TEN

49.5K 636 58
                                    


Nakakabingi ang katahimikan dito sa sasakyan. Tanging ang aircon lang ng sasakyan ang naririnig ko, hindi na rin ako nag abala pang mag pa-tugtog. Pa minsan minsan ay nililingon ko siya pero natatakot ang mag salita dahil sobrang seryoso ng itsura niya. Nang makarating kami sa bahay, mabilis siyang bumaba ng sasakyan at naabutan ko siya sa may pinto ng bahay. 


"Mark.." 


"Good night." Yun lang ang sinabi niya at tuluyan ng nawala sa paningin ko. 


* * *


Nakahiga na ako sa kama ko ngayon pero hindi pa din ako makatulog. Feeling ko ay hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman kung sino ba talaga si Tania- 


Napabalikwas ako sa higaan ko dahil may naalala ako. Kinuha ko ang phone ko sa side table at pumunta sa facebook, sinearch ko yung Harrold Dela Cruz  nakita ko ang bio niya at may letter 'T' don katulad nung huli ko iyong nakita. Kagad kong chinat si Khali. 


Sarah Naomi Cueno

Khali

Khali De Costa

Hey

Sarah Naomi Cueno

May kilala ka bang Tania? 

Khali De Costa

Doesn't ring a bell. Why? 

Sarah Naomi Cueno

Nothing. Thank you! :) good night 

Khali De Costa

What's up? 


Pero hindi na ako nag reply. Hindi ako makakatulog ngayong gabi hangga't hindi mapayapa ang damdamin ko, hangga't hindi ko nalalaman sino si Tania. Gusto ko siyang hanapin sa friends ni Mark sa facebook pero naka hide ang mga ito. Gusto ko din siyang i-search sa facebook pero hindi ko naman alam kung ano ang apilido nito. 


I gave up on facebook and went to instagram dahil dito ay mag ka follow-an kami ni Mark. I searched for his username markdcl. Nang makarating ako sa profile niya, napangiti ako dahil ang profile picture nito ay pusang naka sumbrero, nagulat din ako ng makita ang list of followers niya, it's 120k! Ano ba siya influencer? Pero hindi ko naman maipag kakaila na may itsura talaga si Mark. Mapag kakamalan mo nga siya na model ng Calvin Klein na brand. 


At dahil wala naman siyang post sa instagram niya, pumunta ako sa mga fina-follow niya and started typing Tania ngunit walang lumabas. Napapikit ako ng mariin. I gave up! Alam kong wala akong mapapala sa ginagawa ko ngayon, wala akong masyadong impormation na alam bukod sa Tania ang pangalan niya at mukha siyang Victoria Secret model. 


* * * 


The next day, afternoon, I decided to go out. Buong umaga ako naka kulong sa kwarto ko dahil ayaw kong makita si Mark. Anong drama ko? Wala lang. I just don't feel like I want to see him yet, lalo na ngayon na maraming bumabagabag sa isip ko. 

My Husband is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon