B3C15: Cruelty

892 77 11
                                    

Sa loob ng Mountain Range of Magical Beast, sa tabi ng isang bukal, ginamot niya ang kanyang sugat habang nagsimulang sumipsip ng earth elemental essence para pagalingin ang kanyang sugat. Ang mabait na Inang Mundo ay laging mabait at hindi makasarili. Nakatayo sa lupa, nadama ni Linley na ang kanyang sugat ay dahan-dahang gumaling, puno ng kapayapaan ang kanyang puso.

Sa ngayon, nakapagpalit na si Linley ng backpack. Ang kanyang sariling backpack, kung pag-uusapan ang kalidad ng balat ng hayop at kalidad ng pagkakayari ay mas mababa kaysa sa assassin. Lalo na at ang loob ng backpack ng assassin ay maayos na nakalatag ang mga lalagyan. Sa sandaling ang seradura ay hinigpitan, ang lahat ng mga laman sa loob ay maayos pa rin na nakaayos at nakasara, at ang backpack ay hindi nakasagabal sa pagkilos kahit konti. At ang itim na patalim ng assassin ay sobrang talas din at natuklasan ni Linley na mas madali itong gamitin.

"Whoosh!"

Sa isang iglap, gumalaw ang katawan ni Linley at bigla siyang nawala sa kagubatan. Ni hindi binigyang pansin ni Linley ang mga magical beast sa una o ikalawang ranggo. Ang pinaka-karaniwan na makikitang hayop ay nasa ikatlo o apat na ranggo. Ngunit kung makatagpo siya ng mga magical beast ng ika-limang ranggo, may tiwala si Linley kahit papano na mabibigyan niya ito ng magandang laban.

Habang palalim ng palalim siya patungo sa kabundukan, isa-isang nakatagpo si Linley madugo at malupit na labanan. Naranasan niya ang maraming beses na tambangan at pagtatangkang patayin siya. Matapos nitong mga labanan, ang sugat at pilat sa katawan ni Linley sa katawan ay dumami ng dumami rin, habang ang espiritu ni Linley ay lumaki ng lumaki at mas tumindi.

Itong mga buhay-at-kamatayan ay naging dahilan upang ang isipan ni Linley ay mas lalong tumibay at ang kanyang galaw ay mas lalong naging walang takot.

Sa isang kisapmata, lumipas ang isang buwan mula ng pumasok si Linley sa Mountain Range of Magical Beast.

........

Pagkalipas ng isang buwan, sa taas ng isang malaking punong-kahoy sa tabi ng isang bukal.

Mayroong mahabang peklat sa kaliwang bahagi ng kaliwang bahagi ng gilid ng kanyang mukha. Ang likod ni Linley ay naka baluktot at nakatago siya sa tuktok ng puno tulad ng isang panther na naghihintay sa pagtambang.

Sa ngayon, si Linley ay nakatago sa gitna ng maraming dahon, nakatanaw pababa sa lupa. Ilang dosenang talampakan ang layo mula sa puno kung saan si Linley nakatago ay may isang maliit na sapa at umiinom ng tubig mula sa sapa ay isang may malakas na katawang Bloodthirsty Warpig. Isang kulay dugong sungay ang nakausli sa itaas ng ilong ng Warpig at ang kalamnan ay umuumbok sa buong katawan nito tulad ng isang ugat ng kahoy.

Bloodthirsty Warpig: isang magical beast ng ika-limang ranggo, isang fire element!

"Itong Bloodthirsty Warpig ay may matigas at makapal na balat. Ang pananggang kakayahan nito ay napakalakas. Malamang na ang earthen spear technique ay hindi kayang tumagos sa balat nito."

Biglang may naisipan si Linley at nagsimula itong bumuo ng plano. Kaagad na nagsimulang tahimik na gumalaw ang bibig nito habang walang tunog na nagsimulang bumulong ng mahika. Dahan-dahan, ang wind elemental essence sa paligid ni Linley ay nagsimulang umikot sa kanya, na bumubuo ng isang mala-bughaw na aninag na sibat sa harapan niya. Ang dulo ng aninag na sibat ay may sigabo ng hangin na dumadaloy dito.

Wind-style magic ng ika-limang ranggo- Windhowl!

"Swish!"

Ang nakakabutas taingang tunod ang maririnig habang ang sibat ay bumulusok pababa ng may nakakasindak na bilis. Kasabay nito, lumundag si Linley mula sa itaas ng puno, tumalon pababa na kasing bilis ng sibat.

Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)Where stories live. Discover now