Chapter Six

6.6K 251 37
                                    

Chapter Six

There it is again.

Ang pagguhit ng takot sa boses ng dalaga. Kung maliwanag lang siguro ay nakikini-kinita na nya ang pagguhit rin ng takot sa abong mata nito. Bigla tuloy inatake ng konsensya si Jacob. Hindi nya sinasadyang takutin ang dalaga.

"Miss..." Humakbang sya pasulong at agad na huminto nang humakbang paatras ang dalaga.

Bad idea, Jacob.

Napabuntong-hininga sya. Hindi naman nya ito masisisi. Sino bang hindi matatakot kung basta na lang nya itong hinigit sa madilim na lugar at hinalikan?

"Look, I'm sorry." Itinaas nya ang kamay tanda na wala syang gagawing masama dito.

"Kilala mo ko?" Narining nyang usal nito.

Natigilan tuloy sya. Ilang minuto ang kinailangan nya para rumehistro sa kanyang utak na, in fact, ay hindi ang paghalik nya dito ang dahilan kung bakit ito natatakot kung hindi ang pagtawag nya sa pangalan nito.

Bahagya syang nakahinga nang maluwag. Mas kaya nyang ipaliwanang kung paano nya nalaman ang pangalan nito kaysa ipaliwanag kung bakit nya ito hinalikan. Dahil mismong sya ay hindi rin alam ang dahilan.

Ang intensyon nya lang ay ang hilahin ang dalaga para itago ito, pero nabago 'yon ng mahawakan nya ito sa kanyang bisig. She smells good and felt soft in all places he had no business noticing. The next thing he knew, he was kissing her hard.

Obviously, ibang ulo ang ginamit nya sa pag-iisip.

"Paano mo ko nakilala?" May diin na anito at kung hindi lang niya napansin ang bahagyang panginginig sa boses ng dalaga ay mapapaniwala sya nito sa katapangang ipinapakita.

Hindi na sya nagsalita pa at sa halip ay kinuha sa bulsa ang isang star-shaped necklace. He let it dangle on his finger.

"A name was engraved on it. It says Elisa."

Hindi nya kailangang makita ang dalaga para masabing nakahinga ito ng maluwag sa sinabi nya, dahilan para makahinga rin sya nang maluwag.

Dahan-dahang humakbang ang dalaga palapit sa kanya, inangat ang kamay para sana hawakan ang kwintas pero bago pa man 'yon mangyari ay agad nyang inilayo ang kwintas.

"Not so fast. Sabihin mo muna sakin kung sino ka talaga at ibibigay ko sayo ang kwintas na'to." Aniya.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kanila bago nya naaninag ang pagtango ng dalaga.

"I wanna hear you say it." Sabi nya.

Nagtayuan ang balahibo nya at alam na kaagad nyang nakatingin sa kanya ang dalaga.

"Okay." Bulong nito.

Tumango-tango sya at tumalikod.

"Good! But let's get you out of here first."

* * * * * *

Hindi alam ni Jacob kung paano nya iuuwi ang dalagang kasama nang walang makakakita sa kanila. Bukod sa panay ang radyo sa kanya ng mga kasama ay agaw pansin rin ito kung isasakay nya ito sa kanyang dyip. Pihadong may makakakita sa kanila at sapat na ang ilang taon nyang pagtira sa islang ito para masabing sa loob lang ng isang oras ay kakalat ang balitang may kasama syang babae.

Kaya bago pa man sila lumabas ng bahay-kahoy na pinagtataguan ay muli nyang hinarap ang dalaga.

"Kaya mong maglakad?"

Naaninag nyang tumango ito at napabuntong-hininga sya. Back to sign language. Ginusot nya ang ilong. Hindi nya alam kung bakit pero gusto nyang marinig ang boses ng dalaga kaya naman inulit nya ang tanong.

Dangerous PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon