Chapter Ten

7.5K 297 58
                                    

Chapter Ten

"Bakit parang kanina ka pa kating-kati na umuwi?" Seryosong tanong ni Steve habang matamang nakatingin sa kanya.

Hindi kumibo si Jacob at sa halip ay ipinagpatuloy ang pagsisibak ng kahoy. Nang matapos ay ipinatas nya ang mga nasibak, binuhat at ipinatong sa kanang balikat.

"The hell are you saying?" Tinalikuran nya ang kaibigan, "Ikaw na tumapos nyang sinisibak ko." Sabi nya bago naglakad palayo. Nang masiguradong nakalayo na sya ay agad syang napangiwi.

Shit! Kanina pa sya hindi tinitigilan ng mokong na 'yon. Mula nang umalis ang CIA sa isla ay hindi na sya nilubayan ng binata at mukhang wala talaga itong balak na tantanan sya.

Napailing na lang si Jacob. Nang makalapit sa bahay-kahoy ay agad nyang nginitian ang matandang mag-asawa na kasalukuyang abala sa pagmamando sa pagluluto.

"'Nay saan ko ilalagay 'to. Ipapasok ba sa bahay-kahoy?"

"Ay dine na lang Lieutenant at yan ay gagamitin na rin naman. Maraming salamat anak, sabi ko naman sayo'y hindi mo na kami kailangan ipagsibak ng kahoy." Giliw na giliw na sabi ni Aling Pacing.

"Sya nga. Kaya na yang gawin ng panganay ko." Dugtong pa ni Manong Isko.

Nangingiting napahawak sya sa batok. "Naku wala ho 'yon. Sanay na rin naman kami ng mga kasamahan ko. Tulong na rin namin para sa kapistahan ni San Juan bukas."

Napangiti sya. Sa tagal ng paglagi nila rito sa Isla Bughaw ay isa na sa mga nakagawian nila ang kapistahan ni San Juan. Bukod sa masasarap na pagkain ay dinarayo rin ng maraming turista ang isla, dahilan para kahit papaano ay magamit nila ang katungkulan bilang sundalo.

"Hari nawa'y hindi na kayo umalis dito sa aming isla." Tinapik-tapik ni Manong Isko ang balikat nya.

"Ay sya eh bago ka umuwi mamaya'y dumaan ka muna rine at mag-uwi ng ulam. Sabihin mo rin kayna Francisco." sabi ni Aling Pacing.

"Sige ho, 'Nay."

Matapos magpaalam ay tumalikod na sya at naglakad, itinaas nya ang sando at pinahiran ang pawis na umaagos na sa kanyang noo. Nang ibaba nya ang damit ay halos napaatras sya sa gulat nang mabungaran ang nakangiting mukha ng... sino nga ba 'to? Delilah--panganay na anak ng isa sa mga konsehal ng isla.

"Hi Jake." Nagpapacute na inipit nito ang buhok sa likod ng tenga at humakbang palapit sa kanya.

Napaatras sya.

"Hello." Aniya at iginala ang tingin sa paligid, pasimpleng naghahanap ng saklolo.

Hindi naman sa pagmamayabang pero alam nyang gusto sya ng dalaga. Hindi rin naman kasi nito inililihim ang tungkol sa pagtingin nito sa kanya. Dati-rati nga ay palagi itong nagpupunta sa bahay nya para magluto o maglaba kahit pa tahasan nyang itinataboy ito. Natigil lang ang pagpunta-punta nito sa bahay nya nang magsimula itong magtrabaho sa Mindoro. Isang beses sa isang buwan lang ito umuuwi sa Isla Bughaw pero tumatagal naman yon ng isang linggo at sa loob ng isang linggong 'yon ay para itong linta na hindi nya magawang alisin.

"Kakauwi mo lang?" Tanong nya na agad din nyang pinagsisihan dahil sa kakaibang kislap sa mata ng kaharap.

"Namiss mo ba ko, Jake-ie?" Lumapit pa ito at idinantay ang palad sa dibdib nya.

Jesus Christ! Kinikilabutan sya. Pasimple nyang pinalis ang kamay ng dalaga pero parang may magnet na muli lang bumalik ang kamay nito sa dibdib nya.

Naman oh. Muli nyang iginala ang tingin sa paligid at halos magdiwang ang buo nyang pagkatao nang makita si Steve sa di-kalayuan.

"Steve!" Sigaw nya at kinawayan ang kaibigan. Nang lingunin sya nito ay, "May sasabihin ka sakin di'ba?"

Dangerous PastWhere stories live. Discover now