Chapter Eight: It's Babe Time

1.7K 116 99
                                    


Sa pinakalikurang bahagi ng bus sila nakaupo.  Pangtatluhang upuan ang napwestuhan nila. Sa tabi ng bintana si Zion at sa tabi naman ng aisle si Luke. Gustuhin man ni Zion na magtabi sila, ngunit sadyang napaka-ilap nitong si Luke na sinadyang maglaan ng espasyo sa pagitan nila.

Halos mapuno na ang loob, tatlong upuan nalang ang bakante, saka ito lumarga.

Hindi naman nagtagal ay muling huminto ang bus upang magsakay ng nag-aabang na pasahero.

Tatlong tao ang pumasok. Ang isa ay sumulyap sa gawi nila. Matangkad ito, maputi at may itsura. Ngunit mapapansin mong may pagkamalamya ang kilos. O tinatawag sa panahon ngayon na 'Paminta'

Napansin ni Zion ang mga tingin nito na animo'y gustong lapain ng buhay ang baby Luke niya. Kaya hindi siya mapakali.

Nang makalapit na ito sa kinaroroonan nila ay isiniksik ang sarili upang pumwesto sa gitna nila.

Maagap naman itong si Zion kaya pinigilan niya itong tuluyang makaupo. Pwersahang hinatak ang braso ni Luke at sumenyas dito na umurong sa tabi niya.

"Aray!" Angal ni Luke.

"May uupo, umurong ka dito." mahina pero puno ng otoridad ang boses ni Zion.

Tumingin muna si Luke sa taong nasa harapan niya. Saka muling binaling ang tingin kay Zion.

"Pwede naman siya sa gitna ah." Pagrereklamo ni Luke.

"Hindi ka uurong?." Sabi niya na may seryosong mukha.

Hindi pa man nakasagot si Luke ay ubod ng pwersa siyang hinatak ni Zion at nagtagumpay naman ang huli sa gusto nitong gawin.

Napamura nalang sa isip itong si Luke at inayos ang sarili. Kunot noo at pakibotkibot ang bibig na wala namang boses na lumalabas.

Saka marahan na pumuwesto ang ground black pepper.

Sa biyahe ay payapang nakasandal si Luke na nakapikit ang mata. Habang si Zion naman ay hindi maipinta ang mukha sa tuwing nakikita niyang sumusulyap ng may pagnanasa kay Luke ang katabi nito.

Sa tuwing magsasalubong ang tingin nila ay tinitingnan niya ito ng masama. Titigil sa ginagawang pag sulyap ngunit maya-maya rin ay susulyap ulit.

Hindi matagalan ni Zion ang ganoong sitwasyon. Kaya ginising niya si Luke.

"Brad..brad." Tinapik niya ito sa hita.

Nagmulat naman ng mata si Luke.

"Bakit?" Tamad na sagot nito.

"Palit tayo ng pwesto."

"Bakit?"

Hindi agad nakaimik si Zion at bahagyang napaisip.

"Ah.. kasi nangangalay na ata ako dito sa pwesto ko."

Nagtataka man ay sumunod nalang si Luke dahil sa antok.

Tuluyang nakalipat si Luke at isinandal ang ulo sa may gilid ng bintana.

Bago pa man umupo si Zion. Tinapunan niya ng nagbabantang tingin ang ground black pepper. Nakuha naman agad nito ang mensahe niya kaya tumigil ito sa ginagawang pagsulyap kay Luke.

Nakahinga ng maluwag si Zion.

Maya't maya niya sinusulyapan si Luke. Hindi niya mapigilang mapangiti. Napakagaan ng pakiramdam niya kapag kasama si Luke. Lalo ngayon, nakikita niyang mahimbing na natutulog.

Kinuha niya ang cellphone sa bag upang kuhanan ng picture ang natutulog na si Luke. Hindi niya maiwasan ang mangiti habang ginagawa yun.

Maya-maya'y nilagyan niya na ng earphone ang magkabilaang tainga. Kinalikot ang spotify at nagpatutog.

Brad Mahal Kita Matagal Na Où les histoires vivent. Découvrez maintenant