Chapter Three: Something About The Kiss

2.1K 73 46
                                    

'BWISIIIT!! Ano ba ang pumasok sa isip ko at nagawa ko yun?' Sigaw ng utak ko.

Mukhang napalala ko pa ang sitwasyon. Ano nalang ang mukhang ihaharap ko kay Luke.

Binalikan ko sa isip ko ang mga nangyari.

Pinagbuksan niya ako ng pinto, nakita ko ang itsura niya, naawa ako, yumakap ako sa kanya at... at... hinalikan ko siya???

'NAMO ZION! Bakla ka ba? Paano nangyari yun? Tang-ina, PUKE lang ang gusto ko!' Galit na sigaw ng isip ko.

Putang-ina talaga. Tang-ina lang.

Pero bakit hindi mahinto ang kabog ng dibdib ko ngayon. Sa buong pagkakaalam ko ay kaibigan ko lang si Luke. Alam ko special siya sa akin pero, ano ang nangyari?

Gulong-gulo na talaga ako. Hindi ko makuha ang sagot sa mga katanungan ko. Naisip ko kung magpapakita pa ba ako kay Luke o magtatago na lang. Hindi ko pwedeng maidahilan na lasing ako dahil normal lang ako nang ginawa ko yun.

Nag-isip ako ng maidadahilan kung sakaling tanungin ako ni Luke kung ano ang ibig sabihin ng ginawa ko.

Pero bakit ko nga ba ginawa yun? Dahil ba naawa ako sa kanya? Pero bakit halik? Pwede namang yakap lang.

Tsk... Tsk...

Bahal na, iiwas na lang muna siguro ako sa kanya. Hindi ko kayang makita siya o matitigan. Paano kung ipagkalat niya sa tropa ang ginawa ko?

Kumulo ang tiyan ko, naalala ko hindi pa nga pala ako kumakain ng hapunan.

Masakit ang buong katawan ko at puro dugo ang mukha at damit ko. Kaya naisipan ko na munang maligo.

Hindi ko na masiyadong naalintana ang sakit na naramradaman ng katawan ko dahil bukod sa sanay na ako ay mas nangibabaw sa utak ko ang nangyari sa amin ni Luke kanina.

Nang matapos akong maligo ay ginamot ko muna ang mga sugat ko na nakaharap sa salamin.

Tiningnan ko maige ang taong nakikita ko sa salamin.

Puro sugat sa mukha at pasa sa katawan.

Napayuko ako.

'Hanggang kailan ba ako ganito?' tanong ng isip ko.

Nang matapos kong gamutin ang sarili ko at nakapagbihis ay paika-ika akong lumabas ng kwarto. Tutungo kasi ako sa carinderia na kinakainan ko na malapit lang sa tinutuluyan ko.

Pagka-lock ko ng pinto ay napansin ko si Luke na lumabas din ng kwarto niya.

Nataranta ako, hindi ko alam kung papasok ba ulit ako o tuluyan na lang na umalis at kunwari hindi ko siya nakita.

Mas minabuti kong magkunwari na lang na hindi ko siya nakita at tuluyang tumalikod papunta sa elevator na maghahatid sa akin pababa.

Kahit nakatalikod ako ay napansin kong nakasunod siya sa akin dahil sa mga tunog ng yapak niya. Mukhang maghahapunan din si Luke sa carinderia.

Patay na.

Nakalapit na siya sa akin at pareho na kaming naghihintay ng elevator.

Hindi ko siya tiningnan at hindi din naman siya nagsalita. Mabuti nalang din yun dahil wala akong alam na sasabihin sa kanya. Hiyang-hiya pa din ako sa ginawa ko.

Pagbukas ng elevator ay nauna akong pumasok at sumunod lang siya. Iniiwas ko pa din ang tingin ko hanggang sa mag sarado ang pinto.

Nasa 3rd floor lang naman kami pero parang antagal ng oras na nasa loob kami. Mahabang katahimikan lang ang namamagitan sa amin.

Brad Mahal Kita Matagal Na Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ