B3C3: A night at the Jade Water Paradise

1.7K 82 8
                                    


Patuloy na lumipas ang oras, sa isang kisapmata, ngayon ay katapusan na ng Mayo.

Sa loob ng nakalipas na dalawang buwan, araw-araw ay ibinuhos ni Linley ang parte ng kanyang libreng oras sa pagmeditate, at ang titirang oras ay kung hindi sa pagsasanay ng paglililok ay sa pagbabasa. Ang library ng Ernst Institute ay mayroong hindi mabilang na mga libro sa loob nito, at sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga ito, nagawang palawakin ni Linley ang kanyang kaalaman.

Ika 29 ng Mayo. Umaga.

(*Note: hindi ako makahanap ng akmang translation sa 'meditative state'. Pagmuni-muni ay sobrang lamya. Ang sinasabing meditative state kasi dito ay pagsasanay sa utak or mode of consciousness. Kaya kung may suggestion kayo, please, feel free.)

Sina Linley, Yale, George at Reynolds ay nakatayo sa liwasan sa harapan ng Proulx Gallery. Naglalaman sa malapit na karwahe ang tatlong kahong kahoy. Nitong nakaraang dalawang buwan ay nagawa ni Linley na makapaglikha ng siyam na bagong eskultura, pero buhat na ito ang unang pagkakataong niyang magpadala ng nilikha sa galerya, nais lang ni Linley na maramdaman kung paano mangyari ang lahat at kaya naman isiinama niya ang tatlo.

"Buhatin na ninyo iyong tatlong kahon," utos ni Yale.

Iilang katulong galing sa angkan nina Yale ang nagsimulang buhatin at dalhin ang kahon.

"Third bro, sumama ka sa akin." Halatang pamilyar na kay Yale ang daan at deretsong tinungo nito ang gilid ng Proulx Gallery. Ang Proulx Gallery ay sumakop ng malaking espasyo at sa isang gilid ay naroon ang entrada, iilang daang metro mula sa kanila ay may ordinaryong pinto na may nakatayong di katandaang lalaking nakasuot damit ng isang magdirigma.

Nang makita ng may di katandaang lalaki si Yale ay nagsimula itong maglakad patungo dito, kumislap ang mga mata nito at nagmamadaling lumapit. Nakangiting nagbigay galang ito at bumati :"Young master Yale, maligayang pagdating!"

Ngumiti si Yale saka tumango, "Iniisip kong alam mo na kung bakit ako narito. Ito ang matalik kong kaibigan, si Linley. Itong tatlong eskultura ay sa kanya. Nasaan ang iyong mga katulong? Ipabuhat mo itong mga eskultura sa loob."

"Isang saglit." Ang may di katandaang lalaki ay ngumiti at tumango.

Hindi nagtagal, iilang tagabuhat ang lumabas mula sa pasilyo, at ang may di katandaang lalaki ay ngumiti kay Linley. "Young master Linley, ayon sa patakaran ng aming Proulx Gallery, kailangan mong mag-iwan ng katibayan ng iyong pagkatao. Kailangan mo lang gawin ay hayaan kaming isulat ang detalye ng iyong Ernst Institute student ID."

And student ID ng Ernst Institute ay labis nang katibayan.

Kinuha ni Linley ang student identification nito.

Pagkatanggap ng ID mula kay Linley, saka pinasadahan ng tingin nang may di katandaang lalaki at agad na kumislap ang mga mata nito. Gulat na nagtaas ito ng tingin muli kay Linley. "Fifth grade?" ang grado ni Linley ay kitang-kita sa ID. Para sa isang sobrang bata at naabot ang 5th rank magus ay labis na nakakasurpresa.

Hindi napigilan ni Yale na may pagmamalaking magsalita, "Itong kapatid kong ito ay isa sa dalawang walang katulad na henyo sa Ernst Institute. Nitong nakaraang taon, noong siya ay labing-apat na taong gulang palang, sa pagtatapos ng taunang pasulit, naabot nito ang titulong 5th rank magus."

Isa sa dalawang Ultimate Geniuses ng Ernst Institute?

Sa puso ng may di katandaang lalaki ay alam niyang malinaw na,sa hinaharap ang maabot ng binatang nakatayo sa harapan, na si Linley, ay napakalawak. Ang ugali nito ay agad na nagbago at naging mas sipsip. Pagkatapos isulat ang impormasyon ni Linley, may ginawa itong marka sa bawat isa sa tatlong kahon.

Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)Where stories live. Discover now