Chapter 7: Ang Lalaking Naka-Itim

1K 89 7
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Sabado. Walang pasok. Nakapambahay, dumaan si Boyet sa bahay ni Lolo Ando. Nagkakape sa harap ng bahay ang matanda habang nilalaro ang kanyang asong si Bantay. Maaga pa lang. Sa paligid, may ilang gising na sa kanilang barung-barong at nagkakape na rin. May isang lalaking lumabas ng bahay para magsipilyo sa harap hawak ang baso ng tubig na kanyang pangmumog. May ale naman na nagsasampay ng kanyang underwear sa bintana.

"Boyet!" tawag ni Ando sa bata.

Lumapit si Boyet.

"Sa'n punta mo?"

"Bibili ng pandesal, 'Lo."

"Mukhang busy ka a. 'Di ka na nagpupunta sa akin," sabi ni Lolo Ando.

"Medyo," taas balikat ni Boyet.

"Sa pag-aaral?"

"Medyo."

"Hindi na rin kita nakikitang nag-iigib," sabi ni Lolo Ando.

Ilang araw nang hindi dumaraan si Boyet kay Lolo Ando. At hindi na rin nakikita ng matanda na siya'y nag-iigib. Ng mga nagdaang araw napansin niyang laging nagmamadali ang bata papasok ng eskwela at gabi na kung umuwi. Nagaalala siya na baka may nangyayaring hindi maganda sa bata, pero mukhang wala naman pagka't kita pa niya na tila masigla ito...at parang lumulusog pa nga.

"Ah, si Kuya Danilo na po ang pinag-iigib ng tatay," sabi ni Boyet.

"Mabuti naman kung ganon!" bulalas ni Lolo Ando. "Aba'y dapat lang na siya ang mag-igib!"

"Oo nga po, 'Lo," tango na lang ni Boyet. "Ano 'yan, 'Lo?"

Kita ni Boyet na may hawak na bagay ang matanda. Hawak ni Lolo Ando ang kanyang lumang bank book.

"A ito? Nakita ko lang. Bank book ko dati," aniya

"Bank book?" hindi pamilyar si Boyet.

"Para sa banko. Nung me pera pa 'ko."

"'Di naman pera 'yan a," tingin ni Boyet.

Binuklat ni Lolo Ando ang bank book at ipinakita ang mga nakasaad doon. Mga numero.

"'Yung pera nasa banko," paliwanag ni Ando. "Gamit ko ito para i-withdraw o kunin 'yung pera. Maaari rin akong magdeposit, maglagay ng pera, para hindi ko mawala o manakaw. Tignan mo, ganyan kadami pera ko dati."

Tinignan ni Boyet ang nakasulat.

"P500?"

"P50,000," pag-korek ng matanda. "Nakahawak ka na ba ng ganyang kadaming pera?"

Ang PeraWhere stories live. Discover now