Chapter One: Sorry

4.5K 108 106
                                    

"PUTANG INA MO ZION!!!!  Hindi ko akalaing magagawa mo din sakin ito!" malutong na murang pinakawalan ni Luke sa pagmumukha ko.

Matalik na kaibigan ko si Luke. Sa walong magtotropa ay siya ang pinaka close ko. Kung tutuusin bestfriends nga yata kami eh.

Kilala kasi ako sa magtotropa na manunulot ng girlfriend. At oo, hindi nakawala si Luke sa kagaguhan ko.

Hindi ko naman din kasi kasalanan na lumalapit sa akin ang mga girlfriends or nililigawan nila. Syempre mahina ako sa tukso kaya sinusunggaban ko. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ako.

Yung iba sa mga tropa ko ay nasanay na sila sa ugali ko. Yun nga lang sa tuwing mag gi-girlfriend sila or sa tuwing may nililigawan sila ay hindi na nila ipinapakilala sa akin. Takot sila na masulutan din ng jowa. Apat na sila sa tropa ang naagawan ko ng girlfriend. At alam kong wala na silang tiwala sa akin at alam ko din na madalas nila akong pag-usapan.

Pero si Luke lang ang alam kong maaasahan ko at kalianman ay hindi ako pinagkanulo. Siya ang nagtatanggol sa akin sa tuwing pinag-uusapan ako ng mga tropa.

Naiinis man ako sa sarili ko dahil nagawa ko din kay Luke yun, kaso nangyari na eh. Alam ko hindi niya na ako mapapatawad o kung mapatawad man ay hindi na siya magtitiwala sa akin.

"Brad, sorry. Hindi ko sinasadya. Nadala lang..." naputol kong paliwanag.

"Puntang ina brad. Nagpapaliwanag ka pa! Antindi din ng mukha mo no?!!"

Malakas na sigaw niya. Pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante.

"Sorry na brad!." Seryoso ako na humihingi ng tawad. Ayoko magalit siya sa akin ng tuluyan at hindi na kausapin pa.

Si Luke lang ang napagsasabihan ko ng mga sikreto at siya lang ang naaasahan ko. Nagagalit ako sa sarili ko dahil nagawa ko din sa kanya yun. Kaso huli na ang lahat, nadala na ako ng tukso. Nanganganib na ang pagkakaibigan namin.

Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya sa galit.

Bigla siyang nagpakawala ng isang malakas na suntok sa mukha ko na sanhi ng pagkaka out of balance ko. Tuluyan na akong natumba sa sahig habang hawak ang masakit kong panga. Napansin ko ding dumugo ang gilid ng labi ko dahil sa lakas nang pagkakasuntok niya sa akin.

Narinig ko ding nagsisigawan ang mga babaeng estudyante dahil sa nasaksihan nila. Lunch time 'yon at nasa karendirya kami, kasama ang iba pa naming tropa.

Inawat ni Marco si Luke dahil balak pa ng huli na sundan ang naunang suntok niya sa akin.

Galit na galit ang itsura ni Luke. Hindi ko siya matagalang tingnan dahil sa pagkaka konsensiya ko. Hindi ko dapat ginawa sa kanya yun.

"Huwag na huwag mong ipapakita sa akin yang pagmumukha mong traydor ka!!! Dudurugin ko yan, PUTANG-INA KA!" sabay talikod at naglakad nang mabilis palayo. Nasiko niya pa si Marco para makaalpas sa pag-aawat nito sa kanya.

Nilapitan naman ako ni Jerome. Kagaya ni Marco ay tropa din namin si Jerome.

Inalalayan ako ni Jerome na makatayo.

"Brad, kung sa akin ay pinalagpas kita dahil sa panunulot mo ng nililigawan ko. Aba! ibahin mo si Luke. Itinuring ka na nun na parang kapatid tapos nagawa mo pa sa kanya yun." Paninermon ni Jerome.

"Putang ina mo naman kasi brad! Bakit ka ba kasi ganyan? Ako nga ay hindi mo din pinalagpas na agawan ng girlfriend. Masisira ang pagtotropa natin sa pinaggagawa mo... Mahiya ka naman brad!" segunda ni Marco.

"Tang-ina kung wala ka lang pakinabang sa tropa ay baka matagal ka na naming itinakwil." Sabat ni JC na isa din sa tropa namin.

Ako kasi ang source nila ng sagot sa tuwing may exam. Sira ulo akong tao pero pag dating sa academics ay hindi naman ako nagpapabaya. Hindi naman sa pagmamayabang, pero madali kasing pumasok sa isip ko ang bawat lessons na itinuturo ng mga professors. Madaling ma analyze ng utak ko kaya hindi ako nahihirapan sa mga exams. At yun na nga, ako ang kopyahan nila at source ng sagot sa tuwing may homework. Ako din ang pambato nila sa tuwing may group activities. Kaya malaking pasasalamat na rin nila at nakitropa ako sa kanila dahil doon. Hindi naman kasi ako madamot sa sagot.

Brad Mahal Kita Matagal Na Where stories live. Discover now