B3C21: The Foggy Gulch (part 1)

839 73 4
                                    

Kung nais ng isa na magsanay gamit ang 'Secret Dragonblood Manual', dapat pukawin ng isa ang Dragonblood sa kanyang mga ugat. Ngunit mayroong dalawang posibleng paraan lang kung saan maaring buhayin ang Dragonblood sa ugat. Ang una ay abutin ang minimum na antas ng lapot ng Dragonblood sa ugat. Ang pangalawa ay uminom ng sariwang dugo mula sa buhay na dragon.

Ngunit ang pag-inom ng dugo mula sa buhay na dragon ay lubhang mapanganib.

Ang dugo ng dragon, kahit ipahid lang ay napakasakit, paano pa kaya pag iniinom. Gayunpaman, ang lahat ng bagay sa mundo ay may katumbas na kabaliktaran nito. Ang Blueheart Grass, kapag ipinares sa dugo ng dragon, ay isang mabisang panghalo. Ngunit ang Blueheart Grass ay napakabihira. Dati si Linley ay nagtanong na tungkol sa presyo.

Ang isang pirasong ng Blueheart Grass ay nagkakahalaga ng libo-libong gintong barya. Idagdag pang ito ay isang pambihirang bagay na madalas ay hindi nabibili ng pera. Minsan ng sinabi ni Doehring Cowart: Ang dugo ng buhay na dragon ay may hindi kapani-kapaniwalang lakas. Karaniwan, ang isang Blueheart Grass ay hindi sapat. Kung ikaw ay iinom ng maraming dugo ng buhay na dragon ay kakailanganin mo ng mas maraming Blueheart Grass.

Ang isang pirasong Blueheart Grass ay napakamahal na. Paano makakaya ni Linley? Marahil ang buong kayamanan niyang 70,000 na nakuha niya nitong buan, ay sapat lamang upang makabili ng isang piraso.

"Blueheart Grass, Blueheart Grass! Napakabait ng langit sa akin." Walang mapaglagyang ang kasayahan ni Linley.

Masigasig na tumalon pababa si Linley, bumagsak siya iilang dosenang metro bago bumagsak sa talampas sa kabilang panig. At pagkatapos, agad siyang bumulong ng mahika. Ilang saglit lang, ang buong katawan ni Linley ay napapalibutan ng dumadaloy na elemental essence at dumadaloy na hangin ay nagsimulang pinapalibutan din siya.

Wind-style spell ng ika-limang ranggo- Floating Technique.

Sa kanyang kasalukuyang antas, magagawa lang ni Linley na ipalutang ang kanyang katawan, sa halip na lumipad. Paglutang, ang ibig sabihin ay hahayaan ang kanyang sariling lumutang pataas o pababa na patayo.

Humakbang si Linley, nakatayo sa hangin bago nagsimulang dahan-dahang lumatang pababa, unti-unting bumaba patungo sa malalim, maulap na kanyon. Naiinggit na nakatayo si Bebe sa balikat ni Linley habang sila ay bumaba. Bagaman malakas si Bebe, hindi niya kayang lumipad. Hindi siya isang uri ng magical beast na lumilipad, kaya naman magagawa lamang niyang lumipad pagnagiging isang Saint-level magical beast na siya.

Ang kanyon na ito ay puno ng puting ulap, na nagpapalabo. Habang papapailalim si Linley, mas nagiging malaki ang distansiya sa pagitan ng pader ng kanyon. Hindi naglaon, bumaba si Linley malapit sa Blueheart Grass.

"Ang Blueheart Grass ay may madilim na berde ang kulay, ngunit naglalabas ng malabong asul na liwanag. Ang Blueheart Grass ay malamig kung hawakan. Kapag pinunit ang dahon, naglalabas ito ng madilim na berdeng likido kung saan malamig kung iinomin." Klarong natatandaan pa ni Linley ang paliwanag sa silid aklatan ng Ernst Institute tungkol sa Blueheart Grass.

Nakatitig sa Blueheart Grass na tumubo mula sa talampas na bahagyang gumagalaw sa ihip ng hangin, huminga ng malalim si Linley, pagkatapos ay maingat na binunot ang Blueheart Grass.

"Talagang malamig nga." Nang hinawakan niya ang Blueheart Grass, nadama niya na parang hinawakan niya ang isang piraso ng yelo. Agad niyang inilagay ang Blueheart Grass sa kanyang backpack, at pagkatapos ay tumingin sa paligid. "Meron pa kayang ibang Blueheart Grass dito?"

Ang isang lugar na kung saan ay kayang bumuhay ng isang pirasong Blueheart Grass ay may kakayahan ding bumuhay ng pangalawa.

Gamit ang Floating Technique, nagpatuloy si Linley sa pagbaba patungo sa malabong puting ulap. Sa mga oras din na iyon, alisto ang mga mata ni Linley kahit na ang ulap ay nagpapalabo sa lahat. May na aninag siyang hindi mabilang na mga pumupulupot na mga baging sa talampas.

Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)Where stories live. Discover now