SIXTEEN

36.7K 414 13
                                    

Don't forget to vote and comment.

__________________________________________


We made our remaining hours here at the beach as memorable as possible. Wala munang nag aaway (except kay Yumi and Jude), walang selosan, walang samaan ng loob. Mark and Reiji aren't talking but I think they're both okay na. Yung pasa at sugat sa mukha ni Reiji medyo gumagaling na dahil umiinom siya ng gamot, ganun din kay Mark. 


Today is our last day. Nag aayos na kami ng gamit ni Yumi.


"Ahh, back to reality nanaman bukas!" She pouted. 


"Ganun talaga," 


"Pero okay lang atleast makikita ko na yung mga crush ko. Namimiss ko na sila."


"Hindi ka nila namimiss," Biglang may nag salita sa pintuan. Si Jude 'yon, kasama si Vico at Reiji na pareho nang naka bihis at mukhang tapos na mag ayos ng gamit. 


"Sus, selos ka lang, eh." Ani ni Yumi sakaniya. Exaggerated na tumawa si Jude atsaka umirap at kunwaring naduduwal. 


"Tama na nga 'yan. Bilisan niyo na ang pag aayos para makaalis na tayo, baka maabuan pa tayo ng traffic." Ani ni Vico at saka umalis. 


"Need help with that, Snow?" Lumapit sakin si Reiji at tinuro ang bag ko. Umiling ako sakaniya at ngumiti. 


"I can handle it, Rei. Thank you." He shrugged and nodded. 


"Oh, etong sakin na lang bitbitin mo," Binigay ni Yumi ang bag niya sa kambal niya at derechong lumabas sa pinto. "Harang harang ka diyan." Sadya pa niyang binunggo ang balikat ni Jude dahil nandun pa din ito sa pinto.


Kinuha ko ang gamit ko at sumunod na kay Yumi. Nasa likod ko si Reiji at nakita ko na inabot niya ang gamit ni Yumi kay Jude. 


"Ikaw na mag bitbit bro. Inisin mo lang lalo," Ani ni Reiji. Tumawa si Jude at nakipag fist bump kay Reiji. Umirap ako sakanilang dalawa at umiling. Habang nag lalakad ako papunta sa elevator, saktong lumabas si Mark mula sa kwarto nila. Huminto ako sa harap niya at binati siya.


"Good morning," I greeted him. "All set?" 


"Yup. You?" Nginitian niya ako at tinignan niya yung bag sa balikat ko. Hinawakan niya yung strap para siya ang mag buhat ng bag ko. "No, it's okay." 

My Husband is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon