B3C1: Stone Sculpting (part 1)

4K 147 17
                                    

Yeeah! Book 3 na tayo! Salamat sa mga readers ng CD!
Para po magpatuloy ang Coiling Dragon hanggang sa Book 21.  

Chapter 1: Scultpting (part 1)

Ang komportableng sikat ng tagsibol na araw ay sumisinag sa magkakaibigang nakatira sa dorm 1987 na kasalukuyang nagpapahinga sa kanilang likod-bahay.

Sina Yale, George at Reynolds ay nagkukwentuhan. Sa ngayon, si Yale at George ay parehong labing-anim na taong gulang, habang si Reynolds naman ay labing-apat na taon. Ang tatlo ay mabilis na tumangkad at kahit ang pinakapandak na si Reynolds ay may 1.6 na metro ang taas. Ang pinakamatangkad sa kanila ay si Yale, na may nakakamanghang 1.9 na metro.

George, tumigil ka nga sa pagpapanggap mo sa harapan namin. Kahit si fourth bro ay hindi na virgin. Bakit kailangan mo at ni third bro na magpanggap? Paano kung ganito nalang, sa katapusan ng buwan, bakit hindi ikaw at si third bro ang magpunta sa Fenlai City, sa "Jade Water Paradise". Ako na ang bahala sa gastos. Garantisadong pareho kayong magiging komportable at maigagarantiya kong ang babae ay birhen. Deal?" bitbit ang dalawang maliliit na stone weights, natatawang sabi ni Yale habang nag ehersisyo.

Ang dalawang stone weights ay malamang may bigat na 20-30 pounds ang bawat isa. Karaniwan na minamaliit ni Linley ang ganitong bigat.

Tumawa din si George. "Boss Yale, tigilan mo nga ang pamimilit mo sa amin. Bakit kaya hindi kayong dalawa ang magpunta sa Jade Water Heaven habang si third bro at ako ay mag-iinuman? Hindi ba at mas magandang ideya ito?"

Nangungutya si Reynolds na nasa gilid, "George, hindi ka isang tunay na lalaki."

Walang nagawang tumawa nalang si George.

Bigla nalang may maririnig na mga yabag mula sa labas ng bakuran. Ibinaba ni Yale ang dalawang binubihat na stone weight at nagtungo sa harapan ng bakuran at lumabas habang sinasabi, "Pustahan si third bro ito. Halikayo, oras na para kumain..."bago matapos nito ang sasabihin ay biglang natahimik si Yale.

Nakita nito na naglakad palapit si Linley, nakapatong sa balikat nito ang malaking bato, humigit kumulang tatlong talampakan ang taas at isang daang libra ang bigat.

Pero halatang parang wala lang kay Linley ang bigat ng baton a buhat-buhat. Sina Yale, George at Reynolds ay laglag ang pangang nakatitig dito. Simpleng ibinaba ni Linleu ang higanteng bato sa isang sulok ng bakuran at ang tunog ng mabigat na bagay na bumagsag sa lupa ay nagpanginig sa puso kanilang puso.

"Anak ng...? Third bro, alam kong malakas ka, pero paanong ganito ka kalakas?" bulalas ni Yale na nakatitig sa bato. "Wala bang laman ang loob ng malaking bato na ito o kakaiba? Habang nagsasalita ito ay naglakad palapit si Yale at inabot ang malaking bato, tinitingnan ito.

"Hrrrrrngh!"

Ginamit ni Yale ang buo nitong lakas at ang buong mukha nito ay namula, pero ang higanteng bato ay parang nakabaon sa lupa ni hindi natinag.

"Boss Yale, itigil mo na ang pagsasayang ng iyon lakas. Walang paraan para makaya mong magalaw yan." Natawang sabi ni Linley.

Ang lakas ng katawan ni Yale ay mas mahina kumpara kahit sa isang first rank warrior. Kay apaanong kaya nitong buhatin ito?

Namilog ang mga matang napatitig si Reynolds sa malaking bato. Nagbuga ito ng nasusurprisang hininga, biglang umikot ang ulo nito at nagtatanong ang mga matang nakatitig kay Linley. "Hoy, Linley, bakit ka nagdala ng napakalaking bato dito sa ating dorm? Oh, alam ko na!" umilaw ang mga mata ni Reynolds. "May nakikita akong mga malalakas na warriors na ginagamit ang kanilang mga kamay na magbuhat ng malalaking bato bilang paraan ng pagsasanay ng bigat. Naghahanda ka ba para magsimulang magsanay ng bigat Linley?"

Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ