hindi na nagawa at hinayaan na lamang ng may-ari na matambak, patunay sa mga gulong na flat at madumi at kinakalawang na mga kaha.

Gusgusin na si Pol sa kanyang sando at maong sa pagmemekaniko buong araw. Grasa sa kamay, sa braso at leeg na humalo na sa kanyang libag. Hawak niya ang basahan at liabe.

"Ba't ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap sa bahay," sita ni Pol.

"Bakit?" balik ni Boyet.

Kinutusan ni Pol ang kapatid.

"Aray!"

"Anong bakit? Magiigib ka pa ng tubig, ungas!

"Ba't hindi si Kuya Danilo? Me assignment pa ko eh," angal ni Boyet.

Tinawanan siya ng kapatid. Ang Kuya Danilo nilang pinakamatanda sa tatlong magkakapatid.

"Kala mo naman me mangyayari sa pag-aaral mo. Dapat nga tumigil ka na nang mamatay si nanay eh!" sabi ni Pol.

"Bayad na kaya tuition ko," simangot ni Boyet.

Tumabi sila para padaanin ang kotse na paparada sa talyer—isang 90s na Lancer. Pagkatapos ay dinuro ni Pol ang nakababata niyang kapatid, hawak ang liabe.

"Hoy, hanggang ngayong pasukan ka na lang. Pagkatapos, kelangan mo nang magtrabaho!"

"Gusto ko kaya makatapos," sabi ni Boyet. "Ayoko maging mekaniko lang tulad mo."

At siya'y nakutusang muli. Umaray si Boyet at hinimas ang ulo.

"Gago. Aasarin mo pa ko? Umuwi ka na nga!" galit na utos ni Pol at habang naglakad pabalik ng talyer ay may pahabol pa. "At sino naman nagsabi sa 'yong magmemekaniko ka?!"

Sinabi ni Pol iyon na may pagmamalaki.

Sumimangot si Boyet. Hawak ang masakit na batok ay nilisan niya ang talyer, at habang naglalakad ay lumingon pa siya para bigyan ng masamang tingin ang kanyang kuya na kasalukuyan nang kausap ang may-ari ng kotse na kakapasok pa lamang.

                                                                                #

Dumating si Boyet sa barung-barong nila—gawa sa simento't kahoy at may second floor na kuwartong tulugan. Ang bahay ay naka-puwesto malapit sa nakaparadang tumirik na 10-wheeler truck na malapit sa bodega na tila handa nang gumuho.

Ang PeraWhere stories live. Discover now