Chapter Thirteen: Sorrow

1.6K 104 99
                                    

****
Even with our fists held high
It never would have worked out right
We were never meant for do or die

It started with the perfect kiss then
We could feel the poison set in
"Perfect" couldn't keep this love alive

You know that I love you so
I love you enough to let you go

(Already gone -Sleeping at Last version)
****

Kahit papaano ay nahimasmasan ako sa maaligamgam na tubig na dumaloy sa buong katawan ko.

Kasalukuyang nakatukod ang dalawang kamay ko sa ibabaw ng lababo sa loob ng banyo. Habang pinagmamasdan ko ang repleksiyon ng isang tao sa salamin.

Yung taong buong buhay ay inaakala kong matapang at walang inuurungang laban.

Sa isang iglap, nagbago ang paniniwala ko sa taong yun.

Siya rin ang mismong nanakit sa pinakamamahal niya. Sa pinakamamahal niyang walang ibang ginusto kundi ang mahalin siya ng buong puso na walang hinihintay na kapalit.

Bakit ba nagagawa nating saktan ang ating pinakamamahal?

Pinagmasdan ko siya nang may hinanakit at galit.

Galit ako sa sarili ko sa ilang beses na kagaguhan at pananakit na nagawa ko kay Luke. Galit na galit ako sa kaduwang ginawa ko.

Sinayang ko ang pagkakataong maamin sa kanya ang nararamdaman ko. Sa halip ay nagmistulang baldadong nakikinig sa hinaing niya.

Unti-unting tumulo ang mga luhang dulot ng pinaghalu-halong nararamdaman.

"GAGO KA ZION!!!" Kasabay ng suntok na dumapo sa salamin.

Nabasag ito.

Hindi ako na kuntento. Sinundan ko pa ito ng suntok.

"DUWAG KA!! GAGO KA!!"

Pangalawa at nahinto sa pangatlong suntok.

Natauhan nalang ako nang nakaramdam na ako ng hapdi at kirot sa kamay kong pinansuntok ko sa salamin.

Dumudugo ito.

Wasak na wasak ang salamin.

Mahapdi at kumikirot ang kamay, ngunit mas nanaig ang sakit na nararamdaman ng puso ko.

Sinabunutan ko ang sarili gamit ang dalawang palad at nauwi rin sa pagtakip nito sa mukha ko.

Umatras ako at napasandal sa pinto.

Nanginginig ang katawang unti-unting dumausdos pababa. Hangang sa tuluyang makaupo habang nanatiling nakasandal sa pinto ng banyo.

"Napakagago ko! Napakagago ko!"

Kasabay ang mga luha at hagulgol.

Nanariwa sa isipan ko ang nangyari kanina.

Hindi ko makalimutan ang mukha niyang puno ng paghihinagpis.

Hindi mawala sa isip ko ang bawat salita, hagulgol at hikbi niya.

Ang totoo niyan, noong mga oras na yun ay hindi ko maintindihan ang halu-halong nararamdaman ko. Nahirapang iproseso ng utak ko ang mga nangyayari.

Ang pagkagulat dahil sa katotohanang narinig. Ang galit sa sarili dahil nagawa ko siyang saktan at insultuhin. Pagkakonsensiya dahil nagawa niya pa mismong humingi ng tawad dahil sa pagmamahal niya sa akin. Na kung tutuusin ay hinihiling ko naman ito.

Brad Mahal Kita Matagal Na Where stories live. Discover now