FIFTEEN

35.8K 424 39
                                    


"Khali did what?" 


"It's Khali who hit him, Snow. Not me." 


"Why would he do that?" 


"Hindi ko na matandaan kung ano yung nangyari dahil masyadong malakas ang pag kakasuntok ng asawa mo sakin feeling ko namanhid yung mukha at utak ko," May action pa siya na ginawa kaya medyo natawa ako sakaniya. Napapikit ako at napahawak sa mukha ko. 


"Ano bang nangyayari..." 


"Huwag ka na nga mag isip ng kung ano diyan! Halika na, mag ayos na tayo para madami tayong magawang activities." 


"Pero kasi-" 


"Ice cream later? My treat." Binaba ko yung kamay ko sa mukha ko at tinignan ko siya. Tumawa siya. "Such a kid." Inakbayan niya ako at nag simula na kaming mag lakad pabalik sa hotel. 


* * * 


Nag pahinga kami ng two hours sa hotel bago kami nag ayos. Pinatulog muna namin si Mark para may lakas siya makasama samin mamaya. Mukha namang okay lang kay Reiji na makasama ulit si Mark, hindi siya yung tipo ng tao na marunong mag tanim ng sama ng loob. Si Mark? Hindi ko sure, feeling ko kasi pinag lihi yung isa na yun sa sama ng loob eh. 


Nang mag hapon na, kinatok ni Yumi ang kwarto ng boys para makapag ayos na sila. Siya muna ang naunang naligo, nang makalabas siya sa banyo naka bihis na siya. After niya ako naman ang pumasok para maligo at mag bihis. Parehas kami ng susuotin ni Yumi, one piece long sleeves rash guard, kulay dark green yung sakaniya at may designs na leaves, sakin plain black lang na may zipper sa harap. Nang makita ni Yumi na nakataas yung zipper ng rash guard ko, binaba niya 'yon ng konti para lumabas yung cleavage ko. Muntik pa kami mag talo dahil pilit kong tinataas yung zipper, pilit naman niya yun na binababa. 


Nag sunscreen kami sa mukha at binti atsaka lumabas. Pag labas namin ay nakita na namin ang mga boys na naka ready na, may dala si Vico na dalawang camera, nalaman din namin kagabi na mahilig siyang mag picture at may collections siya ng mga camera. Lahat sila ay naka beach shorts at mga naka sando. Nandun na din si Mark, mukhang okay na siya dahil kahit papano ay nakatulog na siya. 


Nang makita nila kami, sumipol kagad si Jude. 


"Talaga nga namang not bad for Satan's Mistress," Ani niya habang naka tingin kay Yumi. 


"Alam mo ikaw, huwag ka talagang lalapit sakin mamaya, lulunurin kitang hayop ka," 


"'Yan gusto ko eh, mga sisiran na ganiyan. Hilig ko talaga ang sumisid." Ngumiti si Jude ng makahulugan. Tumawa ang mga lalaki sa sinabi niya, maya maya namula ang mukha ni Yumi hinampas niya sa braso si Jude atsaka ako hinatak para makaalis sa harap nila. Hala bakit siya namumula? Hanggang makasakay kami sa elevator, namumula pa din siya. 


"Pikon." 


"Manyak." 

My Husband is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon