Chapter Nine

6.3K 262 16
                                    

Chapter Nine

Nang matanaw ni Elisa ang military ship ng CIA ay awtomatikong huminto ang paa nya sa pagtakbo.

Gagawin niya ba talaga 'to? Talaga bang mapagkakatiwalaan niya si Zach?

Kinagat nya ang labi at humawak sa malaking puno na nasa harapan. Kapag humakbang sya ay mawawala ang dilim na ibinibigay ng puno para makapagtago sya. Ilang hakbang lang at mahahantad sya sa liwanag ng buwan.

Is Zach worth the risk?

Ikinuyom nya ang kamao. Hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit pinagdududahan nya si Zach. Walang basehan ang pagdududa nya sa kaibigan. She'd known Zach for nine years at alam nyang mapagkakatiwalaan nya ito.

Tama. Wala syang dapat ikabahala. Huminga sya nang malalim at muling humakbang.

Pero isang hakbang pa lang at muli na syang natigilan nang makarinig ng mga boses sa di-kalayuan. Agad nyang idinikit ang likod sa puno para magkubli.

"... do you really think Agent El did that? Sa palagay mo kaya nyang patayin ang buong team nya?"

"I think not. Hindi kami close pero tuwing nakikita ko sya, computer lagi ang hawak nya. Never saw her holding a gun."

"Stop talking about her." Saway ng isa pa.

"What? We've been keeping it down ever since she disappeared. Ngayon na nga lang natin sya pinag-usapan. One more thing, hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan nating manahimik tungkol sa issue na 'to."

"I still believe na isang set-up ang nangyari sa kanya. That small girl don't even know how to hold a gun much less use it."

"Yeah. I don't believe that she's the mole inside the CIA."

"What do you think Zach? Mas close kayo ni Agent Collins diba?"

Pinigil ni Elisa ang paghinga, hinihintay ang sasabihin ng kaibigan. Ilang minuto yata ang lumipas bago ito nagsalita.

"I don't know. Don't ask me anything about it." Tipid na sagot nito.

"Oh come on." Reklamo ng mga kasama nito at mayamaya ay, "Sandali nga, wag mong sabihing naniniwala kang miyembro ng Belial si Elisa?"

Lumipad ang palad nya sa bibig at agad na kinagat 'yon para pigilan ang sarili na gumawa ng anumang ingay.

Para syang pinanghinaan sa narinig. Iniisip ng mga 'to na miyembro sya ng Belial? Talaga bang ganun ang iniisip ni Zach?

"I won't say she's not guilty just because she's my friend."

Napapikit si Elisa. Hindi nya alam kung matatawa ba sya o maiinis kay Zach. Yeah, that was Zach right there. Hindi sapat ang pagkakaibigan nila para panigan sya nito.

Simula pa lang ay alam na nyang mas importante para dito ang trabaho. Iyon marahil ang dahilan kung bakit hindi sya nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin dito ang nararamdaman.

Pero hindi pa rin nya maiwasang makaramdam ng galit para sa kaibigan. He should've still given her the benefit of a doubt. Ikinuyom nya ang kamao. Wala syang ibang gustong gawin ngayon kundi ang sapakin si Zach at bago pa man sya makapag-isip ay pumihit na sya para sana lumabas sa pinagtataguan.

Pero sa isang kisap-mata ay may palad na tumaklob sa bibig nya at paatras na hinigit sya palayo. Namilog ang mata nya at sa takot ay pinilit nyang kumawala.

"Shhh! Ako 'to." Bulong nito pero ni hindi rumehistro yon sa isip nya. Ang tanging gusto nya ay makawala kaya't nagpatuloy sya sa pagpupumiglas; sinisiko sa tagiliran at kinakalmot ang braso nito.

Dangerous PastNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ