B3C13: Danger (part1)

950 68 3
                                    


"Wew! Sa wakas ay umalis din sila." Napabuga ng mamalim na hininga si Linley.

Alam ni Linley na may lakas lang siya ng isang mandirigma ng ika-apat na ranggo. Ang pakikipaglaban sa malapitan sa mga Windwolves ng ika-limang ranggo ay katumbas ng pagpapakamatay. Tanging sa pamamagitan ng paggamit ng mahika lang siya maaring magkaroon ng pag-asang mabuhay. Ngunit kung hindi dahil sa katunayang mayroon siyang sapat na bilis, papaano siya magkaroon ng pakakataon makagamit ng mga mahika. Sa kabutihang palad, may kabilisan siya at kaya nagawa niyang makuha ang magandang resulta.

"Kahit pa ang isang magus ng ika-anim na ranggo ay naroroon, hindi rin masasabing mas maganda ang maging kalagayan niya kumpara sa akin. Ang magus ng ika-anim na ranggo, kung pag-uusapan ay ang bilis, hindi rin nito magawang makatakas sa humahabol na mga lobo. Kung napapaligiran at inaatake ng grupo ng mga Windwolves, maaring ni hindi ito magkaroon ng pagkakataong makagawa ng mahika." Naging mas tiyak si Linley na ang desisyon niyang huwag itigil ang pagsasanay ng kanyang katawan ay isang matalinong desisyon."

Sinulyapan ni Linley ang Coiling Dragon Ring sa kanyang kaliwang kamay. Mula nang siya ay lumaki, sinimulan niyang isuot ang singsing sa kanyang daliri.

"At mabuti nalang na meron ako nitong Coiling Dragon Ring! Kung hindi, paano ko magawang gumamit ng maraming mahika ng ika-limang ranggo?"

Para sa pangkaraniwang magus ng ika-limang ranggo, pagkatapos gumamit ng dalawang mahika ng ika-limang ranggo, malamang sa hindi na sila ay mauubusan ng mageforce. Pero si Linley ay naiiba. Kagagamit lang niya ng anim na mahika ng ika-limang ranggo; tatlong 'Shattered Rocks', isang 'Supergravity', isang "Earthguard', at isang "Earth Spear Array'.

Ang dahilan ng lahat ng ito? Ang Coiling Dragon Ring.

Sa nakalipas ng mga taon, Si Doehring Cowart ay natagpuan itong singsing ng hindi sinadaya. Minsan, noong gumamit ng mahika si Doehring Cowart, sa labis na pagkamangha ay napagalaman niyang ang mahika na kanyang nilikha sa pamamagitan ng Coiling Dragon Ring ay nangangailangan lamang ng 1/6 karaming mageforce at espirituwal na enerhiyang lakas para makamit ang parehong epekto.

Malinaw na sa pamamagitan ng Coiling Dragon Ring, maaring mas malinaw na maramdaman at manipulahin ang elemental essence. Idagdag pang mas mababa ang pangangailangan sa espirituwal na enerhiya at mageforce.

1/6. Ano ang kinakatawan nito?

Ang isang Saint-level na magus ay ay maaring lamang magamit ang nakakatakot na mahikang 'Annihilating Tempest' ng isang beses. Ngunit sa tulong ng Coiling Dragon Ring, maari niyang magamit ang mahika ng anim na beses! Ang ganitong klaseng kapangipangilabot na kalakas na kayamanan ay hindi mapigilang masabik si Doehring Cowart. Iniisip niyang ang pagkatuklas niyang ito ay isang biyaya mula sa inang mundo, na siyang dahilan kaya pinangalanan niya itong 'Worlrdring'.

Ang banal na yaman, ang 'Worldring'.

Ito ang pangalan na ibinigay ni Doehring Cowart. Batay sa sinabi ni Doehring Cowart, bagama't ang kontinente ng Yulan ay may ilang napakalakas na makapangyarihang kayamanan na maaring gawing mas madali para sa mga magus na lumikha ng mahika, halos walang katulad na antas ang epektong kagaya ng 'Worldring'.

Ngunit pagkatapos makamit itong Coiling Dragon Ring, habang nagsasanay kasama ito, may nadiskubre si Linley na isang bagay.

"Hindi lang earth-style magic! Wind-style magic, at kahit ang pinakamaliit na dami ng fire-style magic, kung padadaanin sa Coiling Dragon Ring, nangangailangan lang ng 1/6 na daming espirituwal at mageforce." Habang nakatingin sa singsing, maligayang-maligaya si Linley.

Sa mga oras na ito ay pinili ni Doehring Cowart ma magpakita sa tabi ni Linley.

"Huwag mong ng tingnan. Sa kapanahunan ko, pagkatapos makamit itong Coiling Dragon Ring, hindi ako nangahas na ipinaalam sa iba ito. Kung may makakaalam tungkol dito, malamang na maraming Saint-level ang darating upang subukang kunin ito sa akin. Pero sasabihin ko ito, kahit ako ay hindi ko naisip na maari pala itong makatulong sa mga gumagamit ng fire-style magic at wind-style magic." Napabuntong-hininga si Doehring Cowart.

Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon