Chapter Nine: Be Mine

1.7K 99 239
                                    

Matapos nilang mananghalian ay nagyaya si Zion na pumanik ng kwarto. Upang ihanda ang damit na susuutin niya para sa play nila bukas.

"Tulungan mo akong mamili dito."

Tawag pansin niya kay Luke na noon ay nakaupo sa sofa at naglalaro ng cellphone.

"Ikaw na, kaya mo na yan. Tapusin ko lang tong isang game."  Wika nito habang tutok na tutok ang mga mata sa cellphone.

"Mamaya ka na maglaro." Diing sabi ni Zion.

Nasa harapan siya ng kabinet niya, isa-isang tiningnan ang mga damit na nakasampay roon.

"Wag kang magulo.!..shit!! Shit!! Fuck!!" Malulutong nitong mura na tutok na tutok pa rin sa nilalaro. Lamang kasi ang kalaban nila..

Napatingin si Zion kay Luke.

"Ah puta!! Pinagtulungan ako.. ang ingay mo kasi, namatay tuloy ako.!" Paninisi nito kay Zion dahil sa pagkamatay niya sa laro.

Aburido ang mukha nito.

"Maya ka na. Tutulungan kita. Tapusin ko lang tong isang game." Sabay balik tingin sa nilalaro.

Napailing nalang si Zion at ibinalik ang tingin sa ginagawa.

Hindi niya talaga malaman kung ano ang susuutin. Kailangan niya ng opinion ni Luke. Kaya iniwan niya muna ang ginagawa at nagtungo sa kama at padapang ibinagsak ang katawan. Nag-browse nalang  siya ng facebook sa phone habang hinihintay matapos si Luke.

Mayamaya ay natapos din si Luke sa nilalaro. Mukhang talo ang team nila dahil nakabusangot ito. Tumayo at nagtungo sa kinaroroonan ni Zion.

"Halika na, tulungan na kita." Pagtawag nito kay Zion.

"Teka brad, mayamaya. Maaga pa naman." Wika ni Zion na abala sa pagba-browse ng cellphone.

Napatingin si Luke sa wallclock na nakasabit doon. Ala-una y media palang.

Iginala nalang muna ni Luke ang paningin sa kwarto ni Zion.

Napadako ang tingin niya sa bookshelves na nakalagay dalawang metro mula sa kama ni Zion. Katabi lang din ito ng computer table.

Lumapit siya doon at tiningnan ang mga nakalagay roon. Isa't kalahating metro ang lapad nito. Halatang mamahalin dahil sa uri at texture ng kahoy na ginamit para mabuo ito.

Sa dalawang shelves sa ibabaw ay may mga nakaayos na encyclopedia. Tingin niya, nilagay lang ito roon bilang display, mukha kasing hindi pa nagagamit.

Sa pangatlong shelf naman ay may mga collection ng Justice League superheroes. May maliliit, malalaki at may mga nasa kahon pa. Organisado itong nakasalansan.

Napangiti si Luke. May collection din kasi siya nito sa bahay nila. Katunayan nga tatlong school bags niya ay may disenyo ng Justice League.

"Mahilig ka rin pala mangoleksyon ng Justice League?. Astig!" Nakangiti niyang tanong kay Zion. Nakatuon pa rin ang pansin niya sa collection.

Agad namang bumangon si Zion at lumapit sa kanya. Tila excited na inabot ang isa sa mga nakakahong super heroes. Pagkakuha ay nagsalita ito.

"Tingnan mo tong isang to." Excited na sabi ni Zion habang dahan-dahang inilabas sa kahon ang super hero.

Nang mailabas niya na ay inabot ito kay Luke na noon ay busy sa kakatingin ng collection.

Napatingin naman si Luke sa bagay na inabot sa kanya at dali niya itong inabot.

Nanlaki ang mata ni Luke sa pagkabigla.

Pigura ito ni superman na may sukat na four inches. Maganda ang pagkakagawa nito at mukhang mamahalin.

Brad Mahal Kita Matagal Na Where stories live. Discover now