Chapter Sixteen

5.2K 208 36
                                    

Chapter Sixteen

Zach.

Parang natulig si Jacob sa narinig. Hinihingal na isinandal ni Jacob ang likod ni Elisa sa puno at hinayaan ang mga paa nito na dumausdos hanggang sa makaapak sa lupa. Pagkatapos ay dumako ang tingin nya sa mukha ng alaga, nakapikit ito pero dumadaloy ang luha sa gilid ng mga mata. Sunod-sunod syang napamura sa isip.

"Shit! I'm sorry." Bulong nya, hindi malaman kung ano ang gagawin.

Nagmulat ng mata si Elisa at para bang may kung anong kumurot na naman sa puso n'ya. Hindi n'ya akalain na ganito ang magiging reaksyon nito. Akala n'ya ay pareho nilang ginusto ang nangyari, na kahit papaano ay may kaunting nararamdaman din para sa kanya ang dalaga. Pero sa reaksyon nito ngayon, sa nakikita nyang pagdurusa sa mga mata nito, maling-akala lang pala.

Laglag ang balikat na pinadausdos nya ang kamay sa braso ni Elisa hanggang sa mabitawan nya ito, pagkatapos ay humakbang sya paatras para bigyan ng distansya ang dalaga.

"Fuck, I'm sorry." Napasabunot s'ya sa kanyang buhok at nag-iwas ng tingin.

"Si Zach..." sabi nito sa basag na tinig.

Napapikit sya. Fucking shit! Masakit pala. Masakit palang malaman na may mahal na iba ang taong mahal mo. 'Cause yes, he loves her. Hindi nya alam kung kailan, paano nangyari at kung ano ang dahilan, pero iyon talaga ang nararamdaman nya. Mahal  na n'ya si Elisa.

"Jacob, si Zach..."

Tumalikod sya. "I know." Sinuklay n'ya ang buhok, "I know and I'm sorry, Elisa."

Umiling-iling ito at humakbang palapit sa kan'ya. Inabot ang kamay n'ya at hinawakan ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. At pakiramdam ni Jacob ay puso n'ya ang hawak nito. Dahil para bang pinipiga ang puso n'ya.

"Kaya mo bang umuwi mag-isa?" Sa halip ay tanong nya.

Hindi na ito nakasagot dahil sunod-sunod na tumunog ang walkie-talkie n'ya.

"Alpha one, Alpha one. This is Charlie three, over."

"This is Alpha one, over."

"Charlie to Alpha, we have booby trap, over."

Napamaang sya sa narinig. Shit! Masyado syang naging abala kay Elisa na ni hindi nya kinuwestyon ang malakas na pagsabog kanina. Damn it, damn it! Muli nyang nilingon ang dalaga.

"Mauna ka ng umuwi." Hindi na n'ya hinintay pa ang sagot nito. Dahan-dahan n'yang inalis ang kamay nito at saka tumalikod. Humakbang s'ya ng isa. At isa pa. Hanggang sa bumilis ang bawat hakbang nya at namalayan na lang n'yang tumatakbo na s'ya palayo kay Elisa.

Ang masakit ay tila naiwan naman n'ya ang puso sa kamay ng dalaga.

* * * * * *

Natigilan si Jacob nang makitang nagkakagulo na ang karamihan ng tiga-isla sa may pampang. Pinilit n'yang makisiksik hanggang sa makita nya ang mga kasamahan.

"On the count of three. One. Two. Three." Sabay-sabay na inilipat ng mga ito sa de-motor na bangka ang isang lalaking duguan. Nang nakalapit ay namukhaan n'ya si Mang Fernan, isa ito sa mga mangingisda sa isla.

Dangerous PastWhere stories live. Discover now