FOURTEEN

41.7K 461 31
                                    


"Can someone tell me what the hell happened!?" 


Maingay. May nag sisigawan. Dinilat ko ang mata ko at una kong nakita ay ang bintana, napapikit ako ng mariin dahil sa sikat ng araw. Napahawak ako sa ulo ko dahil kumikirot ito. Pinilit kong maupo dahil may naririnig akong sumisigaw at alam kong boses ni Yumi yun. Nakabukas kasi ang pinto ng kwarto kaya rinig na rinig ko ang sigaw niya mula sa labas. 


"Sasabihin niyo sakin o bibigwasan ko kayo pare-pareho?" 


Pinilit kong tumayo sa higaan para mapuntahan si Yumi. Pag labas ko, nakita ko na bukas din ang pintuan nila Reiji, pag punta ko doon ay nagulat ako na nandun silang lahat at mukhang kakagising lang din at mukhang nagulat din sila ng makita ako. 


"I told you to keep your voice down. See, you woke her up," Turo sakin ni Khali at ginulo niya ang buhok niya dahil mukhang nafu-frustrate na siya kay Yumi. 


"Anong nangyayari? Bakit umagang umaga nag sisigawan kayo?" Pero walang nag salita. Tinignan ko si Yumi, naiiyak siya sa galit. Lumapit ako sakaniya pero hinawi niya ang kamay ko at mabilis na lumabas ng kwarto. 


"Yumi!" Nagulat ako sa nangyari at napatingin sakanilang lahat na nakatingin lang sakin. "Ano bang nangyayari?" Tanong ko sakanila. Umalis si Vico sa gilid ng kama. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Reiji na nakahiga na maga ang kanang mata at may sugat sa labi. 


"Oh my God, Reiji!" Lumapit ako sakaniya. Dinilat niya ang kaliwang mata niya dahil hindi niya madilat ang kanang mata niya dahil namamaga ito. "What happened to you?" Ngumiti lang siya sakin at umiling. Nilingon ko sila Vico. "Anong nangyari kagabi? Wala na akong maalala." 


"You passed out," Khali said. "And your friend too." Sumasakit ang ulo ko habang pilit kong inaalala ang nangyari. 


"Bakit siya nag ka ganito?" Tanong ko. Jude sighed. 


"Kasi nga.." He started. 


*Flashback 10 hours ago* 


"Cheers para sa mga pusong sawi!" 


"Para sa mga lintik na ex na pilit pang bumabalik!" 


"At sa mga fin-riend zone!" 


"Cheers para sa.. basta cheers!" 


After kumanta ni Reiji, umorder na sila ng mga alak. Anim lang sila sa table pero yung alak na inorder nila ay pang kinse ka tao. Malakas kasi uminom si Khali, Jude at Vico, hindi sila basta basta nalalasing isama mo pa si Yumi na vitamins ang alak. Wala nagawa si Sarah kundi inumin lahat ng inaabot sakaniya. 


Maya maya ay nakaramdam na si Sarah ng hilo dahil sa mga iniinom. 


"Teka lang nahihilo na ako,"  Ani ni Sarah habang binabalik kay Yumi yung kakabukas lang na beer. 


My Husband is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon