EIGHT

44.6K 600 16
                                    


"Can you pass me the steak dear?" Ani ni Ninang Susan sakin. Kinuha ko yung steak sa harap ko at inabot sakaniya.


"Here you go Ninang." 


"I told you to call me mama from now on." Hinawakan niya ang kamay ko at nginitian ako. Ngumiti ako sakaniya at tumango. "Okay mama." She smiled. 


We're having our dinner here at home. Pinalipat na ni mama (by the way very weird for me) ang ibang gamit ni Mark dito sa bahay dahil napag desisyunan na dito na lang siya tumira. 


"Hindi porket kasal na kayo ay papayagan ko kayong matulog sa iisang kwarto. I still treat Sarah as my baby and you guys are still in school so I'm setting ground rules here okay?" Ani daddy. "Mark still sleeps in the guest room okay?" Tinignan ni daddy si Mark. 


"No problem tito." 


* * * 


Kinabukasan ay back to normal na kami. Sabay kaming papasok ngayon sa school dahil iyon ang sinabi ni dad kagabi. Binalik na din ni mama ang sasakyan ni Mark. 


"Good mood ka ata?" Tanong ko sakaniya kasi napansin ko na naka ngiti siya. He nodded. 


"It's good to have my car back. I don't have to ask Khali or Vico to take me home anymore." It's my time to nod. I'm glad that he's in good mood kasi madalas para niyang pasan ang mundo eh laging nakasimangot.


Nang makarating kami sa school ay pumarada siya sa east wing kahit ang building nila ay nasa south side ng school. Kumunot ang noo ko at nilingon ko siya. 


"Bakit dito ka pa pumarada? Malayo 'to sa building niyo, you can drop me off naman sa likod ng Valencia Hall." 


"Give me your schedule." Parang hindi niya narinig yung sinabi ko kanina. Tinanggal ko ang seat belt ko para makaharap ng maayos sakaniya. 


"What?" 


"You heard me. Give me your sched." Wala na akong nagawa kaya kinuha ko yung id ko, sa likod ng id ko may dalawang naka print out na schedule ng klase ko buong sem. I hand him over the other one. Kinuha niya yon chineck niya saglit at nilagay din yon sa likod ng id niya. 


"It's already 9:15, Sarah. You're already late." Nanlaki ang mata ko at nag madaling lumabas ng sasakyan niya. Pag dating ko sa room ay napagalitan ako ng professor dahil na late ako ng fifteen minutes after kong sermonan dumerecho ako sa tabi ni Yumi. 


"Mukhang hindi na virgin ang best friend ko ah! Puyat ka girl?" Bungad sakin ni Yumi. Tinakpan ko kagad ang bibig niya dahil baka may maka rinig sakaniya. 


"Pwede ba Yumi yung bunganga mo please lang." Nanlaki ang mata niya at tinignan ang kamay ko kung san nakasuot ang wedding ring namin ni Mark. Hinawakan niya 'yon at hinimashimas.


"Mukhang mamahalin ang singsing mo, sana mahal ka din ng nag suot." She teased. Umirap ako. 

My Husband is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon