Epilogue

6.6K 238 65
                                    

Epilogue

"Pwede na?"

Nang magthumbs up si Jacob ay agad na pinindot ni Elisa ang switch dahilan para bumaha ang liwanag mula sa ikinabit nitong light bulb.

"May ilaw na!" Halos magtatalon si Elisa sa tuwa at agad na sinugod si Jacob ng yakap. Natatawang sinalo naman siya nito at ipinulupot rin ang braso sa bewang niya.

"You like it?"

Tumango siya. "Sobra!" Bahagya niyang inilayo ang sarili kay Jacob at hinawakan ito sa pisngi. "Thank you, babe."

"Kiss me then." Pumikit ito at inginuso ang labi. Nakangiting kinintalan naman niya ito ng mabilis na halik at parang bata na ngumuso naman ito sa ginawa niya. "Iyon na 'yon? Gusto ko pa."

Natatawang itinulak niya palayo ang mukha nito 'tsaka siya humakbang paatras para makalayo dito. "Mamaya na. Tingnan muna natin kung okay na rin ang ilaw ng lahat."

Naiiling pero nakangiti naman na tumayo ito at hinawakan ang palad niya. "Sige na nga. Pero may utang ka sakin ah. Maniningil ako mamaya." Nakangising hinawakan nito ang kamay niya at iginiya na siya palabas. Magkahawak kamay na binaybay nila ang daan patungo sa maliit na komunidad ng isla Bughaw.

Napatingala si Elisa sa langit at napangiti. Seeing another daylight never fails to amaze her.

Hindi niya makakalimutan ang panahong nabigyan siya ng pangatlong pagkakataon na imulat ang mata. Maraming tao pero wala sa mga iyon ang hinahanap niya. She was almost hysterical. Gusto niyang makita si Jacob. Palagi niya itong naririnig. Palaging nasa tabi niya. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang itong nawala.

Takot na takot siya. Hindi na niya alam kung alin ang panaginip at kung ano naman ang totoo. She forced herself to open her eyes and was devastated.

Hindi niya napigilan na umiyak. Umiyak siya ng umiyak. They had to sedate her to calm her down. At kahit antok na antok na ay pilit niyang nilabanan. Ayaw na niyang matulog. Ayaw na niyang pumikit. Ang gusto lang niya ay makita si Jacob.

And then he was there. Nang magtama ang mga mata nila ay para bang tumigil ang lahat.

"Jacob." Inangat niya ang kamay at kahit hilam sa luha ay pinilit niyang ngumiti.

Mabibilis ang bawat hakbang na lumapit ito sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Mahigpit na mahigpit. Nakatulog siya na ang huling narinig ay ang makabasag pusong pag-iyak ng lalaking mahal habang paulit-ulit itong nagpapasalamat.

Masayang masaya na si Elisa sa takbo ng buhay niya. Nabigyan na siya ng pagkakataon na makita ang mundo. Naging daan rin siya para unti-unting simulan ang pagbagsak ng pinakamalaking sindikato. Higit sa lahat ay nabigyan na niya ng hustisya ang pagkamatay ng magulang.

The confrontation she had with Henry was not easy. Tahimik lang siyang nakinig habang ikukwento nito ang mga nangyari. His daughter, the real Savannah Elizabeth, was molested and murdered by Senator Michael Bennet. Iyon ang nagtulak kay Henry na ipapatay ang senador at palabasing aksidente ang nangyari. Pero nang masangkot si Agent George Dale ay agad itong naghugas ng kamay at binitawan ang lahat ng nakakaalam, including her parents.

Naiinis si Elisa sa sarili dahil hindi niya magawang magalit kay Henry. Kahit papaano ay naging mabuti itong ama sa kanya. Masakit man ay pinili nila ni Savannah na pagbayarin ito sa ginawa. She never saw him again. Bago pa ito makasuhan at maikulong ay umalis na siya. Sapat na sa kanya na handa na nitong pagbayaran ang lahat ng nagawa.

Natutunan niya kay Savannah na hindi niya kailangang makalimot para magpatawad. Hindi niya kailangang kalimutan ang nakaraan para makahakbang sa kasalukuyan.

Dangerous PastWhere stories live. Discover now