Chapter Fourteen: Ray of Hope

1.6K 94 97
                                    

Zion

"Get in! It's open!" May kalakasang sigaw ko sa kumatok sa kabilang panig ng pinto.

Si Leah, from procurement department.

"Sir Zi, may problem po tayo." Mediyo uneasy niyang bungad sa akin. May hawak siyang mga papel.

"What is it?" Wika ko na hindi tumitingin sa kanya habang abala sa pagbubuklat at pagpipirma ng mga papers na kailangan ng approval from my end.

"I got a call from one of our suppliers, hindi daw nila ma-provide ng kumpleto ang inorder nating mangoes from them."

"Meron tayong contract sa kanila, kelangan nilang iprovide ang kailangan natin. Alam nila yan." Walang kabuhay-buhay kong sabi. Tutok sa ginagawa.

"Sinubukan na rin po nilang maghagilap sa ibang farm pero wala daw po talaga. Kaya naman po nilang i-provide ang order natin, kaso hindi nila kayang ibigay lahat on time."

Hindi ko pwedeng ilagay sa alanganin ang time frame ng production kung hihintayin ko pang makapag provide sila sa walang tiyak na panahon. Kailangan din namin makapag-provide on time sa mga sinusuplayan namin. Or else maaapektuhan ang reputasyon ng company.

Kung ipagdidikdikan ko ang nakasaad sa kontrata sa pagitan ng dalawang kumpanya, siguradong madedehado kami sa oras.

"Then, subukan niyo yung ibang suppliers natin baka may magawa silang way na ma-cover ang kulang natin." Abala pa rin ako.

"Sir, We've tried na po."

Naipaliwanag niyang mababa daw ang production ng mangga sa buwan na ito dahil sa weather at sa tumataas na demand.

Tiningnan ko siya ng pailalim.

"May back-up plan na ba kayo?" Mahinahon kong tanong

Malaki ang tiwala ko sa kanila at hindi sila basta-basta lumalapit sa akin kung kaya nilang gawan ng paraan. Kaya nahinuha kong kailangan talaga nila ako.

"Yes po, kaya lang sir wala na kaming mahanap na supplier ng mangga na katulad ng ginagamit natin sa production. May nakita kaming farm na nag susuplay ng organic mangoes."

"Organic?" Tanong ko.

Pwede rin naman kaming gumamit ng organic na mangga para sa production, name-maintain naman kasi ng production team ang tamang timpla ng products namin. Kaya lang, kung organic ang gagamitin namin ay di hamak na mas mahal ito kesa sa usual.

Hindi naman sa hindi kakayanin ng kumpanya ang kumuha ng organic, for me kasi hanggat makaka less ako sa expenses, na hindi na ko-compromise ang quality ng products namin ay mas pipiliin ko yun.

Business is business, ika nga. Less expenses, more profit.

Hindi lang naman kasi isa or dalawang kilo ng mangga ang kailangan. Tonelada.

Alanganin siyang tumango.

"Wala na bang ibang way?" Paninigurado ko.

"Sinubukan na po namin ang lahat sir, wala na po talaga."

Pasinghap akong sumandal sa kinauupuan. Nag-isip.

"Patingin ng quotation."

Inabot niya sa akin ang hawak na papel. Pinasadahan ko ito ng tingin. Di hamak nga na mas mahal ito.

"Anong sabi ng supplier natin? Hanggang kailan daw sila hindi makakapag provide ng tamang orders?" Ani ko.

"This month lang naman daw po sir."

Napabuntong-hininga ako.

Sa tingin ko kailangan ko nang i-grab ito. Tutal itong buwan lang naman. Hindi naman siguro malaking kawalan, kesa ang mabawasan kami ng kliyente dahil hindi namin kayang iprovide ang kailangan nila.

Brad Mahal Kita Matagal Na Where stories live. Discover now