Chapter Eleven: Superman

1.5K 94 50
                                    

Luke's POV

Bata palang ako, sobrang baba na ang tingin ko sa sarili.

Namatay kasi si Mommy dahil sa panganganak sa akin. Dalawa lang kaming magkapatid ni Kuya at anim na taon ang agwat niya sa akin.

Dahil sa hindi matanggap ni Kuya ang pagkamatay ni Mommy, sa akin niya ibinaling ang galit at sisi. Hanggang kinalakihan ko na yon.

Malaki din ang epekto ng pagkawala ni Mommy kay Daddy, dahil mula raw nang mamatay ito. Napapadalas na rin ang kanyang pag inom. Nagkaisip na nga lng ako pero parang hangin lang ang turing niya sa akin.

Masama ang loob ko kay Kuya Jared. Dahil sa kanya ay lumaki ako ng puno ng takot, mahina. Araw-araw niyang ipinamumukha sakin na kasalanan ko kung bakit namatay si Mommy. Itinanim niya sa isip ko na wala akong kwenta at sana hindi nalang ako nabuhay.

Music lang ang tanging sandalan ko sa tuwing nalulungkot ako.

Binubully rin ako sa school mula kinder hanggang tumuntong ako ng first year highschool. Kulang kasi ako sa self-esteem at hindi ako marunong mag-ayos ng sarili.

Payat.

Lampa.

Weirdo.

Noong una siyempre umiiyak nalang ako sa gilid dahil wala namang ibang nagtatanggol sa akin, kundi sarili ko lang.

Siyempre hindi ko maaasahan si Kuya. Si Daddy naman parang hangin lang ako kung ituring. Si Lola naman, mas paborito niya si kuya.

Pero nakasanayan ko na rin.

Hanggang sa tumuntong ako sa highschool, na siya namang naging dahilan at simula kung bakit nagbago na ang buhay ko.

"WAG KANG PAKALAT-KALAT DITO, HINDI KA NABABAGAY DITO!!"

Sigaw nung isang leader ng mga kabataang nambubugbog sa akin. Patuloy sila sa pagsipa, dura at suntok sa payat kong katawan. Ginawa kong pangtakip sa mukha ang schoolbag na dala ko.

Schoolbag na may design na superman.

Nakakatawa lang, superman ang design pero wala naman akong magawa para ipagtanggol ang sarili ko.

Eh di iyak nalang ako.

Mayamaya'y naramdaman ko nalang na tumigil na ang pananakit nila sa akin.

Nagulat nalang ako nang makita kong nakabulgata na ang leader ng mga bullies. Habang yung iba ay nagsitakbuhan.

Isang binatilyo na tantiya ko ay kaedaran ko lang din. Pero mukhang matibay ito at sanay sa suntukan. Siya ang tumulong sa akin.

Dahan dahan akong umupo mula sa pagkakahiga at nagtinginan kami.

"Tumayo ka diyan! Wag ka kasing lalampa-lampa!" Galit niyang sabi saka mabilis na umalis.

Hindi ko man lang nakuhang magpasalamat.

Sa mahabang panahon noon lang ako nakaramdam na may nagtanggol sa akin.

Mula noon ay palihim ko siyang sinusundan. Humanga kasi ako sa katapangan niya. Kahit na magaspang ang ugali niya. Alam ko at ramdam kong mabait siya.

Di rin nagtagal ay nalaman ko ang pangalan niya.

Siya si Zion.

Naging malaking impact sa buhay ko ang pagtulong niya sa akin. Naging inspirasyon at motivation ko siya para baguhin ang sarili.

Balang araw ay magiging kasing tapang niya rin ako. Yan ang pinangako ko sa sarili ko.

Nagawa ko pa ngang halos araw araw siyang sundan, hanggang sa matunton ko ang bahay nila. Hindi naman ito kalayuan sa bahay namin sa Bulacan.

Brad Mahal Kita Matagal Na Where stories live. Discover now